"ALAM mo Neve, hindi ko talaga alam kung cynic ka ba o hopeless romantic," wika ni Gelai habang binubuksan ang pintuan ng taxi na naghatid sa kanila sa dorm. Bumaba ito at tumayo sa sidewalk habang hinihintay silang makababa.
Kung hindi nakapagpigil si Lizzie ay natawa na siya sa tinurang iyon ni Gelai.
Kaninang umaga pa nagtatalo ang dalawa. Ang issue, sila ni Ibarra at ang hindi nila paglabas ngayong Valentine's Day. Nakalimutan na iyon kanina ni Neve, pero nang tumawag si Ibarra kanina at itanong kung nasaan na siya at kung anong oras siya uuwi, naalala na naman nitong sermunan siya. Siyempre, to the rescue si Gelai kaya ang dalawa na naman ang nagtatalo.
"Tumigil ka na nga, Gelai. Hindi ako ang pinag-uusapan dito kundi ang insensitive na boyfriend ni Lizzie," ani Neve bago bumaling sa kanya. "First Valentine's Day n'yo hindi man lang kayo magdi-date?"
Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga sa tanong na iyon ni Neve. "For the nth time, Neve, may kailangan nga kasi siyang ayusin," aniya. Bago nagsimula ang klase nila kanina, sinabi sa kanya ni Ibarra na nagka-problema ang thesis nito at kailangan nitong ayusin iyon bago lumala. "Isa pa, wala naman talaga kami talagang balak na lumabas ngayon."
"Don't tell me hindi ka man lang nag-expect na may gagawing special ang lalaking 'yon para sa 'yo ngayon?"
Nagbuga siya ng hangin. Ipinilig niya ang ulo niya. "Lahat naman ng babae siguro ganoon ang iniisip, Neve," aniya. "Pero valid naman kasi ang reason. Kaya naiintindihan ko." Hindi maikakaila na stressed na stressed si Ibarra kanina at hindi na siya dapat pang madagdag sa mga pinu-problema nito.
"Oo nga naman, Neve," sabad ni Gelai. "Isa pa, real men don't need cheesy occasions like Valentine's Day to make their women feel special and... oh, my, God..." wika ni Gelai, tutop nito ang bibig nito na nakatingin sa may unahan.
Kunot ang noong sinundan niya ang tingin nito at maging siya ay nagulat sa nakita. Nakatayo si Ibarra sa may gate ng dorm. May hawak na pumpon ng pagkapupulang mga rosas. Nakangiti.
Parang may pakpak ang mga paang nilapitan niya ito.
"Bawal pala ang lalaki sa loob," anito na itinuro ang main door ng dorm nila. Iniabot nito sa kanya ang hawak na bungkos ng mga bulaklak.
Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng mga bulaklak pero hindi niya maipaliwanang ang sayang dulot sa kanya ng sandaling iyon. "Thank you," aniya. Saglit na nawala doon ang atensyon niya nang dumaan sa tabi nila sina Neve at Gelai.
"Hi, Gelai, Neve!" ani Ibarra.
"Hi, Ibarra!" pakli din ni Gelai. Umingos lang si Neve.
"Huwag mong pansinin si Neve," aniya nang bahagyang kumunot ang noo ni Ibarra. "Thank you sa flowers," aniya bago sinamyo niya ang mga iyon. "You didn't have to."
Ngumiti ito. Hinaplos nito ang pisngi niya. "Siyempre hindi naman puwede na wala."
"Thank you," ulit niya. "Bakit ka nandito? Akala ko busy ka?" magkasunod na tanong niya.
"Babalik pa ako do'n mamaya. Hindi pa ako tapos," anito.
Pinandilatan niya ito. "Dapat tinapos mo na muna 'yon."
Umiling ito. "May sasabihin lang kasi ako sa 'yo, eh," anito. Ngumiti ito. Ginagap ang mga kamay niya bago dinala sa mga labi nito.
Ganoon na lang ang kabog sa dibdib niya. "A-ano ba kasi 'yon? Magkausap na kaya tayo kanina sa phone. Puwede naman sanang-"
"Phone?" nanlalaki ang mga matang putol nito sa sasabihin niya.
"Oo, phone," mahinahong wika niya bagama't intrigang-intriga na siya sa reaksyon nito. "Ano'ng masama sa phone?"
Lalong nanlaki ang mga mata nito. "Sa phone ako first time na maga-'I love you' sa 'yo?" anito bago ito natigilan na tila na-realize kung ano ang sinabi.
Kung hindi marahil sa mismong sinabi nito ay natawa na siya sa reaksyon nito. He had just told her he loved her. Sa magi-isang linggo na nilang relasyon, ngayon lang nito iyon sinabi. "Ayaw mong sabihin sa phone pero gusto mo isisinghal mo?"
Napangiwi ito. "I was kinda hoping you would let that pass, I'm sorry, ninenerbyos kasi ako," anito na pinisil ang kamay niya.
Tiningnan niya ito nang pailalim. "Ikaw, ninenerbyos?"
"Sabi ko lang 'yon," anito, ngumisi bago tumikhim.
Ipinilig niya ang ulo niya. Naghintay siya.
Muli nitong dinala sa mga labi nito ang hawak nitong kamay niya. "I love you, Lizzie," anito bago siya nito masuyong tinitigan.
Ipokrita siya kung sasabihin niya na hindi niya pinapangarap na marinig ang mga katagang iyon mula dito. Those were the words she had been longing to hear.
"Lizzie..."
Lumunok siya. Tinitigan din niya ito. "I love you, too, Ibarra," bulong niya.
Nagliwanag ang mukha nito. Ngumiti. Ibang-iba ang ngiti nitong iyon. Bahagya itong yumuko. Ipinatong nito ang noo nito sa noo niya. "God, I really wanna kiss you," tila hapong-hapong anas nito.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya. Iyon din mismo ang nararamdaman niya. At walang masama kung sasabihin niya rin iyon. Tumikhim siya. "Ibarra, I-"
"Elizabeth, gabi na!"
Parang iisang taong napatingin sila sa pinanggalingan ng boses. Sa bintana iyon. "Si sister," aniya. Agad niyang hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ibarra. "'Alis ka na! Magagalit 'yan."
Nagpakawala ng malalim na hininga si Ibarra. "Why am I getting this feeling that we've just been transported to the pages of Noli Me Tangere?" anito ngunit pumayag na rin itong umalis.
Napangiti siya. Hindi, wala sila sa Noli Me Tangere. Magkaiba ang kapalaran nila ni Maria Clara. Siya, may happy ending sa piling ng Ibarra niya.
C�>��ϭ
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomansaAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...