Chapter 15a

6.4K 155 2
                                    

 "WALA man lang twist? Unahan lang makalabas?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Ernie kay Kleggy. "Baduy!"

Pinamaywangan ito ni Kleggy. "O sige, kung gusto mo na may twist, dagdagan mo ang premyo."

Natatawang tinalikuran ni Lizzie ang dalawa. Nang marinig kasi ng mga ito na tanungin niya ang isang staff tungkol sa maze kagabi, hindi na rin napakali ang mga ito. At nang i-assure sila ng staff na safe daw iyon at madalas ginagamit ng mga nagti-team building, naisipan nang maglaro ng mga ito.

"Sure! Ano'ng gusto n'yo, isang box na paracetamol o isang boteng laxative? Maraming sample sa sasakyan ko."

"Pera!" sabay-sabay na sigaw ng mga gustong sumali.

Nagkamot ng batok si Ernie. "Wala ako n'on, eh. Hamak na medrep lang ako."

"Puwes, ako ang masusunod," wika ni Kleggy bago bumaling sa kanila. "Simple lang, unahan lang na makalabas. Ready, guys?"

"Yes!" sabay-sabay na wika nila.

"Okay, doon na kami lahat maghihintay sa may exit," anito bago itinaas ang isang kamay. "One, two, three!"

Nag-unahan sila sa pagtakbo papasok sa bukana. Iisa ang nasa utak, ang manalo. Dumiretso ang mga kasama niya, pero siya, kumanan siya. And the moment she took that one turn, winning became the farthest thing on her mind. Nai-imagine na niya ang mga naka-petticoats na naglalakad-lakad sa loob niyon.

Napangiti siya. Sigurado ang mataas na rating ng Kuwentuhang Pinoy kapag na-feature nila ito.

Muli siyang lumiko sa isang kanto bago muling lumiko sa dulo niyon. Lumiko siya nang lumiko. Kung nakailang liko siya, hindi na niya mabilang. But she was not worried. Maliwanag ang paligid. Sigurado siyang kung hindi siya agad makakalabas ay ipapahanap siya Kleggy sa staff na siguradong alam na alam ang bawat kanto ng maze.

Tumingala siya. Bilog na bilog ang buwan. Kung hindi siya nagkakamali, ngayon ang sinasabi ng weatherman slash resident walking encyclopedia nila sa newsroom na paglabas ng blue moon.

Namalayan na lang niyang hina-hum na niya ang kantang Blue Moon.

Muli siyang lumiko. Dead end. She retraced her steps. Pero marahil ay nagkamali siya nang isa o dalawang liko dahil dead end uli ang nasumpungan niya.

Naramdaman niya ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso niya kaya huminga siya nang malalim. Hindi siya dapat mag-panic.

She continued to hum.

"Blue moon...la-la-la-la-la-la-la..." napasimangot siya. Blue moon lang ang alam niya sa kanta. Buti pa ang Moonriver medyo alam niya. Kasama kasi iyon sa soundtrack ng movie noon ni Orlando Bloom na Elizabethtown. Crush niya asi Orlando Bloom kaya pinag-aralan niya ang kanta. "Moon river, wider than a mile. I'm crossing you in style, someday..."

"Lizzie?"

Tumigil siya sa pagkanta. Hindi siya sigurado kung imahinasyon niya lang ang narinig niyang pagtawag sa kanya. Sa tantya niya ay wala pang sampung minuto mula nang pumasok sila doon. Imposible namang hinahanap na siya dahil siya na lang ang hindi nakakalabas.

"Oh, dreammaker, you heartbreaker, wherevere you're going, I'm-"

"Lizzie!"

Ipinilig niya ang ulo niya. Tila mas malapit na ang boses pero muffled pa rin iyon.

"Are you looking for me?"

"Hindi!" namumutiktik sa sarkasmo ang boses ng sumagot.

Clear na ang boses. Sigurado siyang nasa malapit na lang iyon. At alam na rin niya kung sino iyon. Si Ibarra.

"Are you, okay? Huwag kang aalis d'yan," anito. "Wait for me."

Bagama't mas mabilis na ngayon ang tibok ng puso niya, sinunod niya ang sinabi nito. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling dahil bigla rin itong nawala kanina. Akala niya ay natulog na ito.

"Bakit ka humiwalay sa kanila?"

Lumingon siya. He could not be more than two meters away. Even without a white horse, an armor and a sword, he looked every inch like a knight in shining armor. Her knight. Kung mayroon man siyang natitirang pagdududa sa intensyon nito ng pakikipaglapit sa kanya, tuluyan nang nabura iyon. No villain could ever look as dashing. "M-medyo," aniya.

"Kanina pa kasi sila nakalabas lahat," anito. "Nag-panic na si Kleggy kaya sabi ko hahanapin kita."

Ibig sabihin, kung hindi ito uutusan ni Kleggy, hindi siya nito hahanapin. "OA talaga si Kleggy," aniya.

"Anong OA?" Pinandilatan pa siya nito. "Kahit sinabi ng staff na safe itong maze, malay nila kung may ahas dito."

Ipinilig niya ang ulo niya. Inaamin niya nagulat siya sa reaksyon nito. "I was just admiring the place," aniya sa pinaka-casual na boses na kaya niya. "Ang galing ng nakaisip nito 'no?"

Pero tila wala itong narinig. Lumapit ito. "Dapat kasi hindi ka na lang sumali. Sana sinabi mo na lang na naku-curious ka sa lugar na 'to at nagpasama ka na lang sa 'kin. Sasamahan naman kita, eh."

Tumikhim siya. "I'm okay, Ibarra. Wala ako ni kapiranggot na galos." Ipinakita pa niya dito ang mga braso niya.

Hinawakan nito ang palapulsuhan niya. Tinitigan siya nito. "You scared the hell out of me, Lizzie."

The unexpected revelation caught her off guard. Pero baka naman normal na reaksyon lang nito iyon nang malaman nitong hindi pa siya lumabas. Malamang kung ang isa sa mga pinsan ni Kleggy ang 'di agad nakalabas ay magbo-volunteer din si Ibarra na hanapin iyon. Ipinilig niya ang ulo niya. "I'm okay, Ibarra."

Tumango ito, pero nanatili itong titig na titig sa kanya.

She would have to admit, she felt a little uneasy. Pero gustuhin man niyang ilayo ang tingin niya dito, hindi niya magawa. Tila nabato-balani na siya sa mga mata nito. Pero nang hawakan nito ang baba niya, awtomatiko na siyang napapikit.

"Don't you ever do that again, Lizzie."

His face could not be more than two inches away. She could even feel his breath fanning her cheeks.

Napalunok siya. She knew he was about to kiss her. And she was ready. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang bitawan nito ang baba niya. Nagmulat siya.

"Let's go?" hinila na nito ang kamay niya. "Mamaya, may lumabas pang maligno dito. Bilog pa naman ang buwan." Tumingala ito.

Tumingala din siya. "It's a blue moon," aniya. Bigla niyang naalala ang sabi ng resident encyclopedia tungkol sa isang lumang paniniwala. Ayon dito, kapag daw ang isang lalaki at babae ay magkahawak ang kamay na tumingin sa blue moon, magkakatuluyan daw ang mga ito.

Pinakawalan niya ang isang malalim na hininga. Hindi dapat ganoon ang mga iniisip niya. Isa pa, malamang sabi-sabi lang 'yon. Iba-iba rin kasing version. Pinakanakakatakot lang ang kay Ibarra dahil horror.

"Gusto mong sumama?"

Sinulyapan niya si Ibarra.

"Pupunta kasi uli ako do'n sa pinuntahan namin ni Ernie kagabi. Ayoko namang pumunta mag-isa."

Tinitigan niya ito. Kung sincere ba ito sa pag-imbita sa kanya, hindi niya masabi. Pero ang sigurado siya, gusto niya talagang sumama dito. "Ngayon na?"

"Yeah," anito.

Mamaya na siya mag-iisip.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon