Hope you guys can visit my second wattpad account CelineAlqueza
"DAPAT tigil-tigilan mo na ang pagbibigay ng roses araw-araw," kastigo ni Lizzie kay Ibarra nang mapagbuksan niya ito ng pinto. Noong mga nakaraang mga araw ay pa-tatlo-tatlo lang. Pero ngayon, mukhang tatlong dosena ang iniabot nitong iyon.
"I'm trying my best to act like the typical cheesy boyfriend and this is what I get?" Dumiretso ito ng upo sa couch. Wala siyang pasok nang araw na iyon kaya sa condo unit niya ito dumiretso.
Sinundan niya ito. "Hindi naman sa ayaw ko. Ilang tsinelas na kasi para sa mga batang mahihirap ang mabibili ng katumbas ng ganyan kalaking arrangement."
Kumunot ang noo nito. "Tsinelas? Bakit tsinelas?" tanong nito na tinanggal ang sapatos nito bago ipinatong sa coffeetable ang paa nitong may medyas pa. "Mamimigay ka? Baka sabihin ni Korina Sanchez ginagaya mo siya."
Tiningnan niya ito nang masama.
"I'm just kidding, babe," anito. Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha niya. Dinampian nito ng halik ang mga labi niya. Ngumiti.
"Hindi naman kasi praktikal," aniya.
"Sige," anito. "From now on, sa special occasions na lang kita bibigyan ng roses. Okay na ba 'yo?"
"Dapat naman talaga ganoon lang," aniya. Hinarap niya ito. Tinanggal niya ng suot nitong necktie.
Hindi na ito sumagot. Tinitigan siya.
"What?" angil niya.
Ngumiti ito. "Nasabi ko na ba sa 'yo na maganda ang mga mata mo?"
Ipinilig niya ang ulo niya. "Legs, oo, mata hindi pa."
Ganoon na lang ang tawa nito.
Lumabi siya. "Obvious kasi na nambobola ka. Ano naman kasi ang panama ng itim na itim lang na mata ko sa blue eyes ng ex mo?"
"I love your eyes, babe," Ginagap nito ang kamay niya. Tinitigan nito iyon bago dinala sa mga labi nito. "'Tsaka huwag mo nang masyadong pinag-iinitan si Adele na para bang siya lang ang ex ko. Meron pang isa noon na hazel ang mata."
Tiningnan niya ito nang masama. "Si Adele lang ang may-atraso sa akin kaya wala ako pakialam kahit pa pula ang mata n'ong iba."
"You're the only one that can make me happy, babe."
Halata na marahil nitong totoong inis na siya kaya ganoon na ang sinabi nito. "Matagal ko nang alam 'yan."
"Seryoso, 'yon," anito. "Hindi ko na talaga kakayanin na hindi ka makasama."
Hindi na niya napigilan ang mapangiti sa sinabi nitong iyon. Hindi na niya kayang maggalit-galitan. Humilig siya sa dibdib nito. "Ako rin naman, eh."
"Eh, kung magpakasal na kaya tayo?
Trumiple yata ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi kasi niya inaasahan na iyon ang susunod na maririnig niya. Tiningnan niya ito.
"Pakasal na lang tayo," ulit nito.
"Nagbibiro ka ba?"
Umiling ito. Ibinaba nito mula sa coffeetable ang mga paa nito bago inunat ang isang binti nito at may dinukot sa bulsa nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita, natutop niya ang bibig niya. It was a diamond ring. Kuminang ang malaking bato niyon nang tumama sa liwanag ng ilaw. Kung nagbibiro ito ngayon, gaano na lang kalaki ang bato ng singsing na ibibigay nito kapag seryoso na ito?
Titig na titig ito sa kanya. "Marry me, Lizzie."
Ramdam niyang nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya. Pakiramdam niya ay may bikig sa lalamunan niya. "Baka nabibigla ka lang."
Umiling ito. "I've wasted nine long years, Lizzie," anito. "Nang makita kita uli, alam ko na hindi nagbago ang nararamdaman ko. At kung ibabase ko sa mga ngiti mo, sa saya na nakikita ko sa mga mata mo kapag magkasama tayo, sa tingin ko ganoon din ang nararamdaman mo."
Tinitigan niya ito. Naramdaman niya ang pamamalisbis ng luha niya sa pisngi niya ngunit nakapagtatakang hindi na niya napigilan ang mapangiti.
"Please say, yes, Lizzie..."
Sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Yes, Ibarra, I will marry you."
Matamis ang ngiting itinugon nito. Hinawakan nito ang kamay niya at isinuot ang singsing sa daliri niya. Hinalikan nito iyon. "I'm sure there'll be times na mawawala ako sa sarili ko, na makakalimutan ko ang oras, na makakalimutan ko na may mga promises ako sa 'yo. 'Pag nangyari 'yon, huwag kang iiyak lang nang nakatalikod sa 'kin, ha? Ang hirap kasi para sa akin kapag sinasarili mo ang sakit. Mas okay pa sa 'kin na batukan mo ako. Kasi hangga't kaya ko, hindi ko papayagang umiyak ka."
Pakiramdam niya ay itinatahip ang dibdib niya habang nagsasalita ito. "Paano‚ 'pag ako ang nakalimot?"
"Sigurado akong hindi mangyayari iyon. You've always been the heart and soul of this relationship from the very start. I know I'll be a better man because of you," anito. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. "I love you, Lizzie."
Nginitian niya ito. "I love you, too..."
Nang yumuko ito, agad na siyang napapikit. Yumakap na siya sa batok nito nang dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya.
It was the longest kiss they have ever shared.
"Happy?" tanong nito nang bitawan siya.
Tumango siya. She could not wait to walk down the aisle with this man. Napangiti siya. Ngiti na agad ding napalis nang may maalala. Walking down the aisle meant having her father beside her. Pero pagkatapos ng mga nangyari noon, hindi siya nakakasiguro kung ibibigay nito ang basbas nito sa relasyon nila. Walang tanung-tanong na tinanggap siya ng mga ito noon. Sa nakaraang mga taon, taboo sa bahay nila ang magbanggit ng pangalan ni Ibarra.
"Are you okay?"
"N-naisip ko lang sina dad."
"Then we go visit them this weekend."
Bumilis ang tibok ng puso niya. Humawak siya sa hita nito. "Are you sure you're up to it? Paano kung..." Umiling siya. Ayaw niyang isipin. Natatakot siya sa daddy niya. Sa puwede nitong gawin kay Ibarra. "Natatakot ako kay dad."
"Ibig mong sabihin hindi pa nila nasasabi sa 'yo?"
Kumunot ang noo niya. "Na?"
"Nagpunta na ako sa inyo," anito. "Kinausap ko sila."
Nanlaki ang mga mata niya. "Paano? Kelan?"
Habang nagkukuwento ito ay nagsasalimbayan ang emosyon sa dibdib niya.
"Bakit hindi mo agad ikinuwento sa 'kin?" tanong niya nang matapos itong magkuwento.
Nagkamot ito ng batok. "Nahiya yata kasi akong ibida sa 'yo na matapang ako. O baka naisip ko na ayokong malaman mo na ganoon kita kamahal kasi lalaki ang ulo mo tapos alipinin mo ako."
Natatawang hinaplos niya niya ang pisngi nito. Alam niyang sabi lang nito iyon. "Thank you, Ibarra. Thank you, so much..."
Ngumito ito. "Anything to make you smile, babe."
Sinuklian niya ang ngiti nito. "I love you ..."
"I love you, much, much more..."
CELINE ISABELLA
WAKAS

BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...