Chapter 9a

6K 132 1
                                    

"GOOD morning, ma'am," agad na wika ni Lizzie nang sumilip siya sa nakabukas na pintuan ng boss nila at nakita niya itong nakaupo sa desk nito.

Kinambatan siya nitong lumapit. "Sit down, Lizzie," anito. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Nabalitaan mo na rin siguro ang na nag-resign si Gonzalo."

Tumango siya. Usap-usapan na rin ang tungkol doon. Si Gonzalo ang News Correspondent nila sa Australia News Bureau nila. Na-pirate daw si Gonzalo ng isang International News Agency. Pero kung ano ang kinalaman niya doon, wala siyang ideya.

"'Yong assistant niya ang magti-take-over sa position niya. We would need someone to replace the assistant. Temporary lang naman. Ikaw agad ang naisip ko," anito.

"Po?" aniya. Sa sobrang gulat ay medyo napaangat siya sa pagkakaupo.

"Isa-dalawang buwan lang naman 'yon," anito. "Babalik ka rin dito after."

"But ma'am, why me?"

Tumaas ang isang kilay nito. "Why not?"

"Mas maraming pong mga nauna sa 'kin, mga mas magagaling."

Umiling ito. "I was really impressed by the way you handled that Major Ragsac issue," anito. "Alam mo bang kahit ako noon ay duda sa sarili ko na kakausapin niya ako?"

Imposible naman yata ang sinasabi nito? Bakit mas pipiliin ni Major Ragsac ang makipag-usap sa isang tulad niyang walang pangalan kumpara sa isang batikan?

"People easily warm up to you, Lizzie," anito na tila ba alam nito ang katanungang namuo sa utak niya. "Hindi lahat ng reporter ay may inherent characteristic na ganoon."

Napalunok siya. It suddenly dawned on her that Ma'am Tina was really serious.

Alam niyang minsan lang kung dumating ang mga oportunidad kagaya ng nasa harapan niya.

"Go to Australia, Lizzie. Learn the ins and outs of news reporting there. Career wise, that would be a good move for you. Inaamin ko, hindi magiging madali ang trabaho. You would have to temporarily move to Australia, for one. Tapos dahil kaunti lang kayo doon, hindi lang researcher-writer ang trabaho mo do'n. Minsan news editor din, EP, AP, technical director. O kapag mamalasin baka telepromter pa ang matoka sa 'yo. Pero magandang training 'yon."

Huminga siya ng malalim. Maganda talagang experience iyon. Pero hindi niya kakayaning umalis ng Pilipinas. Not when Ibarra would be leaving in two months.

"I-I don't think I can do ito, ma'am."

"No, Lizzie. I don't want you to give me an answer now. Nagugulat ka pa. You have two days. Talk to your parents about it," anito. "Or the boyfriend, maybe? Sa mga kasama mo d'yan sa labas, I'm sure marami ang mangga-grab sa chance na nasa harapan mo ngayon kaya pag-isipan mong mabuti."

Tumayo siya. Um-oo lang siya kay Ma'am Tina na pag-iisipan niya. Pero alam na niya ang isasagot niya.

Dalawang buwan na lang mananatili si Ibarra sa Pilipinas tapos aalis pa siya? Isa pa, may plano na siya. Ilang araw na niya iyon pinag-iisipan. Balak niyang sumama dito sa Cambridge. Mag-aaral siya doon.

Alam niyang madi-disappoint si Ma'am Tina lalo na at buong-buo ang tiwala nito sa kanya. Pero wala siyang magagawa.

Pagbalik niya sa cubicle niya, nakita niyang may missed calls galing kay Gelai. Tatawagan sana niya ito pero nag-ring naman ang cellphone niya. It was her mom.

Napangiti siya. "Hey, mother!"

"Elizabeth, nandito ako ngayon sa aparment," anito. Alam niyang ang ibig nitong sabihin ay ang apartment nila nina Gelai at Neve.

"That's great, mom! Are you going to wait for me there o magkikita na lang tayo somewhere? Hindi ka naman kasi nagpasabi na darating ka,"

"Para ano?"

"Para nakapag-leave sana ako, bonding tayo."

"O para maibalik mo ang mga gamit mo dito?"

Pakiramdam niya ay umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya. "Mom-"

"Imagine my surprise, Lizzie when I saw your closet. Limang pirasong damit at ni walang bedsheet ang kama mo."

"Mom-"

"Don't you dare interrupt me, Lizzie," anito. "Hindi kita pinipigilan na makipag-boyfriend, pero ang... Oh my, God, I can't even begin to think about it."

"Mom, it's not what you think..."

"C'mon, Lizzie, tell me. Sabihin mo sa 'kin na tumitira ka sa ibang bahay dahil mas convenient sa trabaho mo. This building is just a stone's throw away from the TV station."

Napalunok siya. "I'm sorry, mom."

"Por dios, Lizzie, you're only twenty one!"

"Mom-"

"Ayokong marinig ang mga paliwanag mo, Lizzie. Pinalaki kita ng maayos tapos ganito ang gagawin mo? How could you do this to us! Ano ang sasabihin ng mga kakilala natin?"

Humikbi siya. "I'm sorry, mom, but I love him."

"I'm sorry too if I wouldn't stop your dad from killing you when he learns about this. At ako mismo ang magsasabi sa kanya."

Hindi na siya binigyan ng mommy niya ng pagkakataon na sumagot. Ibinaba na nito ang ang telepono.

0-=NД

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon