"MATAGAL ka na dito," tanong ni Lizzie nang makapasok sila sa condo unit ni Ibarra. Iginala niya ang paningin sa loob. It was obviously a man's place. Puro gray at black ang kulay na nakikita niya.
"Mahigit one year na din."
"Ang nice ng place. Ang linis."
"May cleaning lady na pumupunta twice a week," anito. "Take a seat. Ano'ng gusto mo? Coffee, juice or water?"
Umupo siya. "Water lang. Hindi na rin ako magtatagal," aniya. "The girlfriend might not like my being here."
He made a face. "Walang girlfriend."
Tumaas ang isang kilay niya. "Wala o wala dito sa Pilipinas?" Sa pagkakaalam niya, ayon na rin sa pahapyaw na pagkukuwento ni Kleggy, may girlfriend daw itong Dutch national.
"We broke up a few months ago." Hindi na nito hinintay na sumagot siya. Tumalikod na ito. Naiwan siyang nakatitig sa malapad na likod nito. Sinundan niya ito sa kusina.
"Eh, 'di broken hearted ka ngayon?" aniya. Umupo siya sa isang stool.
Tumawa ito. Pagak. Binuksan nito ang bottled water bago iniabot sa kanya. Umupo ito sa tapat niya. "Adele and I... we're better off as friends."
"Siya 'yong Dutch?"
"Yep."
"Ano'ng color ng eyes niya?"
"Blue," anito bago siya tinitigan. "Bakit mo naitanong?"
"Para may mapagkuwentuhan."
Humalukipkip ito. Mataman siya nitong tinitigan. "At nag-decide ka na simulan ang kuwentuhan sa kulay ng mata ni Adele?"
"Eh, alangan namang itanong ko sa 'yo kung paano naging kayo, I'm sure hindi mo sasagutin."
Natawa ito.
Pinandilatan niya ito. "Ano'ng nakakatawa?"
Umiling ito. "Wala naman," anito. "Hindi lang ako makapaniwala na magkakaroon tayo ng ganitong diskusyon."
"Arte," aniya. "So, siya din ba 'yong girlfriend mo no'ng nasa MIT ka?"
Umiling ito. "No. Last year lang naging kami ni Adele. Pero kasama ko na no'n sa apartment."
Tumangu-tango siya. "Ah, so, iba pa 'yong girlfriend mo na nakasagot sa phone mo, no'n?"
Kumunot ang noo nito. "Girlfriend na sumagot ng phone? When was this?"
"About seven months after you left."
"Wala akong girlfriend no'n. Paano ang boses?"
"Parang hindi American. Medyo thick ang accent."
Umiling ito. Tila napapantastikuhang tumawa. "Si Adele nga siguro. Parang German?"
Nagkibit siya ng balikat. "I wouldn't know," aniya. "May binanggit siya na parang pangalan niya bago nag-good morning, eh. Hindi ko lang naintindihan."
Nagbuga ito ng hangin. "Ganoon sila. Nagpapakilala agad sila sa kausap sa phone," anito. "I'm sorry."
"So siya nga?" nanlalaki ang matang wika niya. "Pingutin mo ang tenga 'pag nakita mo. Nangingialam siya."
Bahagya itong natawa. "What exactly did she say?"
She decided to start from the very beginning. Habang magkukuwento siya ay titig na titig ito sa kanya. "Down na down ako no'ng araw na 'yon," aniya. "I mean, ang malas ko that day. Nasabon ako ng boss, nahuli ng MMDA. Naisip ko pa nga no'n na magri-resign na lang ako at susunod na lang sa 'yo. Kung kinakailangang magmakaawa ako, gagawin ko." Umiling siya. "B-but it doesn't matter now, anyway. Matagal na 'yon."
"Bakit ka kasi lumalabas ng bahay nang walang lisensya?"
Maang na napatingin siya dito. Sa dami kasi ng sinabi niya iyon lang ang komento nito na tila ba wala man lang ni katiting na importansya ang ikinuwento niya. Tila ba hindi nito naisip na inaamin niya na pinagsisihan niya ang pakikipaghiwalay niya dito.
Tumayo ito kapagkuwan. "Sandali lang, kukunin ko lang 'yong book," anito bago tumalikod.
3
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...