NAPAPIKIT si Ibarra nang ihilig ni Lizzie ang ulo nito sa pagitan ng leeg at balikat niya.
Nang katukin niya ito kanina sa kuwarto nito, hindi siya umaasa na papayag itong sumama sa kanya. At nang lumabas ito ng bahay, she literally took his breath away. Ganoon na lang ang bilis ng pintig ng puso niya.
Ipinilig niya ang ulo niya para masilayan niya ang mukha nito. Nang magtama ang mga mata nila, napangiti siya. Totoong nakangiti si Lizzie kanina nang nagkukuwento ito, pero hindi nito maitago ang lungkot sa mga mata nito at wala na siyang ibang gustong gawin kundi ang pawiin iyon.
I can be your hero baby. I can kiss away the pain. I will stand by you forever. You can take my breath away.
Hindi niya alam ang kanta. Pero habang pinapakinggan niya iyon, naisip niyang lahat ng gusto niyang sabihin kay Lizzie ay sinasabi niyon.
Am I in too deep? Have I lost my mind? I don't care you're here tonight.
Alam niya kung ano ang nangyayari. Pinapayagan na niya ang sarili niyang mahalin ito. Alam niyang hindi iyon magiging madali. Kumportable itong nakahilig sa dibdib niya dahil itinuturing siya nitong kaibigan.
Pero mamaya na siya mag-iisip. Nanamnamin na lang muna niya ang bawat sadaling yakap niya ito.
"Naaawa ka ba sa 'kin, Ibarra?"
Nagmulat siya. Bahagya siyang yumuko para makita niya ang mukha nito. Hindi naman naging mahirap iyon dahil bahagya itong tumingala. "Bakit naman ako maaawa sa 'yo?"
"Eh, bakit isinasayaw mo ako?"
Hindi niya inaasahang itatanong nito iyon kaya hindi siya nakapaghanda ng isasagot.
Mali ang iniisip nito. Hindi niya ito isinasayaw dahil hindi pa nito naranasang mag-JS prom. Hindi niya pinlano iyon. It just felt right. At alam niyang kung hindi niya gagawin iyon ay pagsisisihan niya iyon habambuhay.
"Bakit nga?" angil nito na bumitaw sa pagkakayapos nito sa batok niya at mahina nitong tinampal ang dibdib niya.
Hinuli niya ang kamay nito bago dinala sa pagitan ng mga dibdib nila. Tumikhim siya. "There's a reason why I sit at the back of the classroom, Lizzie."
"Huwag mo kasing ibahin ang usapan," muling wika nito na hinila ang kamay ngunit hindi niya binitawan iyon.
Tiningnan niya ito. "Alam mo kung bakit?"
Titig na titig ito sa kanya. Halatang litung-lito. "Dahil walang nangi-istorbo sa 'yo do'n?"
"Hindi," aniya. Kapag sinabi niya ang rason, may posibilidad na hindi nito magustuhan iyon at iwanan siya nitong nakatanga. Pero hindi naman niya ikakamatay iyon. Masasaktan siya pero hindi siya mamamatay. Kumakabog ang dibdib niya pero nararamdaman niyang ito na ang tamang panahon para sabihin niya ang lahat ng laman ng dibdib niya. He might never have another chance to do so ever again. "Kitang-kita kasi kita doon."
Sa sandaling naramdaman niyang nanigas ang likod nito, gusto niyang pagsisihan na sinabi pa niya iyon. Mali pala siya. Pakiramdam niya ngayon ay daig pa niya ang pinapatay sa sakit na nararamdaman niya. He was about to be rejected.
"Are you saying... are you saying you like me?" Mahinang-mahina ang boses nito. Hindi niya marahil iyon maririnig kung hindi niya ito yakap-yakap.
Umiling siya. Nasimulan na rin lang niya, sasabihin na niya ang lahat ng laman ng puso niya. Para minsanan na lang ang sakit. "No, Lizzie, hindi lang kita gusto. It's a lot more than that. No'ng maranansan ko kasing umupo sa tabi mo, hindi na ako napalagay. I would have to admit that sitting beside you feels a lot better than just watching you from afar."
Umawang ang mga labi nito ngunit muli nitong isinara ang mga iyon. Ilang sandaling yumuko bago muling nag-angat ng tingin. Tumikhim ito. "Ibarra, we are in this seemingly magical moment," anito bago yumuko. "Hindi kaya nadadala ka lang?"
Hinawakan niya ang baba nito. Inangat iyon at nagtama ang mga mata nila. Kung saan nanggaling ang lahat ng lakas ng loob niya na gawin iyon ay wala siyang ideya. "Every moment became magical the day I met you, Lizzie."
Awang ang mga labi nitong titig na titig sa kanya.
"Kaya nang makita ko si Luke na nakahawak sa baywang mo, gusto ko siyang patayin."
"Nagseselos ka? Kaya ka pumayag na mag-swim?"
Tumango siya. "Sobrang selos."
Bahagya itong ngumiti. Tumikhim. "Ibarra, I-I'd be lying if I say that I don't feel the same."
Ganoon na lang ang tuwang bumalot sa puso niya sa narinig niya. "You mean..."
Tumango ito.
Sa pagtango nitong iyon, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Hinapit na niya ang baywang nito at bumaba na ang labi niya sa mga labi nito.
Hindi siya sigurado kung totoo bang yakap niya ngayon ito o nananginip lang siya. Pero nang maramdamang niyang pumulupot ang braso nito sa batok niya at hindi siya nagising, alam na niyang totoo nga.
Her lips were so soft nothing in this world could ever compare to them. Kahit pa sigurado may bombang sumabog sa tabi nila ngayon ay hindi na niya ito bibitawan. Iniisip pa lang niya noon na hahalikan niya ito ay para na siyang umulutang.
Bahagya niya itong inilayo. "You know what this means, right?" bulong niya sa pagitan ng mga labi nila.
"A-ano?"
"Ang malas mo, girlfriend na kita."
Ngumiti ito. It was the sweetest smile he had ever seen. Gustung-gusto sana niyang titigan pa ang ngiti nitong iyon ngunit tinawid na nito ang gahibla lang na pagitan ng mga labi nila
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
