Chapter 2b

8.6K 204 2
                                    

"WHAT was that all about, Elizabeth?" tila naghahamon ang tonong wika ni Neve sa kanya nang palabas na sila ng classroom.

Napapitlag siya. "Ano'ng pinagsasasabi mo d'yan?" pagmamaang-maangan niya. But she knew exactly what Neve meant. Nang i-dismiss kasi sila ni Sir Ricci kanina, hindi naiwasang mapatingin siya kay Ibarra. Nginitian niya ito. Sinagot naman nito iyon ng tango.

"Ano'ng meron?" clueless na tanong ni Gelai.

Pinukol siya ni Neve ng nang-aakusang tingin. "Nakikipagtitigan ka kay Ibarra. Nakikipagtitigan siya kay Ibarra," tila nagsusumbong kay Gelai na wika nito.

Hindi niya mapigilang matawa sa reaksyon nito. "Hindi naman ah! Nginitian ko lang kaya."

"Really?" tili ni Gelai.

"I'm just being civil," aniya.

Umigkas pataas ang kilay ni Neve. "Baket?"

Naiintindihan naman niya na naiintriga talaga ang mga ito pero hindi na niya direktang sinagot ang tanong ni Neve. "Mabait lang pala talaga siyang estudyante. He really is, Neve." Nang dumating sina Kleggy kagabi, nabanggit niya ang tungkol kay Ibarra. Napagkuwentuhan tuloy nila ito nang kaunti "Scholar daw ng isang company kaya seryoso sa pag-aaral. Wala na rin daw siyang dad at 'yong mom na lang ang-"

Kunot ang noong tinitigan siya ni Neve kaya hindi na niya naituloy ang kuwento. "Paano mo nalaman ang mga 'yan? Ini-stalk mo? Nag-coffee kayo somewhere? O may kasama bang dinner kasi parang masyadong marami ang nakuha mong info."

"No," aniya. "Kuwento lang ni Kleggy."

Itinaas ni Gelai ang hintuturo. "Wait," anito. "Magkakilala si Kleggy at Ibarra? Pa'no?"

"Housemates sila."

Nanlaki ang mga mata nito. "'Di ba sa house ni Kleggy naggu-group meeting?"

"Yep," aniya.

"At nakalimutan mong ikuwento sa 'min?"

Umigkas pataas ang kilay niya. "Bakit ko kailangang ikuwento?"

"Bakit hindi?" tila naghahamong wika ni Neve.

Pinandilatan niya ito. "Importante ba 'yon para ikuwento ko?"

"Oh, yes," ani Gelai.

She made a face. "Baket?"

Sinimangutan siya ni Gelai. "Hello, ang tagal na nating naiintriga sa kanya 'no!"

Pinandilatan niya ito. "Eh, ano'ng ikukuwento ko? Na nadatnan niya akong natutulog at binabangungot kaya binigyan ako ng kumot?"

"He did?" sabay pang wika ng dalawa.

"Yes. Naawa siguro sa 'kin," aniya. "Which reminds me, kailangang ko siyang bilhan ng something pagbalik ko kina Kleggy. Pastries o kaya chocolate cake."

"Oh, my God," wika ni Gelai. "Crush mo na agad?"

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Dahil lang balak kong bigyan ng something? Gelai, thank you gift ko lang 'yon! Hindi ko siya crush!"

Ipinilig ni Gelai ang ulo nito. "Sabagay," anito. "'Tsaka tama, 'wag mo na lang gawing crush. Mukhang mahirap gawing crush 'yang si Ibarra. I mean, ano'ng pag-uusapan n'yo? Siya 'yong tipo ng tao na tatawagin ang drawing na two-dimensional figure on a certain medium."

She made a face. "Ano'ng pinagsasasabi mo?"

"Basta. I dunno. Basta, 'yon ang nasi-sense ko. Masyado pati siyang seryoso. Parang hindi mag-aaksaya ng panahon para sa lovelife."

"Alam mo, Gelai, for the first time parang gusto kong mag-agree sa sinasabi mo," sabad ni Neve.

Namilog ang mga mata ni Gelai. Tuwang-tuwa na nakahanap ng kakampi. "'Di ba? Ang mga lalaking tulad niyang si Ibarra, mahirap mahalin 'yang mga 'yan."

Manghang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. "Housemate lang 'yon ng groupmate ko, hindi ko ibo-boyfriend."

Lumabi si Neve. "Ewan ko lang ha," anito. "Pero 'yang ganyan na magi-exert ka pa ng effort na bigyan siya ng cake o ng pastries..." Umiling ito.

Pinandilatan niya ito. "'Di hindi na!"

"Dapat talagang hindi," anito. "Dahil ang matinong babae, hindi nagreregalo sa lalaking hindi naman kaanu-ano."

Sasagot pa sana siya pero sinenyasan siya ni Gelai na huwag na itong patulan. Kung sabagay, hahaba lang ang usapan kapag sumagot pa siya.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon