"WHERE in the world did you get that dress! Para kang diyosang bumaba sa lupa!"
Napangiti si Lizzie sa sinabing iyon ni Kleggy. Umikut-ikot siya sa harap nito.
It was Kleggy's wedding. Amerikano ang napangasawa nito. Siyempre, hindi legal iyon. Pero ayon dito, ang importante ay masaya ito. Uulit na lang daw na magpakasal ang mga ito sa Amerika.
"Inggitin daw ba ako," ani Kleggy. Umismid ito.
Tumawa siya bago ito niyakap. "I missed you, Kleggy."
Yumakap din naman ito. "Ako rin, girl. At lalo kitang mami-miss 'pag nasa Amerika na ako. Basta, huwag kang mawawala sa birthday party ko, ha?"
Ang tinutukoy nitong birthday party ay ang three-day celebration nito sa isang ekslusibong resort sa Sariaya at ang imbitado lang ay ang mga malalapit na kaibigan at mga kamag-anak nito. Sa kasal kasi nito ay imbitado ang lahat ng mga kasamahan nito sa trabaho kaya gusto daw nito na magkaroon ito ng intimate moment kasama sila.
"I wouldn't miss it for the world, Kleggy," aniya. Sa katunayan, noong isang linggo pa siya nag-file ng leave para doon. Sa nakaraang mga taon, kahit gaano sila ka-busy ay pilit nilang isinisingit ang paminsan-minsang pagkikita para lang mapanatiling matibay ang pagkakaibigan nila. She would definitely miss him. Muli niya itong niyakap.
Yumakap din ito sa kanya. "Thanks, Lizzie, alam mo naman na-Oh my, God!"
Kumunot ang noo niya nang marinig ang ibinulalas nito. Bumitaw siya dito.
Tutop nito ang bibig, mukhang gulat na gulat.
"Okay ka lang?" aniya ngunit hindi na niya hinintay na sumagot ito. Sinundan niya ang tingin nito at muntik na rin niyang matutop ang bibig niya.
"Dumating siya! Hindi ako makapaniwala!"
Kumurap-kurap siya. Kung hindi marahil tila nagbo-voice over si Kleggy sa mga nangyayari ay iisipin niyang nananaginip siya.
Alam niya kung gaano katinding gulat ang nararamdaman nito. Ngunit sigurado siyang hindi kasimbilis ng tibok ng puso niya ang tibok ng puso nito.
Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. She was seeing Ibarra for the first time in nine years.
Kung nakita na sila ni Ibarra, hindi niya masabi. Kausap nito si Ernie malapit sa may pintuan. At bago pa siya makapag-react ay nahila na ni Kleggy ang braso niya at hinihila na siya palapit kay Ibarra.
"Inimbitahan ko, siyempre. Pero knowing him, alam kong hindi siya pupunta. Alam mo naman 'yan, naaalibadbaran sa tili ko. And for him to attend a gay wedding..." umiling ito. Tumigil sa paglakad. "'Di ba? But he's here! Ibarra's here!"
Kahit pakiramdam niya ay may hila-hila siyang kadena ay nagawa naman niyang nginitian si Kleggy. "Kaibigan ka niya," aniya. "Kahit lagi ka niyang sinisinghalan no'n he cares a lot about you."
"Kung sabagay," anito. "If I'm not mistaken, hindi pa kayo nagkikita, 'di ba, after..." nagkibit ito ng balikat. "You know..."
Umiling siya. "Ang tagal na n'on, Kleggy."
"Sabagay," anito na binilisan na ang lakad.
Habang palapit sila dito ay hindi niya maiwasang i-assess si Ibarra. Dahil hindi naman ganon ka-pormal ang okasyon, nakaputing long-sleeved shirt lang ito na nakatupi ang maggas niyon hanggang siko nito. But despite the casual get-up, he still looked formidable. Mas mukha pa itong suplado ngayon. There was no denying, though, that the past nine years had been good to him.
"Himala, naisipan mong magpunta," agad na wika ni Kleggy nang makalapit sila dito.
"Ayaw mo yata, eh, gusto mo umalis na lang ako?" ani Ibarra bago bumaling sa kanya. Ngumiti. "Hi, Lizzie."
Inaamin niya, nagulat siya sa pagngiti nitong iyon. The smile was so casual that it became so hard for her to smile back. "H-hello, Ibarra," aniya.
Kung sasagot pa ba sana ito, hindi niya alam. Sinulyapan kasi nito ang iPhone nitong nagri-ring. "Excuse me," anito at tinalikuran na sila.
Naiwan sila ni Kleggy. Si Kleggy nakangiti halatang masayang-masaya dahil sa pagdating ni Ibarra. Siya, hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng alaala.
Z^s2
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
