Chapter 14c

6K 147 0
                                    

The Lighthouse could not be more than a hundred meters away. Iyon nga lang, paakyat iyon.

Liliko na sana siya sa may hagdang bato nang mapatingin siya sa may gawi na naiilawan ng mga lantern. Tila garden iyon. Tila, dahil wala naman doon ni isang halaman maliban sa marahil at nasa seven feet ang taas na well-trimmed na green na green na halaman na tila bakod. Kung hindi siya nagkakamali, hedges ang mga iyon.

She debated with herself whether to just proceed to the lighthouse or go check out the garden. Pinili niya ang huli. Hindi pa rin naman siya nagugutom.

Tinatalunton niya ang pathway na naiilawan din ng mga lantern. Kumunot ang noo nang tuluyan siyang makalapit doon. Sumilip siya, at tuluyang namangha. Hindi lang iyon bakod. It was a labyrinth. Or if it maze, she did not know. Hindi naman kasi niya alam ang pagkakaiba ng dalawa. Pero ito ang kauna-unahang nakita niya sa Pilipinas. She did not even know there was one in the country.

She fought the urge to step inside. Baka hindi safe doon. Itatanong muna niya sa staff kung puwedeng i-explore iyon. And maybe, just maybe, they could feature the maze at Kuwentuhang Pinoy.

"Hindi d'yan ang Lighthouse."

Napatalon siya. Hawak ang dibdib na lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. And she was so glad that her hand was in her chest even before she turned around. Malamang kasi sa hindi ay ganoon din ang gagawin niya dahil sa nakikita niya ngayon.

It was Ibarra in gray cargo shorts and dark blue shirt. Naka-tsinelas lang ito. Mukha itong bumata nang sampung taon. Lalo na at nakapabaliktad ang suot nitong baseball cap.

"H-hey," aniya. Hindi nakaligtas sa kanya kakaibang timbre ng boses niya. It could not be excitement, dahil natatakot nga siya dito at balak niya itong iwasan sa susunod pang dalawang araw.

"Ano'ng sinisilip mo d'yan?"

Tumikhim siya. "Na-amaze lang ako kasi hindi ko ine-expect na may maze dito."

"You're not thinking of going in are you. Mamaya baka may ahas d'yan."

"No," aniya na nagsimula nang maglakad. The sooner she got near the group, the better. "Hindi ngayon. I would have to ask first if it's okay to explore this thingy."

Sinabayan siya nito. "Tama," anito. "Mas maigi na 'yong sigurado."

Tumango siya. "Galing ka na sa Lighthouse?" tanong niya. Hindi siya dapat magpahalata na apektado siya sa presensya nito.

"Papunta pa lang. Sabay na tayo."

"Sure," aniya. Baka naman kung ano ang sabihin nito kapag tumanggi siya.

"Nagugutom na nga ako, eh. Isipin mo na lang ang inis ko nang wala akong makita ni anino ni Kleggy sa clubhouse."

She could not help but smile at that. Grouchy ito kapag gutom. Pero sa naisip na iyon, agad na napalis ang ngiti niya. Kung gutom ito, hindi ito dapat friendly sa kanya ngayon. O hindi ba talaga ito gutom at nagtityaga lang na mag-small talk para makuha nito ang loob niya bago siya...

Bahagya siyang umiling para mawala ang hindi kaaya-ayang bagay na iyon sa isip niya. Hindi psychopath si Ibarra. At iyon ang dapat niyang ulit-ulitin sa utak niya bago siya mabaliw sa pananakot niya sa sarili niya. "Bakit ka kasi na-late?"

Sinulyapan siya nito. "Ikaw, bakit ka na-late? Magsi-seven-thirty na. Seven ang sabi ni Kleggy."

"The truth is, I don't wanna have dinner with..." tumikhim siya. "With the group."

Natawa ito. "Hulaan ko kung bakit. Si Charles."

Wrong, Ibarra. "Right," aniya.

"Sabi ko na, eh."

"Thanks nga pala uli. Nawala na rin kasi si Charles even before ka mawala... I mean, hindi na kasi kita nakita after dinner."

"Nakita ko nga buhat-buhat no'ng dalawang kasama. Lasing," anito. "Umalis na rin kami ni Ernie. Nagkasarapan ng kuwentuhan. Alas-dos na yata kami naghiwalay."

"Hindi obvious na na-miss n'yo ang isa't-isa," aniya. "Mabuti naisipan mong magpunta."

Tumawa ito. "Actually, wala talaga akong balak pumunta dito," anito. "Nasa Batangas kasi ako kahapon. Team building namin. Eh, nang mag-uwian, narinig ko na uuwi ng Quezon 'yong isang kasama namin kaya nag-decide akong maki-convoy na lang total weekend naman."

Kung ganoon, tama si Kleggy. Wala talaga itong balak na um-attend. Wala lang itong magawa kaya ito nagpunta. Tumangu-tango siya. "That's nice," aniya. "I mean you got to see your friends again."

"Oo nga," anito bago ngumiti. "And I'm glad I did."

Sinuklian niya ang ngiti nito.

Namulsa ito. "Kumusta ka na, Lizzie?"

Sinulyapan niya ito. "I'm okay," aniya. "You?"

Nagkibit ito ng balikat "Okay lang din naman," anito bago nito iminuwestra na mauna na siya sa pag-akyat sa hagdang bato. "Ingat ka, baku-bako 'yan."

Naramdaman niyang hinawakan nito ang siko niya.

Ilang sandali pa ay papasok na sila ng restaurant. Napabuntong-hininga siya nang mamataan niya si Charles. Masisira na naman yata ang gabi niya.

Napansin marahil ni Ibarra iyon dahil ginagap nito ang kamay niya. "Relax, I'm here," bulong nito.

Surprisingly, tila bulang naglaho ang lahat ng inis sa dibdib niya. Kahit sampung Charles pa ang iharap sa kanya, pakiramdam niya ay hindi masisira ng mga iyon ang mood niya.

p9",

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon