SA sandaling naramdaman ni Ibarra ang pagpulupot ng mga braso ni Lizzie sa batok niya, muntik na siyang napapikit. Hindi niya inaasahan iyon kaya malakas ang loob niya na yayain itong magsayaw kanina. Mahangin sa kinaroonan nila ngunit ramdam niya ang paggatla ng pawis sa noo niya.
Muli siyang nagmulat at itinutok ang mga mata sa balbas-saradong mama na nasa stage. Marahil, kung ipo-focus niya ang konsentrasyon niya doon ay mailalayo niya ang utak niya sa kanina pa nasa isip niya. Maybe, the beard could sway him from wanting to kiss Lizzie senseless.
He knew from that he was treading on dangerous ground the moment he asked her to dance with him. Pero hindi niya matiis na makita itong naiinggit sa mga nagkakasayahan sa dancefloor. Isa pa, hindi na niya napigilan ang sarili niya. How could he when Lizzie was as beautiful as ever. The past nine years had been good to her.
Bahagya siyang umiling. Alam naman kasi niyang maganda pa rin ito. Nakikita niya ito sa TV. Nagtataka lang siya dahil hindi naman ganito ang nagiging reaksyon niya kapag tinititigan niya itong nagbabalita ng tungkol sa mga na-demolish na bahay ng mga squatters o ng mga nasusunog na mga pabrika.
Dahil ba sa TV ay hindi naman niya naaamoy ang nakakahalinang bango nito?
Napalunok siya. She smelled of roses in the spring. It suited her body chemistry perfectly. Iba na iyon sa dati nitong ginagamit nito noon na pabango.
Pero hindi lang iyon ang pagbabagong nakikita niya dito. Balingkinitan pa rin naman ang katawan nito ngunit hindi maitatatwang nadagdagan na marahil ng ilang pounds ang bigat nito. She now possessed all the right curves in all the right places, though.
Mariing napapikit siya. Don't you dare go there, Ibarra, kastigo niya sa sarili niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.
"Are you, okay, Ibarra?"
Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. No, he was not. Pero hindi niya maaaring sabihin iyon dito. Akala niya ay kakayanin niyang lumapit dito nang hindi siya mumultuhin ng nakaraan, ngunit nagkamali siya.
"'Y-yeah," aniya. "I'm fine."
"Hindi ka naman siguro lasing," anito. Ngumiti. "O, tinatawag ka na ba ng bed mo."
Huminga siya ng malalim. He knew that was a harmless remark. Sinasabi lang nito na baka inaantok na siya. But did she really have to say the word "bed" aloud at the exact moment when he was desperately trying his very best not to think about it?
"Bumalik na kaya tayo sa resort?" suhestiyon niya.
Nang tingalain siya ni Lizzie at nagtama ang mga mata nila, ganoon na lang ang pagsisisi niya na sinabi pa niya iyon. Pero hindi na niya mababawi pa iyon.
"Baka kasi hinahanap na tayo nina Kleggy," aniya. He reluctantly let go of her waist.
}u!d
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...