"SHE'S really sick, Lizzie and we need someone to replace her."
Ang tinutukoy ng boss niyang si Ma'am Tina ay ang anchorwoman sa Balitang Alas-sais na may stage four breast cancer. At kasabay ng hindi magandang balitang iyon ay ang magandang balita nito para sa kanya.
Ayon dito, siya daw ang napipisil na ipalit sa anchorwoman sa nasabing primetime news. Nang ipatawag siya nito kanina, hindi niya lubos akalain na tungkol doon ang sasabihin nito.
Nang marinig niya iyon kanina ay maang na lang siyang nakatitig kay Ma'am Tina. Karamihan, kung hindi man lahat ng reporters, ay iyon ang pangarap.
Pakiramdam niya ay nanumbalik ang naubos na lakas niya sa kakatapos lang na pitch meeting nila ng executive producer at ng staff ng magazine show niyang Kuwentuhang Pinoy. It was a show that basically tackled anything of human interest. Sobrang stress and dulot niyon sa kanya ngayon dahil itinapat ng kalabang network ang bagong reality singing search nito sa timeslot nila. At para hindi niyon agawin ang audience share nila, kailangan nilang mag-reformat nang kaunti. They had to be bolder. Kulang na lang ay i-suggest ng EP na kumain siya ng espada.
"Uy," untag ni Ma'am Tina sa kanya.
Napapitlag siya. "You're not kidding, Ma'am Tina, are you?"
"Nakakatawa ka talaga, Lizzie," anito. "Hindi ko na mabilang na nagkaroon tayo ng ganitong conversation pero ganyang-ganyang pa rin ang reaction mo. Kailan ka ba masasanay?"
"I just didn't expect it. Nagulat talaga ako."
Umiling ito. "Dapat hindi ka na nagugulat," anito. "Hindi bulag ang management. Alam nila kung kanino ipagkakatiwala ang mga bagay-bagay. And you're really an asset to the network. Hindi ako nagkamali sa 'yo. Hindi ka lang kasi basta magaling, loyal ka pa."
Ngumiti siya. "Thanks, ma'am."
"You deserve it," maluwag ang ngiting wika nito bago sinamsam ang mga papeles sa harapan nito at itinaktak iyon sa desk nito.
Nang lumabas siya sa opisina nito, pakiramdam niya ay may pakpak ang mga paa niya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Inaamin naman niya na isa iyon sa mga pangarap niya. But it came sooner than expected. Buong akala niya ay mga limang taon pa ang bubunuin niya. Unti-unti nang nagbubunga ang lahat ng pagsisipag niya sa trabaho.
Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang tuwa.

BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...