Nine years later
NAPATINGIN si Ibarra sa iPhone niyang nasa ibabaw ng desk nang mang-ring iyon.
Adele Bezuidenhout would like Facetime.
Napapabuntong-hiningang pinindot niya ang decline button pagkatapos ay pumunta siya sa settings at dineactivate niya ang feature na iyon. It was something he had been planning to do for quite sometime now. Nakakalimutan lang niya.
Nang muling mag-ring iyon, normal nang tawag. Tinanggap niya ang tawag. "Adele," maiksing wika niya. Kagaya ng inaasahan niya, nilitanyahan na naman siya nito tungkol sa hindi niya pagtanggap sa pakikipag-Facetime daw nito.
"I'm at the office," katuwiran niya. Alam niyang hindi pa rin iyon katanggap-tanggap, dahil kahit nasa bahay siya, niri-reject pa rin naman niya ang request nito. "I'm leaving in a few minutes, though," mabilis na dagdag niya para hindi na ito makahirit. Inipit niya sa pagitan ng tainga at balikat ang iPhone habang inilalagay sa bulsa ng laptop bag niya ang ilang report. Papasadahan na lang niya ng basa ang mga iyon kapag nasa eroplano na siya.
"Good. I'll be waiting for you at the airport."
Ito ang susundo sa kanya sa airport sa Amsterdam kung saan siya lalapag mula sa Maynila. Sabay na silang tutulak papuntang headquarters ng Boeyens and Hetzberger Steel sa siyudad ng Utrecht. Doon din nagtatrabaho si Adele at ito ang counterpart niya bilang Plant Manager doon. They go way back. Isa ito sa tatlong kasama niya noon sa apartment sa Cambridge.
Kaibigan niya ito noon, ex-girlfriend na niya ngayon. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nang magdesisyon siyang putulin na ang relasyon nila dahil alam niyang nagiging unfair na siya dito. Pumayag naman ito ngunit huwag daw niya itong pigilan na iparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal.
Lumapit siya sa may glass wall ng opisina niyang nasa ika-dalawampu't-tatlong palapag. Sumilip siya sa kalsada sa ibaba. Napailing siya dahil tila parking lot na iyon. Kung hindi pa siya aalis ngayon, pihadong mali-late na siya sa flight niya.
He could not afford to miss that trip. Ilang taon na niyang inaasam ang posisyong Head of Research and Development sa headquarters. Ang makakalaban niya sa puwesto ay katulad din niyang Plant Manager pero sa South Africa Plant iyon. Dalawa na lang daw silang nasa short-list.
Inaamin niya, lamang sa kanya si Dominic kung experience ang pag-uusapan dahil mas matanda rin ito sa kanya ng limang taon. Pero hindi rin naman biro ang ilang taon niya bilang Quality Assurance Manager sa East Coast Plant kasabay ng grad at post-grad studies niya noon sa MIT. Pagbalik niya sa Pilipinas ay hinawakan din niya ang posisyong iyon.
And the rest, as they say was history. Sa kasalukuyan, Plant Manager ang opisyal na designation niya pero heto siya ngayon at inookupa ang pinakamalaki opisina na may pinakamagandang view sa bagong opisina nila sa Ortigas. Siya ngayon ang Acting Country Manager. Hindi pa kasi dumadating ang malamang ay Dutch din na ilalagay sa puwesto ng inatake sa pusong Country Manager.
Pero kapag siya ang napili para sa posisyong pinapangarap niya, kakailanganin uling magtalaga ng mga ito ng bagong Acting Country Manager dahil titira na siya sa Utrecht.
"You're not listening!"
Napapitlag siya. Kung may mga sinabi ba si Adele, wala na siyang narinig. Lumilipad na kasi ang utak niya. "I'm, sorry, Adele," aniya. Ipinaliwanag niya dito na iniisip kasi niya ang maiiwan niyang trabaho.
"Okay," masigla na ang boses na wika nito. "I miss you so much, Ibarra."
Humugot siya ng malalim na hininga. "I miss you, too, Adele."
"Really?"
Adele sounded really hopeful. Agad siyang nag-isip kung paano niya sasabihin na nami-miss niya ito pero hindi sa paraang iniisip nito.
"Ibarra..."
Lumingon siya sa pintuan nang marinig ang boses ng secretary ng Country Manager, si Ms. Susie.
"Sorry, nasa phone ka pala," anito na akmang tatalikod na pero sinenyasan niya itong maghintay.
"Ano 'yon, Ms Susie?"
"Dumating na si Mang Rex."
Ang maghahatid sa kanya sa airport ang ibig nitong sabihin.
"Bababa na ako," aniya bago muling binalingan ang kausap sa cellphone. "I gotta go, Adele."
"Okay," anito. "Tot ziens!"
Nang pumasok siya kaninang umaga ay dinala na niya ang maliit na luggage niya at nasa sasakyan na iyon. Hinila niya ang itim na jacket niya na nakapatong sa executive chair bago binuhat ang laptop bag.
"Pasalubong, ha? Kahit Kisses lang," ani Ms. Susie.
Pinungayan niya ito ng mata. "Gusto mo ngayon na, Ms. Susie?"
"Naku, Ibarra, kung hindi ka lang cute, irireklamo na kita ng sexual harassment," wika naman nito. Sa pagkakaalam niya ay magre-retire na ito in two years.
Dumukot siya sa bulsa ng laptop bag niya at inilabas ang maliit na pakete ng Hershey's kisses. Nang bumili kasi siya noong isang gabi ng bottled water sa isang convenience store sa SLEX, namumrublema ang kahera ng pambarya. Para matapos ang problema, nagdesisyon siyang dagdagan na lang ang binili. Inginuso niya ang rack sa likod nito. Iniabot naman sa kanya ng kahera ang pakete ng condom. Napangiti ito nang sabihin niyang ang Kisses ang itinuturo niya. "Ayan, may almonds pa 'yan."
Tumawa si Ms. Susie. "Napahiya naman daw ako," anito pero inabot nito ang chocolates. "Ingat ka, pogi. I'll pray for you." Humalik ito nito ang pisngi niya.
"Thanks! I'll need all the prayers I can get. Balita ko malakas si Dom sa higher ups," aniya.
"Mas magaling ka kaysa do'n," anito. "Balita ko nagmakaawa pa daw 'yan no'n sa professor niya sa grad school para lang ipasa. Eh, ikaw, MIT na ang post-grad studies, top of your class pa."
Natawa siya. "I'm sure gawa-gawa mo lang 'yang tsismis na 'yan para lumakas ang loob ko," aniya at kumaway na dito.
Bago siya nakalabas ng pintuan ay pulos "goodluck" ang pabaon sa kanya ng mga kasamahan niya. Inabot pa tuloy muna siya ng sampung minuto bago nakarating sa driveway ng building.
Tumabi siya nang makita ang pumaradang puting pick-up ng SFBN, ang isa sa tatlong pinakamalaking broadcasting network sa bansa.
May panahon noon sa buhay niya na natitigilan siya kapag nakikita ang logo ng network na iyon. Pero napakapatagal na niyon.
Agad niyang binuksan ang pintuan ng nakaparadang sasakyan. "Sa C5 na tayo dumaan, Mang Rex. Siguradong hindi na gumagalaw ang EDSA ngayon."
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
