Chapter 14b

6.3K 149 0
                                        

"GUILTY ka kasi kaya ganyan ang nararamdaman mo," wika kay Lizzie ng kausap niya sa cellphone na si Gelai. Kagabi pa niya ito tinatawagan pero umabot pa ng twenty four hours bago ito nag-return call. Nagtago lang tuloy siya maghapon sa villa kanina. Kailangan kasi muna niyang marinig ang advice nito. Calling Neve was out of the question. Hindi dahil papagalitan siya nito kundi dahil nasa kung saang lupalop ito at hindi nito maa-appreciate ang roaming charges.

Inipit ni Lizzie sa pagitan ng tainga at balikat niya ang cellphone niya habang isinusuot niya ang pearl earrings niya. "Eh, kasi 'di ba noong isang gabi ayaw man lang makipag-coffee sa 'kin. Tapos ngayon, bigla-bigla, nginingitian ako. At s-in-ave pa ako do'n sa mukhang rapist na si Charles."

"Praning ka lang," anito. "Alam mo kasi na halos isumpa ka niyang guwapong ex mo no'ng hiwalayan mo kaya ngayon nagdududa ka 'pag ngumingiti."

"Pero paano kung tama ang gut feel ko?"

"Na ano? That he is out to get even? Na gagantihan ka?"

Kahit hindi naman siya nakikita ni Gelai ay nagkibit siya ng balikat. "Something like that."

Exaggerated ang naging pagbuga ni Gelai ng hangin. "But what can he do?"

"Malay natin sa binabalak niya."

"Sigurado naman ako na hindi ka niya tatagain o sasakalin."

"Hindi naman siguro aabot sa puntong ganoon," aniya.

"Then tell me kung ano ang ikinakatakot mo!" bakas na ang frustration sa boses nito.

"I don't know, Gelai!"

"Siguro natatakot ka na baka kapag kinindatan ka bibigay ka 'no?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Gelai!"

"Tama!" tili nito. "That's it! Kahit hindi mo aminin, nararamdaman mo na kayang-kaya ka pa ring paikutin ni Ibarra sa kamay niya kaya natatakot ka. Iniisip mo na baka nga bumigay ka. At kung may balak nga siya na maghiganti, excuse the melodramatic word, natatakot ka na masasaktan ka sa huli."

"That's not true!" mabilis na tanggi niya. But even to her, it sounded lame. There was no conviction. "Ang sa akin lang, nakakaduda ang iniaakto niya."

This time, exaggerated naman na paghugot ni Gelai ng hininga ang narinig niya. "Then avoid him. Don't fall for his charms."

"I won't! Not ever."

"Then wala naman palang silbi ang usapan na 'to?" anito. Naghikab naman ito ngayon. "I'm sleepy, Lizzie. Tinatawag na ako ng bed ko. Puyat ako kagabi. Don't worry, I'm sure hindi ka kakagatin ni Ibarra. Unless gusto mong makipagkagatan." Binuntutan nito iyon ng hagikhik.

Binabaan niya ng cellphone si Gelai sa sobrang inis niya.

Lumabas siya ng villa na inookupa niya kasama ng tatlong babaeng pinsan ni Kleggy. Kanina pa lumabas ang mga iyon at nauna nang nagpunta sa clubhouse kung saan isi-serve ang dinner. Pero pagdating niya ng clubhouse, wala siyang makita ni isang pamilyar na mukha. Kung saan nagpunta ang mga ito, wala siyang ideya.

"Ma'am, kayo po 'yong kasama nina Sir Kleggy?"

Nilingon niya ito. "Yes."

"Nag-extend po kasi 'yong event dito kanina kaya nag-decide po sila na ipa-serve na lang ang dinner sa Lighthouse. Nagbilin po siya na kapag dumating kayo, ihatid ko daw po kayo doon. Hindi daw po yata kayo ma-contact."

Marahil ay kaninang kausap niya si Gelai siya tinatawagan ni Kleggy.

"Tara na, ma'am?"

Umiling siya. "No need. Alam ko na kung paano pumunta doon." Restaurant ang Lighthouse. May maliit na replica ng isang parola sa tabi niyon.

"Sigurado po kayong okay lang kayo?"

Tumango siya. "Yeah," aniya na kumaway na dito. "Nakita ko na 'yon kanina." Hindi na niya hinintay na sumagot ito.

� �

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon