ISANG malaking palaisipan kay Lizzie kung bakit biglang nag-volunteer si Ibarra. Pero bago pa tuluyang magbago ang isip nito, tinawag na niya sina Kleggy at inihanda na ang mga gamit. Ayon sa kuwento, sisisid si Lam-ang at paglitaw nito ay kasabay na ang mga isdang lulutang. Kumakawag-kawag na sa isang planggana ang mga nabili nilang mga tilapia kanina.
May isang kundisyon lang si Ibarra. Ayaw daw nito ng bahag. Naka-board shorts lang ito.
Sa bandang likuran kukunan ipinuwesto ang camera para hindi na masyadong mahirapan sa pag-edit ng mukha ni Ibarra at mahalatang hindi iyon si Luke.
Naramdaman niyang may tumayo sa kaliwa niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, alam na niyang si Ibarra iyon. "Ready ka na?" aniya bago niya ito nilingon.
Naipagpasalamat niyang natapos na niya ang sentence niya dahil malamang sa hindi ay nagkandabuhol-buhol na ang dila niya. She knew alright that Ibarra would be shirtless. Pero napasinghap pa rin siya nang mapalingon siya dito. Broad shoulders, wide chest, fierce stare, piercing gaze...
Exactly the Lam-ang she had in mind.
Kung pumayag lang sana ito, mas mapapadali sana ang lahat, wala nang make-up na kailangan.
"Start na tayo?"
Napapitlag siya nang marinig ng boses ni Ibarra. "O-oo," aniya. "Alam mo na ang gagawin mo, 'di ba?"
"Yes, ma'am," anito na naglakad na sa tila maliit na bangin kung saan ito tatalon.
Napalunok siya nang makita ang mga nakausling ugat ng isang wala nang dahon na puno.
"Ibarra," tawag niya dito.
Lumingon ito nang hindi sumasama ang katawan nito kaya nakabalandra sa harapan niya ang nag-iigtingang mga muscles nito sa likod. Gusto niyang magsisi na nagsalita pa uli siya.
"I-ingat ka sa mga malalaking roots na 'yon ha?" aniya. "Baka kasi-"
Ngumiti ito. "Relax, Lizzie, eight years old pa lang ako ginagawa ko na 'to," anito bago siya kinindatan.
Naipagpasalamat niyang agad na itong tumalikod pagkakindat sa kanya dahil sigurado siyang pulang-pula na ang mga pisngi niya.
Naririnig niyang nagsasalita si John pero wala na siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Nang tumalon kasi si Ibarra sa tubig, tumalon na rin ang puso niya.
Malinaw ang tubig kaya kitang-kita niya ang bawat galaw nito. Sumasabay doon ang puso niya.
Kung mayroon mang natitirang duda sa totoong nararamdaman niya para dito ay nabra na iyon. Nagkaka-crush na siya talaga dito.
And it was a pleasant feeling.
tom\":0J
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
