Chapter 13a

6.1K 155 2
                                    

"WHAT is wrong with you!" gigil nang wika ni Lizzie sa kotse niya. Kanina pa niya pinipilit iikot ang car keys niya sa ignition pero hindi niya iyon maikot. Muli niyang tinanggal bago muling isinuksok. But just the same, it refused to budge.

Ibinagsak niya ang katawan niya sa sandalan. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaganoon ang kotse niya. Imposible namang sira dahil kakatapos lang ng ten-thousand kilometer check niyon.

Napapitlag siya nang may kumatok sa bintana ng sasakyan niya. Sumulyap siya doon at muntik nang malaglag ang panga niya sa nakita. It was Ibarra.

Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya. Akala niya ay kanina pa ito umalis. Hindi na rin kasi niya ito nakita kanina nang magsimula ang kainan.

Binuksan niya ang pintuan ng kotse.

"Are you okay?" agad na tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Yeah."

"Are you sure?"

"Bakit mo iniisip na hindi?"

Tumikhim ito. "Kasi tingin ko kanina malapit mo nang iumpog ang ulo mo sa manibela," anito.

Nag-init ang pisngi niya. Hindi nga pala tinted ang bintana ng kotse niya.

Ngumiti ito. "I'm just kidding," anito. "Something wrong with your car?"

Mula sa pagkakatingin dito, tumingin siya sa manibela niya. Tumikhim siya. "Actually, hindi ko alam. Ayaw umikot ng key."

"Lemme check," anito. Bago pa siya nakasagot ay dumukwang na ito sa harapan niya.

Natigilan siya. Sumandal siya sa upuan ngunit dahil hindi siya sanay na malaki ang leg room niya sa driver's seat, malapit na malapit pa rin sa mukha niya ang batok ni Ibarra.

She was suddenly struck by déjà vu.

Napalunok siya. His nape looked as smooth as ever. At dahil ilang pulgada lang ang layo nila sa isa't-isa, amoy na amoy niya ang after-shave at cologne nito. Iba na iyon sa dating gamit nito. It was no longer as young-smelling as Polo Sport but it suited him perfectly.

"Nag-autolock ang steering wheel mo," anito

Napapitlag siya. Napamulat. "W-what?" aniya. Naipagpasalamat niyang hindi siya nito nilingon. Huling-huli sana siya na sinasamyu-samyo niya ito. Pero ano'ng magagawa niya? Ina-appreciate lang naman niya ang mga magagandang bagay.

No, Lizzie, you were reminiscing, kastigo sa kanya ng isang bahagi ng utak niya. It still amazed her sometimes that her conscience had the sarcasm of Neve and the bubbliness of Gelai.

Lumingon si Ibarra sa kanya. "'Yan, okay na," anito na ngumiti. Tumayo ito. "The next time it happens, sabayan mo lang ng ikot ng manibela ang pag-ikot ng susi sa ignition."

"T-thanks."

"No prob," anito na akma nang isasara ang pintuan ng sasakyan niya.

Pinigilan niya ito at bago pa siya makapag-isip ay nagsalita na siya. "How about we have coffee? On me. Tinulungan mo ako and..." nagkibit siya ng balikat.

There was a slight twitch on his eyebrows. "Coffee?"

"Yeah," aniya. "Tama lang na ilibre kita ng coffee, 'di ba?"

Bahagyang tumaas ang gilid ng labi nito. "I'd love to pero may imi-meet pa ako, eh," anito.

Alas-onse ng gabi may imi-meet pa?

"'Tsaka huwag mo nang isipin 'to. Gagawin ko 'yan sa lahat ng nasa ganyang sitwasyon." Inginuso nito ang manibela.

Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Bakit ba kailangan pa nitong idagdag ang huli nitong sinabi? Hindi pa ba sapat na tanggihan nito ang alok niyang magkape? Kailangan pa ba nitong ipamukha sa kanya na hindi siya espesyal? Hindi naman siya nagi-expect ng kahit na ano, pero napakasakit pa rin n'yon. "Okay," aniya. "I'll just go grab one for myself. Mahaba pa ang gabi ko."

Tumango ito. Ngumiti. "Kung hindi lang ako nagmamadali, I would really love to have coffee with you."

Hindi niya kailangan ang pakunswelong ganoon. Kahit ano pa ang sabihin nito, hindi na nito mababawi ang nasabi na nito. Tumikhim siya. "Saan ka pala naka-park?" aniya. Hindi na siguro nito maiisip na napahiya siya kapag nag-small talk siya.

"Sa tabi mo. Right," anito.

Hindi niya kailangang lumingon sa kanan niya para malaman na ang itim na Lexus SUV ang tinutukoy nito. Tiningnan niya ito. He had really gone a long way. "It was... it was nice seeing you again, Ibarra."

Tumango ito. "Ingat, Lizzie," anito at tuluyan nang isinara ang pintuan ng sasakyan niya.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon