Chapter 7d

5.9K 165 1
                                    

KASABAY ng pagbagsak ng likod ni Ibarra sa kama ay ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya. Pang-isahan lang ang bed kaya hinila niya si Lizzie. Nakayakap ito sa kanya na nakadagan ang kalahati ng katawan sa katawan niya.

Wala na siyang mahihiling pa. This moment with Lizzie was the icing to his cake. Sa planta kanina, bumaha ang pagbati sa kanya. Pinatawag pa siya ng mismong Country Manager at nakipag-video call sa CEO na si Mr. Boeyens na ilang beses na rin niyang nakita kahit noon pa mang estudyante siya. Mukha itong Santa Claus.

"I'm so proud of you, my boy," anito. "My instincts were right. I knew you'd make it."

"Thank you very much, Mr Boeyens, sir. If not for you, I probably won't make it."

"No, no, no," wika ni Mr Boeyens na sunud-sunod ang naging pag-iling. "You had this certain aura that makes me want to dream big for you."

Nakikita daw nito sa kanya ang sarili nito noon. Punung-puno ng ambisyon. Habang paulit-ulit ito sa pagprui sa kanya, paulit-ulit din ang pasasalamat niya dito.

"So, which one is it? MIT or CalTech?"

Natigilan siya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "Come again, sir?"

Tumawa ito. It was a ho-ho-ho. Niloko pa siya na sayang daw ang gandang lalaki niya dahil bingi daw siya. "I'm sending you to school, my boy!" anito. "You've got ten seconds to decide. MIT or Cal Tech."

Kilalang maloko ang big boss nila. "Sir, I-"

"Five seconds, Engineer Ibarra Daez," anito. Tina-tap pa nito ang daliri sa desk nito.

Lumukso ang puso niya. Ito ang kauna-unahang tumawag sa kanya ng engineer. "Sir-"

"Three seconds."

Kung binobola man siya nito, bahala na. "MIT, sir," walang kagatul-gatol na sagot niya.

Lumapad ang ngiti nito. "Then MIT it is!"

"Ibarra?"

Sinilip niya ang mukha ni Lizzie. Nginitian niya ito nang magtama ang mga mata nila. Hindi pa niya nasasabi dito ang tungkol sa napag-usapan nila ni Mr Boeyens. Pero mamaya na iyon. "'You, okay?" masuyong tanong niya. Alam niyang hindi lang iyon ang dapat niyang sabihin pero iyon lang ang naisip niya. Hanggang ngayon, madalas ay natitigilan pa rin siya kapag napapatitig siya sa mukha nito. Lalo ngayon na mamula-mula ang mga pisngi nito. Hindi dahil sa make-up. But because she had just been made love to - by him.

Tumango ito. "It's just that my knees are shaking."

Lalong lumapad ang pagkakangiti niya. "You'll be fine in a few minutes," aniya bago hinalikan ang buhok nito.

Hinigpitan din nito ang yakap sa kanya. "I love you."

"I love much, much more, babe," aniya.

"I just hope I won't get pregnant yet. We've got to make plans and all," wika nito habang nakasubsob sa dibdib niya.

"Speaking of plans..."

Umayos ito ng posisyon. Nakaunan pa rin naman ito sa balikat niya at nakayap sa kanya pero nakatingala na ito. He could not resist the urge to kiss her and so he did.

"Nagkausap kami ni Mr. Boeyens kanina," aniya. Mataman niya itong tinitigan. "I'm going to MIT."

Kumunot ang noo nito. "I didn't know they've got Metallurgical Engineering in Mapua," anito. "'Tsaka akala ko ba sa Diliman ka pa rin magma-masters? Bakit mas gusto niya sa Mapua?"

Humugot siya ng malalim na hininga. Totoo ang sinasabi ni Lizzie. Nakapag-desisyon na siya noon pa man na sa UP Diliman kumuha ng master's degree. Pareho sila ni Lizzie na hindi inaasahan ang alok na iyon ni Mr. Boeyens.

"Hindi sa Mapua, babe," aniya. Nang um-oo siya kanina kay Mr. Boeyens, nag-uumapaw ang kaligayan sa dibdib niya. Pero ngayon, habang sinasabi niya kay Lizzie, tila nanghihina siya. "The MIT. Massachussetts Institute of Technology."

Nalaglag ang panga ni Lizzie. Nanlaki ang mata. She was obviously excited. "The MIT? 'Yong Dream school mo?"

Sa nakikita niyang saya sa mukha ni Lizzie, nawala ang lahat ng agam-agam niya. "Sandali lang naman 'yon, 'di ba, babe? Hihintayin mo naman ako 'di ba?"

"Oo naman," anito at muli niyakap siya. "I'm so proud of you.."

"Salamat," aniya. "Ang saya-saya ko, Lizzie. Lalo na, nandito ka, sa tabi ko. I couldn't ask for more."

Sumimangot ito. "I just hope that's not true."

Siya naman ang napakunot-noo. "Ang alin? Totoo 'yon."

"Won't you really ask for more, babe?" She had that teasing tone in her voice.

Sa sobrang gulat niya sa sinabi nito, natawa siya. Hinapit niya ito. "Matulog ka na muna. Mamaya na 'yong mga more ko."

Tinampal nito ang dibdib niya bago isinubsob ang mukha nito doon.

4.5<7I

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon