Chapter 18a

6.3K 153 0
                                    

          

"ANO'NG gusto mo, babe?" tanong kay Lizzie ni Ibarra nang mapatapat sila sa mga pastry dispay cabinet ng coffeeshop. Inakbayan siya nito bago yumuko.

            "I'll have the cinnamon roll," aniya. 

            "Sige, hati na lang tayo."

            Sinulyapan niya ito. "Order ka na lang ng sa 'yo. Alam mong favorite ko 'yan, eh."

            "Ang laki n'yan," anito. "Alalahanin mo, hindi na nakaupo ngayon ang news anchor, kitang-kita ang puson."

She made a face. Iniwan na niya ito at tinungo niya ang isang maliit na mesa sa sulok. Dala na nito ang order nila nang sumunod ito sa kanya.

Ginagap nito ang kamay niya nang makaupo ito sa tabi niya. Pinisil. "Ibig sabihin pala kapag nag-start ka na next week sa primetime hindi na tayo makakapag-dinner nang sabay?"

            Inabot niya ang papercup. "Puwede naman ng eight o'clock," aniya. "Okay lang ba 'yon sa 'yo?"

            Tumango ito. "Tama lang."

            "Tama lang na nakaluto ka na pag-uwi ko."

            Ganoon na lang ang tawa nito.

Mapait na napangiti siya. Ang sarap sa pakiramdam ang isipin na ganoon nga ang mangyayari sa kanila sa susunod na mga linggo. Pero hanggang usapan na lang iyon. Hanggang doon na lang iyon. Hindi na kasi posibleng mangyayari sa tunay na buhay. Soon, they would have to go back to reality.

Napaangat siya ng tingin nang may lumapit sa kanila. May-edad na ang babae.

"Hey, there!" agad na ngumiting wika ni Ibarra. Tumayo ito. Obviously, he knew the bespectacled woman.

            "Hi, boss!" anang babae.  Bumaling ito sa kanya. Ngumiti. She could tell by the way she was looking at her that she sort of recognized her. Ngumiti siya.

"Lizzie, this is Ms. Susie. Lizzie, si Ms. Susie, ang totoong boss ko."

Pamilyar ang pangalan nito. Sigurado siyang naririnig na niya iyon noon mula kay Ibarra. Inilahad niya ang kamay niya. "'Pleasure meeting you, ma'am."

Agad naman nitong inabot iyon. "The pleasure's all mine, sweetheart," anito na maluwag ang pagkakangiti.

"Join us," ani Ibarra dito.

Itinaas nito ang kamay. "Oh, no-no-no, hinihintay ko lang si hubby. Nakita lang kita from the window. I just came to say 'hello.'"

Tiningnan ito ni Ibarra nang masama bago humila  ng isang upuan. Ipinatong nito ang mga kamay sa dalawang balikat ni Ms. Sussie. "Sit!" anito. "I'll just go get you some coffee."

Hindi na nito hinintay pa na sumagot si Ms. Susie, iniwan na sila nito at nagpunta na sa counter.

Nagkatinginan sila ni Ms Susie at sabay silang natawa.

            "Bossy!" anito sa inginuso si Ibarra.

            "Medyo nga, po."

Sinulyapan siya nito. Ngumiti. "Buti nakakatagal ka?"

            "Feeling ko po pareho tayo ng rason."

"Pogi kasi?" anito na binuntutan ng tawa.

Mas malakas ang naging pagtawa niya. Tumingin siya sa gawi Ibarra. He was drumming his fingers on the countertop. Napansin niyang kumunot ang noo nito bago dumukot sa bulsa nito. Inilabas nito ang iPhone nito at sinagot iyon.

Tama si Ms. Susie. He was really good-looking. Kahit pa tila linya lang ang mga labi nito na tila hindi nagugustuhan ang sinasabi ng kausap nito. 

"Hindi ako nanonood ng mga TV program mo. Kapag nandoon ka, nililipat ko ang channel."

Maang na napabaling siya kay Ms. Susie. That was probably the most straightforward feedback a TV personality ever got from a televiewer. Dahil sa gulat niya, hindi niya magawang itanong kung bakit. Not that she was sure it would be okay to ask why.

Pero tila hindi naman nito hinihintay ang isasagot niya. Muli itong nagsalita. "Pakiramdam ko kasi magkakasala ako kay Ibarra kapag ginawa ko 'yon."

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon