"MALAPIT lang ba 'yon?" tanong ni Lizzie kay Ibarra nang tinatalunton na nila ang dalampasigan.
Tumango ito. "See those lights over there?" anito na itinuro ang nasa may unahan nila.
Sinundan niya ang itinuro nito at nakita niya ang maraming Christmas lights. "Ano 'yan, beer garden?"
Tumawa ito. "Hindi," anito. "'Yan din ang akala ni Ernie kagabi kaya niyaya ako. Na-disappont siya nang malamang walang nagsasayaw nang hubad."
Tiningnan niya ito nang pailalim. "Si Ernie lang ang na-disappoint?"
Tumawa ito. "Oo, siya lang."
Lumakas ang tawa nito nang umismid siya.
"Bakit naman ayaw mong maniwala?" bago hinawakan ang siko niya at iginiya siya papasok sa restaurant.
Hindi na niya ito sinagot. Pagpasok, agad niyang na-realize na hindi nga iyon beer garden. Puno iyon at iba't-ibang age bracket ang nandoon. Agad na napako ang atensyon niya sa bandang nasa stage. Kumakanta ng Passenger Seat ang vocalist habang sinasabayan ng pagtugtog ng kipkip nitong gitara. Ipinilig niya ang ulo niya at nakinig. "He's good," aniya kay Ibarra.
"Impressed nga kami ni Ernie kagabi, eh, kaya obsessed ang isang 'yon ngayon sa music."
"Salamat sa pagsama mo sa 'kin," aniya.
Sinundan nila ang isang waiter na naka-hawaiian shirt na nagdala sa kanila sa isang mesa na nasa tabi ng isang malaking bintana.
Nang maibigay nila ang order nila ay iniwan na sila nito.
Magsasalita sana siya nang mag-ring ang hawak na cellphone. Tiningnan niya iyon at nakita niyang ang co-host niya ang tumatawag. "Excuse me," aniya kay Ibarra bago sinagot ang cellphone. "I'm on vacation for the first time in two years, so this better be good."
"Lizzie, pumayag ka na please... sabi nila lasang bulok na kahoy daw 'yon! And it's slimy!"
Hindi niya napigilan ang matawa sa sinabi nitong iyon. "No, nagbunutan tayo. You will eat the tamilok and I will discuss the book," Matagal na nilang pinagdidiskusyunan iyon pero walang gustong bumigay. Nakakain na siya noon ng tamilok. And she was not about to do it again on national television.
Ngunit tumututol din ang co-host niya. Hindi daw nito kaya 'yon.
"Kalalaki mong tao, nandidiri ka sa tamilok!" kastigo niya dito. "'Pag nahuli ako, sige, pero 'pag nauna akong makahanap, isang kilong ang tamilok ipapakain ko sa 'yo. Fair enough? Okay. Good!" aniya sabay bulsa na na cellphone niya.
"Problema?"
"Medyo," aniya. "Kapag kasi hindi ako nakahanap ng book, kakain ako ng tamilok."
"O, ano'ng problema do'n?"
"Wala pa siya sa bookstores. 'Yong in-order ko sa Amazon in two weeks pa darating."
"Ano'ng title?"
"Priestess From the Sun. Next month pa mari-release sa Manila."
"May copy ako. Ipapahiram ko na lang sa 'yo," anito. "Sobra ang hype sa book na 'yan kaya no'ng napadaan ako sa bookstore sa Amsterdam, bumili ako. May pirma pa ng author kasi saktong ando'n siya no'n."
"You're kidding."
"Am I?
Ipinilig niya ang ulo niya. Umiling. "I guess you're not."
"So,paano ko ibibigay sa 'yo ang book?"
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
