Chapter 14a

6.3K 162 2
                                        

"DO something, Kleggy! Kundi uuwi na ako," mariing banta ni Lizzie. Gigil na gigil siya pero pilit niyang hininaan ang boses niya.

It was Kleggy's birthday celebration. Pagdating pa lang nila kaninang tanghali ay hindi na niya naiwasang mapangiti sa preskong simoy ng hangin. Pakiramdam niya ay natanggal ang pagod niya dahil doon. Mababaw lang naman kasi ang kaligayahan niya kaya masasabi niyang sulit na sulit ang hindi niya pagbabakasyon mula sa trabaho ng halos dalawang taon. Hindi rin naman kasi siya mahilig sa beach kaya wala siyang pakialam kung hindi puti ang buhangin.

Nasabi na niya kanina na hindi siya nagsisi sa pumunta siya. That was until Kleggy's brother-in-law started pestering her.

Hindi siya nagbibiro. Aalis talaga siya. Kesehodang mag-bus siya. Nagsisisi tuloy siya na sinunod niya ang payo ni Kleggy na huwag na siyang magdala ng sasakyan at sumabay na lang sa mga ito.

Tinapik-tapik ni Kleggy ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. "Sakyan mo na lang muna kasi."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Are you crazy? Eh, sa hitsura pa lang mukhang balak na akong molestyahin."

"Mabait 'yan. Pagbigyan mo na at mukhang ngayon lang nakakita ng maganda."

Napailing siya sa tinuran nitong iyon. Sirang-sira na ang gabi niya.

"Mukhang rapist, Kleggy!"

"Gaga," hinampas ni Kleggy ang braso niya. "Mayaman 'yan."

"Lizzie! Lizzie, honey!"

Nanlaki ang mga mata niya. Kahit 'di pa siya lumilingon, alam na niyang si Charles ang sumigaw na 'yon.

"Kleggy, 'ayan na naman siya! Do something!" gigil nang wika niya. Sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niya ang ngising-ngisi nang si Charles.

Alam niyang kayang-kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Ayaw lang niya ng eskandalo. Ayaw niyang makapatay. Ano na lang ang mangyayari sa career niya kapag nakasuhan siya ng murder? Pati US visa niya malamang ay iri-revoke! Pati ang-

Napasinghap siya nang may humaklit sa baywang niya. Mabilis na napalingon siya at nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino iyon.

It was no other than Ibarra.

At bago pa siya makapag-react, hinalikan na nito ang sentido niya. "Hi, babe," kaswal na wika nito.

Kumurap-kurap siya. Umawang ang mga labi niya ngunit wala siyang maapuhap na sasabihin kaya muli na lang niyang isinara ang mga iyon.

"Sorry, I'm late," masuyong bulong ni Ibarra.

Tumikhim siya. "You're here," aniya. She tried her best to sound casual, but she knew she was failing miserably. Kung bakit ba naman kasi nahihirapan siyang kontrolin ang bilis ng tibok ng puso niya.

Kung sabagay, in-assure siya ni Gelai at ng waiter na makakaramdam talaga ng kilig ang isang normal na tao kapag nakaharap ang ex. And she was nothing but.

"Who the hell are you?"

Parang iisang taong lumingon sila sa nagsalita. It was Charles.

"Who is he, Lizzie?" nang-uusig ang tono ni Charles.

Maagap na lumapit si Kleggy sabay hawak sa braso nito. "Charles, this is my friend Ibarra. He is Lizzie's... he is Lizzie's..."

"Boyfriend," sabad ni Ibarra sabay hapit sa kanya. Napalunok siya dahil ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito.

Mula kay Ibarra ay inilipat nito ang tingin sa braso ni Ibarra na nakapulupot sa kanya. "I thought you didn't have one," anito. "You made me believe you were available!"

"I did not!" pigil ang tiling wika niya. Ganoon na lang ang inis niya na pati kay Ibarra ay napatingin siya.

Halatang nagpipigil itong mapangiti. "Alam ko."

That was when she realized she had made a mistake. "Hindi ako nage-explain sa 'yo," aniya.

"Wala naman akong sinabi, ah," wika uli niya. He was grinning.

Muli silang napatingin kay Charles nang magsalita ito. Hindi niya alam na nasa tabi pa pala nila ito."We're not quite finished yet, Lizze," banta nito bago sila iniwan.

She knew better than to answer back. Lalala lang ang issue. Tiningnan niya si Ibarra. "Salamat," aniya. Bahagya siyang ngumiti.

"No prob," anito. "Iwasan mo na lang 'yon." Sinabayan nito iyon ng ngiti.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang sinagihan siya ng takot gayong nakangiti naman ito.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon