Chapter 5a

7.5K 193 2
                                    

ISA-ISANG inilagay ni Lizzie ang mga tiniklop niyang mga damit sa bag niya. Maaga ang luwas nila pabalik ng Maynila bukas. Tapos na nilang kunan ang lahat ng mga eksenang kailangan. Kaunting editing na lang at puwede na nila iyong i-present sa klase next week.

Ngunit hindi niya makuhang magsaya. Tapos na ang project, tapos na rin ang maliligayang araw na nakakasama niya si Ibarra. Totoong kaklase niya ito, pero malamang hindi na sila uli mag-uusap. Uupo na uli ito sa bandang likod. Magkakasya na lang siya sa pagsulyap-sulyap dito.

Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. Hanggang doon na lang siguro. He obviously was not interested. Talagang pakikipagkaibigan lang ang dahilan kung bakit ito nakikipaglapit sa kanya.

Akmang isasara na niya ang zipper ng bag niya nang may kumatok. "Bukas 'yan," aniya. Hindi na siya naga-aksaya ng panahon na i-lock iyon dahil si Kleggy lang naman ang nangangatok sa kanya. Malamang ay kukulitin na naman siya nito na sumali sa inuman nito at nina Luke.

Hinagilap niya ang charger ng cellphone niya at isinuksok iyon sa bulsa ng bag niya.

Kumunot ang noo niya na napatingin sa pintuan. Hindi naman kasi pumasok si Kleggy.

Mabibigat ang mga hakbang na tinungo niya ang pintuan. "Kleggy naman-"

"Hi!"

Natigilan siya. Si Ibarra ang nakatayo doon. "H-hi!" aniya. Pinigilan niya ang pagnanais na iipit ang buhok niya sa tainga niya. "B-bakit?"

Ngumiti ito. "I was kinda hoping na gising ka pa."

Umawang ang mga labi niya ngunit wala siyang maisip na isasagot kaya muli na lang niyang isinara iyon.

At bago pa siya makaisip ng matinong sasabihin muli na naman itong nagsalita. "Gusto mong sumama?"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Pinigilan niya ang pag-alpas ng excitement sa dibdib niya. Ayaw niyang ma-disappoint "W-where?"

Kinamot nito ang batok. "Nagpapasundo kasi si Mama," anito bago nagkibit ng balikat. "Baka lang 'kako gusto mong sumama."

Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. Bakit ba hindi niya agad naisip na ang pagsundo pala kay Tita Doris sa idinaos na JS Prom sa pinagtuturuan nitong school siya niyaya nito?

Pero ano naman? Ang mahalaga makasama niya ito. Natigilan siya. Kaya ba siya nito niyaya ay dahil gusto rin siya nitong makasama? Shut up, heart! "Sige ba!"

Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba niya o talagang nagliwanag ang mukha nito. Agad na naman niyang kinastigo ang sarili. Alam na alam niya na kapag ang isang tao ay may crush sa isang tao, lahat ng gawin ng taong crush ay nabibigyan ng kulay ng nagkaka-crush.

May eksplanasyon ang lahat ng bagay. Niyaya siya ni Ibarra dahil gusto nitong may kasama sa pagsundo sa mama nito. Baka natatakot ito o whatever. Ayaw mapag-isa, ganoon. Hindi rin totoong nagliwanag ang mukha nito. Epekto lang iyon ng ilaw.

"Naisiip ko lang kasi baka mainip ka dito," anito.

Sinasabi na nga ba niya hindi siya dapat mag-isip ng kung anu-ano kapag si Ibarra ang kausap. Mahirap hulaan ang iniisip nito. "Magbibihis lang ako. Give me ten minutes," aniya. Mabuti na lang at nakaligo na siya.

"Okay lang kahit twenty minutes, anito. "Hintayin na lang kita sa labas. Ilalabas ko lang ng garahe 'yong Korando."

Ang tinutukoy nitong Korando ay ang lumang sasakyang naiwan pa daw noon ng papa nito. Jeep iyon na may takip ang bintana. Nakita niyang kinakalikot nito iyon kaninang umaga. Light blue ang kulay niyon. "Sige," aniya. Bago pa niya isara ang pintuan ay iniimbentaryo na niya ang laman ng bag niya at inisip na kung alin ang puwede niya pang isuot. The three pairs of jeans were out of the question. Marurumi na ang mga iyon dahil umuupo lang siya kung saan-saan.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon