HINDI mapigilan ni Lizzie ang matawa habang pinapanood ang co-host niya na kumakain ng tamilok. Kung hindi siya nagkakamali, panlimang take na iyon. Nasusuka kasi ito.
"Ako na lang kaya ang kumain. Kawawa na si Hansel, eh," aniya sa EP. Mas mapapadali ang shoot, mas mapapadali ang pag-uwi. Pagod na pagod na siya.
"Akala ko ba may usapan kayo?"
"Siya na lang ang magi-interview sa mga pari at mga conservatives na tumutuligsa sa Priestess From the Sun. I'll do the tamilok thingy and talk to the Tagbanuas. 'Asan ang script?"
Iniabot nito iyon sa kanya.
"Take na tayo in an hour, Lizzie?"
Tumango siya. Kinuha niya ang libro at dinala iyon kay Hansel. "Ingatan mo 'yan," aniya. Iyon na lang ang naiwang magpapaalala na minsan pa niyang naranasang mayakap si Ibarra.
"Ang bait mo talaga, Lizzie," anito. "Next time talaga ikaw na ang unang pipili sa mga gagawin."
Iningusan niya ito. Lagi naman nitong sinasabi iyon pero lagi pa rin ang gumagawa ng mga nakakatakot na mga bagay gaya ng bungee jump samantalang ito ay kilig na kilig pa nang interview-hin si Lee Min Ho.
Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina. Kinuha niya mula sa bag niya ang cellphone niya. She debated with herself whether to turn it on or not. Alam niya kasing kapag binuksan niya iyon, mati-tempt na siyang tawagan si Ibarra. Isa pa, natatakot siya na kapag binuksan niya iyon ay malalaman niya na wala ni isang mensaheng galing kay dito.
Nanalo ang kuryusidad niya. Nanlumo nga siya nang makitang wala ni isang mensahe galing kay Ibarra. Ang tanging personal doon ay galing sa mommy niya at kay Gelai. Pareho ang tanong ng mga ito. Iyon ay ang kung kailan siya uuwi.
Nang masagot niya iyon ay hindi na niya in-off ang cellphone niya. Nagbihis na siya.
Hindi na siya dapat umasa pa.
***
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
