Nang makaalis si Ibarra, lumapit si Lizzie sa ref at kinuha ang picture na nakadikit doon. Si Ibarra at ang mama nito sa Disneyland.
"Madalas ka pa ring kinukumusta ni mama sa 'kin."
Nilingon niya si Ibarra. Hawak na nito ang librong sinasabi nito. Hardbound iyon.
Lumapit ito sa kanya. "Kumusta na siya?"
"Nasa Israel ngayon, pilgrimage daw."
Nanlaki ang mga mata niya. "That's nice," aniya. "I-hi mo ako sa kanya ha?"
"Sure," anito. Iniabot nito ang libro sa kanya.
"S-salamat," aniya. Sa pag-abot niya sa libro, hindi sinasadyang magkadaiti ang mga daliri nila. Napalunok siya. Ganoon na lang ang gulat niya nang gagapin nito ang kamay niya.
"I was in New York that day, Lizzie."
Nag-angat siya ng tingin.
"Noong tanggapin n'yo 'yong award n'yo sa New York Film Festival, I was there."
Natatandaan niya ang sinasabi nito. Anim na taon na ang nakakaraan, nanalo ng prestihyosong award ang documentary nila na Tag-Ulan sa Tag-araw. Tungkol iyon sa climate change. "Paano mo nalamang nandoon ako?"
"Kapag ganoon kaimportanteng bagay, iniri-report sa 'kin ni Kleggy."
"Nakita mo ako?"
Tumango ito. Ngumiti. But it was a wistful smile. "In-stalk pa kita."
Nanlaki ang mga mata niya. "Bakit 'di mo ako nilapitan?"
"Magka-holding hands kayo ni Leon Principe, eh,"
Napailing siya. Hindi doon nagsimula ang relasyon nila ni Leon. Naging matalik lang silang magkaibigan hanggang tuluyan silang madala sa tuksuhan tatlong taon na ang nakakaran. A relationship that lasted for two years. It was a smooth-sailing relationship. Masaya naman sila. He asked her to marry him. Humindi siya dahil katuwiran niya ay marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya.
Naging malaking palaisipan sa kanya kung bakit humindi siya. Samantalang noon, ni hindi siya nag-isip nang sumama siya kay Ibarra. Lahat noon ay tinalikuran niya. That was when she realized that she and Leon were not meant to be together. Hindi ito ang katuparan ng mga pangarap niya. Hindi niya kayang ibigay kay Leon ang lahat-lahat niya. They called it quits. At mula noon, hindi na siya nakipag-relasyon. Isa pa, masyado na siyang naging busy.
Nag-angat siya ng tingin, nagtama ang mga mata nila ni Ibarra. "Paano kung hindi pinakialaman ni Adele 'yong phone ko. Eh, 'di noon sana okay na agad tayo?"
Natigilan siya. And all along she thought that he had not been paying attention. Tumikhim siya. "Pero posible ding nagkahiwalay din tayo sa mga sumunod na mga taon," aniya. "Malamang nagrereklamo na ako na hindi mo sinasagot ang tawag ko o nakalimutan mong birthday ko. Kapag busy ka kasi noon nakakalimutan mo ang oras. Ang brat ko pa naman no'n."
Ngumiti ito. "Yeah, gorgeous brat," anito. "Pero kung hindi siguro tayo naghiwalay noon, lima na ang anak natin ngayon."
"OA ang lima," aniya.
Tumawa ito. "At the rate we were going then, hindi imposible ang five kids after nine years."
Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya sa sinabi nitong iyon. "I-I have to go, Ibarra," aniya. Ramdam niya ang pangangalog ng tuhod niya.
Tumango ito ngunit hindi nito binitawan ang kamay niya. Napasinghap siya nang maramdaman ang banayad na paghaplos nito sa palapulsuhan niya. She was once again transported back in time. Nabitawan niya ang libro ngunit hindi siya nag-abalang pulutin iyon.
Hinawakan nito ang baba niya. "Hindi totoo na napadaan lang ako sa birthday ni Kleggy, Lizzie," anito.
"Akala ko may team building kayo and-"
"Hindi totoo 'yon," ulit nito. "I knew you'd be there kaya nagpunta talaga ako," anito bago bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Lumunok ito. Ilang sandaling tila mataman nitong pinag-iisipan kung ano ang gagawin bago ito yumuko.
Sa sandaling dumampi ang mga labi nito sa mga labi niya, napapikit na siya. The way his lips brushed against hers was reminding her of the sweet memories of the past that she tried so hard to forget.
"God, I've missed you," bulong ni Ibarra sa pagitan ng mga labi nila.
Hindi na niya napigilan ang paglandas ng luha sa pisngi niya nang marinig ang sinabi nito.
Bahagya nitong inilayo ang mukha nito. Tinitigan siya. "Bakit ka umiiyak?" masuyong tanong nito. Pinunas nito sa pamamagitan ng daliri nito ang mga luha niya.
Suminghot siya. "Because I've missed you, too, Ibarra."
Sinapo nito ang pisngi niya. Hinaplos iyon bago muling yumuko at muli siyang hinalikan. Mas mapangahas, mas mapaghanap. Pakiramdam niya ay sinilaban na ang buong pagkatao niya. Mahigpit na napakapit siya sa gilid ng dining table. Nang lumalim pa ang halik, yumakap na siya sa batok nito.
Humawak siya sa balikat nito nang maramdaman niyang gumapang ang mga labi nito pababa sa leeg niya. She tilted her head to give him better access. Pero tila wala itong balak na magtagal doon. And she knew were the next stop would be. Hindi mahirap hulaan iyon. Kinakalas na kasi nito ang butones ng blouse niya.
qc":
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...