{f{ashback }
"MANONG, pasensya na po kayo," agad na wika ni Lizzie sa pumara sa kanyang MMDA sa Quezon Avenue.
"Beating the red light ka, miss," wika ng MMDA na pini-flip na ang hawak nitong booklet. "Lisensya."
Nalaglag ang balikat niya. Sa sobrang dami niyang iniisip ay hindi niya napansin ang traffic light. Kung sa ibang pagkakataon marahil, makikipagbolahan siya sa MMDA. Pero nang mga sandaling iyon, pagod na pagod siya.
She was having the worst day of her life.
Kanina lang ay nasabon sila ng boss nila. Hindi man lang kasi sila nakakuha ng statement sa napawalang-salang ex-senator na naakusahan ng rape. Hindi excuse na close ang nasabing dating senador at ang reporter na nakakuha ng exclusive dito. It was a lapse of judgment on her part. Hindi niya na-anticipate na sa likod ng courthouse ilalabas ang dating senador.
Mabigat na mabigat ang loob niya. Ayaw naman niyang magkuwento sa mga kasamahan niya. Kung mayroon man siyang paniniwala sa buhay, iyon ay ang hindi pagpapakita ng kahinaan sa mga kasama niya sa trabaho. Nagkulong siya sa CR kanina at doon umiyak nang umiyak.
"Lisensya, miss."
Napapitlag siya. Kanina pa lang sa opisina, alam na niyang hindi niya dala ang lisensya niya. Nagpalit kasi siya ng wallet kagabi.
"Manong, pasensya na po, naiwan ko kasi ang lisensya ko."
Nagkamot ng batok ang MMDA. "Naku, miss, mas malala, driving without license ka."
"Paano po ang gagawin natin?"
"Naku, miss, ii-impound ang sasakyan mo. Aabot ng tatlong libo ang magagastos mo 'pag nagkataon." Base sa pagkakangisi ng MMDA, alam na niya ang ibig nitong sabihin. Isinara na rin nito ang hawak na booklet.
Bumangon "Ticket-an n'yo na lang po ako," nagpipigil ng inis na wika niya.
Muli, nagkamot ng batok ang MMDA. "Miss, pa'no kita ti-ticket-an eh wala ka ngang lisenya? Ano'ng ilalagay ko?"
Kung anong mga detalye ang dapat na ilagay sa ticket, hindi niya alam. If there was really a need to put the license number or if it was okay to just put her name on it, she did not know.
Anong kamalasan ang dumapo sa kanya sa araw na ito? Kailangang bang isang buhusan? Naramdaman na lang niyang umagos na ang luha niya.
"Hindi n'yo puwedeng i-impound ang sasakyan ko. Hindi puwede!" gigil nang wika niya. Alam niyang nagiging irrational na siya pero hindi niya talaga mapigilan ang pag-alpas ng sama ng loob niya. Isinubsob na rin niya ang mukha niya sa manibela. Humagulgol na siya. Iniyakan niya ang katangahan niya sa trabaho kanina, ang katangahan niya na 'di niya nakita ang red light. Ang katangahan niya sa lahat ng bagay.
Napapitlag siya nang may kumalabit sa balikat niya. "Miss..."
Suminghot siya. Nag-angat siya ng tingin. Nakahanda siyang singhalan sanang muli ang nagpaparinig ng kotong na iyon. Pero naumid ang dila niya dahil nakatingin lang sa kanya ang MMDA. Wala na ang ngisi nito. Mukha na itong naaawa sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sarili niya.
"Sige na, manong, bababa na ako ng sasakyan," aniya. Hindi siya sigurado kung naintindihan ng MMDA dahil halos hindi na siya makahinga. "May taxi naman dito 'di ba?"
Umiling ang MMDA. "Sige na, miss. Sa susunod, mag-ingat ka na lang."
Bagama't hindi siya makapaniwala sa narinig ay binuhay na niya ang makina. Muli siyang nagpasalamat at humingi ng pasensya. Mabilis na siyang lumayo sa lugar na iyon. Nang may makita siyang coffeeshop ay ipinarada niya ang sasakyan.
Habang naka-park, napasulyap siya sa cellphone niya. Napakabigat pa rin ng dibdib niya. Kailangan niya ng kausap. At sa nararamdaman niya ngayon, isa lang ang gusto niyang marinig ang boses. Si Ibarra. Alam niyang kapag narinig niya ang boses nito, iiyak na siya. It had been seven months since he left. At ngayon, nakahanda na siyang lunukin ang pride niya.
Magsisimula sila uli. Mali na pinakawalan niya ito. Mali na itinaboy niya ito. This time, they would live happily ever after.
Alas otso na ng gabi sa Manila, alas-otso na ng umaga sa Cambridge. Imposible namang hindi pa gising si Ibarra. Muli, pinindot niya ang cellphone number nito.
Habang pinapakinggan niya ang pag-ring ng telepono sa kabilang linya, pigil na pigil ang paghinga niya. Hinuhulaan niya kung no ang magiging reaksyon ni Ibarra kapag narinig ang boses niya.
"You're speaking with... Good morning!" hindi niya naintindihan ang sinabi ng sumagot bago ito bumati. It sounded like a name, though. Pero hindi siya sigurado. She was a hundred percent sure though that it was a woman.
Inabot marahil siya ng sampung segundo bago nakaapuhap ng sasabihin. She must have dialed the wrong number. "I'm looking for Ibarra?" pagbabakasakali niya.
"Oh, Ibarra, he's still in bed. Who's this?"
Kumakabog ang dibdib niya ngunt pinilit niya pa ring magsalita. Baka roommate lang ito ni Ibarra. Normal lang iyon sa Amerika. "Lizzie," maiksing sagot niya.
"Oh, you're Lizzie. I've heard so much about you."
"Where's Ibarra?"
"Why are you looking for him?" May katarayan ang sumagot.
Pinigilan niyang paikutin ang mga mata nito. "If you've heard so much about me, then you probably know that I have all the right to call him," mataray na ring wika niya. "I'm the girlfriend."
Tumawa ang babae sa kabilang linya. "You mean, ex-girlfriend?"
Nagpanting ang tainga niya sa narinig. "And who, may I ask, are you?"
"The girlfriend?" patuyang wika nito sa kanya.
Parang bombang sumabog sa tainga niya ang sinabi nito.
"Please don't ever call Ibarra again. He's busy. We're both busy. We don't have time for nonsense."
Umawang ang mga labi niya para magsalita ngunit wala siyang maapuhap na sabihin.
"But I'll tell him you called. I've doubts though that he would call you back. He hates you, you know. Or maybe, just maybe, he would call to tell you to stop bugging him already."
Kung may sinabi pa ito pagkatapos n'yon, hindi na niya alam. Dahan-dahan na niyang ibinaba sa kandungan niya ang cellphone niya. She was too late.
Pagkatapos sagutin babaeng nagpakilalang girlfriend nito ang tawag niya, na-realize niyang tapos na nga ang lahat sa kanila ni Ibarra. Ibinaon na siya sa limot. It was not as if she could have done something about it. Milya-milya ang layo niya. At hindi niya ito masisisi. Siya ang tumapos sa lahat-lahat sa kanila. He deserved to be happy.
It had not been easy, but she soon learned to live with the fact that she had lost something so special. Isang bagay na alam niyang hindi na siya muling magkakaroon pa kahit kailan dahil na rin sa kagagawan niya.
}:vB<

BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...