Chapter 7c

6.3K 177 1
                                        

"'ASAN naman kaya ang lalaking 'yon?" bulong ni Lizzie habang hindi mapakaling upo at tayo. Nasa trabaho pa siya kaninang tumawag si Ibarra. Masama daw ang pakiramdam nito kaya hindi siya nito masusundo kagaya ng usapan nila. Pero pagdating niya sa apartment ng mga ito, wala ito gayong naka-park naman sa harap ng gate ang pick-up na pinapagamit dito ng kumpanya nito.

Hindi niya maiwasang mag-alala lalo na at naka-off ang cellphone nito. Paano kung hindi na nito kaya ang sama ng pakiramdam nito at nagdesisyon na itong dumiretso na sa ospital mag-isa? At paano kung nag-collapse ito sa taxi at itinapon na lang ito ng taxi driver kung saan?

Tinawagan na rin niya si Ernie at Kleggy pero nasa trabaho pa daw ang mga ito. PA din si Kleggy pero sa ibang network, samantalang si Ernie ay Med Rep.

Muli siyang tumayo. Pagsilip niya sa bintana ay saktong bumukas ang gate. Nakahinga siya nang maluwag nang makita si Ibarra. May bitbit itong plastic ng 7-eleven.

"Bakit ka lumabas?"

Itinaas nito ang hawak na plastic. May tatlong malalaking bote doon ng Wilkins. "Wala ka na kasing iinumin."

Kumunot ang noo niya. "'Di ba may water station naman d'yan sa kabila?"

"Hindi natin alam kung totoong malinis 'yon. Baka magkasakit ka pa."

Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit laging distilled water ang iniaabot nito sa kanya? "'Di mo pa ginawang Evian?"

"Mas gusto mo ba ng Evian? Sige, sa susunod 'yon na ang bibilhin ko."

Nilapitan niya ito at pabirong tinampal ang pisngi. "OA ka na, pogi."

Ngumiti ito. Dumukwang ito at dinampian ng mabilis na halik ang labi niya. "I only want the best for you, Lizzie."

Pinunasan niya ang gilid ng labi nitong nalagyan ng lipstick niya. "Okay ka na ba?" Dinama niya ang noo nito.

"Wala naman akong sakit," anito na naglakad papuntang kusina.

Sinundan niya ito. "Eh, ba't sabi mo hindi maganda ang pakiramdam mo?"

"Kanina kasi parang nagsisikip ang dibdib ko," anito na ipinatong sa monobloc na dining table ang bitbit nitong plastic.

Lalo siyang kinabahan. "Dadalhin kita sa doctor!"

Ngumisi ito. "Relax, okay lang ako," anito. "Hindi ko lang nakayanan ang good news."

Kumunot ang noo niya. "Good news? Ano'ng good news 'yan?"

Sa halip na sagutin siya, pumasok ito sa kuwarto nito. Sinundan niya. Inabot nito sa ibabaw ng study table nito ang isang diyaryo. Iniabot nito iyon sa kanya.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang maliit na box sa tabi ng banner ng broadsheet. Twenty-five passed Metallurgical engineering board exam. Maang na napatingin siya kay Ibarra.

"Hindi mo man lang ba ako iko-congratulate?"

Binitawan niya ang broadsheet. Umawang ang mga labi niya ngunit wala siyang maapuhap na sabihin. There was never any doubt in her mind that Ibarra would pass the board exams. Pero topnocher ito! Naramdaman na lang niyang naglandas na ang mga luha sa pisngi niya.

"Bakit ka umiiyak?" masuyong tanong nito. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. Pinunas nito sa pamamagitan ng daliri nito ang mga luha niya.

"I'm so happy for you, babe..."

"Wala ba akong kiss?"

Sa sinabi nitong iyon, napangiti siya. Dinampian niya ng halik ang mga labi nito. The moment her lips met his, he took over. He kissed her like there was no tomorrow.

She kissed him back. Nang maramdaman niyang hapitin nito ang baywang niya, yumakap na siya sa batok nito.

Lumapit ito sa pintuan nang hindi siya binibitawan, sinipa nito iyon bago pinindot ang lock. Naramdaman na lang niyang nakalapat na ang likod niya doon.

Napakapit siya sa batok nito. Tila idinuduyan siya sa bawat pagtaas baba ng kamay nito sa tagliran niya.

Alam niya kung ano ang susunod na mangyayari. Anumang sandali ay tila nabuhusan na naman ng malamig na tubig na bibitawan siya nito. Ganoon ang madalas na nangyayari sa anim na buwan nang relasyon nila.

Hinilot niya ang batok nito. Natigilan ito. Tumigil sa taas ang isang kamay nitong nagtataas-baba sa tagiliran niya. Ang isa ay nanatiling nakasuporta sa baywang niya.

Napalunok siya nang maramdamang gumapang ang isang kamay nito sa dibdib niya. That was the very first time his hand strayed that far. Tuluyang na siyang napasinghap nang maramdaman niya ang init ng palad nito sa ibabaw ng manipis na tela ng blouse niya.

Humigpit ang pagkakayapos niya dito nang maramdaman niya ang mabining paghagod nito sa kaliwang dibdib niya. She bit her lower lip. She tried her very best to keep herself from moaning. Baka tumigil ito. And she did not want him to stop.

Kasabay ng pagbaba ng mga labi nito sa leeg niya ay ang isa-isa nitong pagbukas sa butones ng blouse niya.

"We shouldn't be doing this, babe," bulong ni Ibarra sa leeg niya.

"Why the hell not?" pakli niya.

She knew there was no turning back when Ibarra threw her brassiere.

":1,"h�<����

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon