"SORRY, medyo natagalan ang meeting," wika ni Lizzie kay Ibarra bago humalik sa pisngi nito. Alam niyang may fifteen minutes na itong naghihintay sa kanya sa lobby ng SFBN. Gustung-gusto na niyang bumaba kanina nang i-text siya nitong nandito na ito pero hindi siya puwedeng basta umalis.
"You're worth the wait," anito na iniabot ang braso nito sa harapan niya.
Lumabi siya pero humawak siya sa braso nito. Yumakap, actually.
It had been a little more than a week since they started seeing each other again. Walang "dreaded morning after" sa pagitan nila nang magising sila kinabukasan pagkatapos ng unang gabing iyon. They woke up wrapped in each others arms and had breakfast like a normal couple. Inihatid siya nito at ngayon ay palagian na siyang may sundo.
Inayos niya ang kuwelyo ng suot nitong dark blue long-sleeved polo na itinupi nito hanggang siko. "Galing ka ng planta?"
Sa pagkakaalam niya ay naka-jeans lang ito kapag pumupunta sa planta sa Cabuyao. Kapag sa main office sa Ortigas ay naka-business suit ito.
"Hindi. Sa office lang ako maghapon. Galing na kasi ako sa bahay."
"Kaya pala amoy bagong paligo," aniya. Eksaheradong sininghot niya ang leeg nito.
"Siyempre," anito. Nang tatawid na sila sa kalsada papuntang parking lot ay tinanggal nito ang pagkakayapos niya sa braso nito ngunit ginagap nito ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri nila.
"Saan tayo pupunta, congressman?" tanong niya nang buksan na nito ang pintuan ng sasakyan para sa kanya?
He made a face.
Tumawa siya. Isinuot ang seatbelt. "Eh, pang-congressman ang sasakyan mo, eh," aniya. "O mas gusto mo ng Ambassador?
Sinimangutan siya nito. "Sige, bukas, Korando na uli."
"Tumatakbo pa 'yon?"
"Oo," liyad ang dibdib na wika nito.
"Kailan ko uli makikita 'yong Korando?" Hindi niya balak magparinig, pero parang ganoon yata ang lumabas sa tanong niyang iyon. Madalas kasi nitong sinasabi na kinumusta siya ng mama nito pero tila wala naman itong balak na isama siya doon. Nagpunta ito noong weekend, balikan din. Pero hindi siya nito niyaya.
"Gusto mo ba?"
Tumango siya. "Okay lang," aniya. She tried to show nonchalance. She did not want to impose.
They agreed to a relationship without commitment. Para walang expectations. Para walang nagdi-demand. Para kapag dumating na ang araw na kailangan na uli nilang maghiwalay, walang masasaktan.
"Sabagay, nakukulitan na ako kay Mama sa kakatanong sa 'yo."
"Kaya mo na ako isasama dahil lang request ni Tita?" So much for showing nonchalance.
Sinulyapan siya nito. "No," anito bago bumaling sa harap. "Para may kausap ako sa biyahe. Nakakaantok kasi kapag- Aray! Bakit ka nananakit?"
"Nakakainis ka na!" gigil na wika niya ngunit hinaplos niya din naman ang balikat nitong hinampas niya.
Ngumiti ito. "Joke ang," anito. "Pero honestly, iniisip lang naman kasi kita. Gustung-gusto kitang isama no'ng weekend pero nakikita ko kasi na pagod ka. 'Yon na lang ang pahinga mo, eh."
"Totoo?"
"Yes. Sabi ko sa isip ko, akin na lang 'yong natitirang energy mo," anito sabay kindat nito sa kanya.
Pabirong tinampal niya ang pisngi nito na ikinatawa lang nito.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Late dinner lang tayo. May gusto ka bang puntahan after?"
"Isipin ko pa."
"Okay," anito. "Daan na tayo sa condo mo. Kumuha ka ng damit mo. Masyadong nakakapagod kung dadaan na naman tayo do'n bukas ng umaga. Para mula sa bahay, diretso na tayo sa SFBN. Ang layo ng bahay mo, eh."
Pinandilatan niya ito. "Aba-ba-ba, kuya," aniya. "Ginawan mo na ako ng schedule. Paano ka nakakasiguro na sasama ako sa bahay mo mamaya?"
"Ayaw mo ba?" Hinuli nito ang kamay niya, hinalikan nito ang pulso niya bago siya tinitigan.
Napalunok siya. Makakahindi pa ba siya kapag tinitigan siya nito nang ganoon? "Eyes on the road!"
Natatawang tumingin na ito sa harapan ngunit hindi nito binitawan ang kamay niya hanggang makarating sila sa condo niya.
6308Fphs#'
******More pa?
*Please support my newly printed book first hahaaha:
SOMETHING OLD, SOMETHING NEW ✨
by Celine
Contemporary Feel Good Romance
260 pages
5.25 x 8
Cream paper
Matte laminate cover
PhP550 per copy plus shipping feeTo order, send me a message with the following info:
Book title
number of copies
Your locationFor example:
Something Old, Something New
1 copy
Pasig CityWe ship via JRS (door to door) every Wednesday.
Mode of payment is via Gcash.Thank you and we hope to hear from you soon! 💖
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...