Chapter 7a

6.2K 174 0
                                    

NAPANGITI si Lizzie nang makita si Ibarra na tutok ang lahat ng atensyon sa nire-review. Ni hindi nito namalayan ang pagdating niya dahil, nakalagay ang earphones nito.

Ibinaba niya ang bag niya at inilapag iyon sa kama nito. Lumapit siya at yumakap sa leeg nito sabay halik sa pisngi nito.

Agad naman itong bumaling sa kanya at nangingiting hinila siya paupo sa kandungan nito. He kissed her lightly, on the lips. "Hi, babe," anito. Medyo malakas.

Tinanggal niya ang earphones nito. "May work na ako!"

Nanlaki ang mga mata nito. "Talaga? Tanggap ka na sa SFBN?" Alam nitong sa lahat ng in-apply-an niya ay sa SFBN siya pinaka-excited. Ang SFBN pinakabagong broadcasting company sa bansa pero sumasabay na iyon sa popularidad ng mas malalaking mga network.

"Yep. Start na daw ako sa Monday."

"Sabi sa 'yo kayang-kaya mo 'yan, eh. Ikaw lang 'tong nagdududa sa kakayahan mo,"

"Kaso production assistant lang naman 'yong work ko."

"Siyempre sa simula lang 'yan."

"Paano kung pagtimplahin nila ako nang pagtimplahin ng kape?"

Tila nag-isip ito. "Isipin mo lang na in a few months kapag maayos mong ginawa ang trabaho mo, mas okay na ang ibigay na work sa 'yo," anito kapagkuwan.

Nagkibit siya ng balikat.

"Teka, bakit nga pala 'di mo man lang ako naisipang i-text?"

"Alam kong busy ka." Habang nagereview ito para sa board exam sa August ay pumapasok na rin ito bilang researcher sa planta ng Boeyens and Hertzberger Steel.

Sumimangot ito. "Kailan naman ako naging busy para sa 'yo?"

Hinalikan niya ang pisngi nito. "Tara, kain tayo sa labas. Celebrate tayo sa new work ko," aniya.

Tiningnan nito ang relo nito. "Okay," anito. Tumayo. "Magbibihis lang ako."

Umupo siya sa kama nito habang humihila ito ng bihisan mula sa cabinet. "Hindi ka ba masyadong mahihirapan? Iba 'yong pressure na dala ng board exam," aniya. Tumayo siya at nilapitan ang naka-frame na picture nila habang nakasuot ng Sablay.

Ilang buwan na ang nakakaaraan mula nang gum-raduate sila. Siya ang nakasuot sa medal ni Ibarra bilang cum laude.

"Then what do you suggest we do?"

"I work, you go to review classes."

Sumimangot si Ibarra. "Para ka namang sugar mommy ko n'yan?"

Tiningnan niya ito nang masama. "'Yong sugar mommy, may hinihinging kapalit sa boy toy niya," aniya. "Wala naman akong hihingin sa 'yo. Kiss lang every now and then."

Tiningnan siya nito nang masama. "Huwag ka ngang masyadong sumasama d'yan kay Kleggy," anito. "Kung anu-ano ang natututunan mo. Okay lang kung ako lang ang makakarinig. Paano 'pag nasa inyo ka at marinig ka ng mommy mo?"

Sumimangot siya. "Ayan ka na naman, seryoso ka na naman," aniya. Tumayo siya.

"O 'san ka pupunta?"

"Maghahanap ng kausap," aniya. "'Yong may sense of humor."

Hinila nito ang braso niya. "Halika nga dito."

Mas pinag-igi pa niya ang pagsimangot pero nagpahila naman siya. Mahigpit siya nitong niyakap.

"Tampo ka naman agad," anito. "Joke lang 'yon."

"Parang hindi naman," aniya.

"O sige na, sorry na. Hindi na mauulit." He nuzzled her neck kasabay niyon ay ang pagtaas-baba ng kamay nito sa tagiliran niya.

Napapikit siya. "Babe?"

"Uhm?" He was now planting soft kisses on her neck.

Tumikhim siya. Nahihirapan siyang mag-concentrate sa sasabihin. "K-kung magpa-deliver na lang kaya tayo para hindi na tayo mapagod na lumabas?"

Mabilis pa sa alas-kuwatrong tumigil ito sa paghalik sa leeg niya. "Ayoko ng fastfood," anito bago hinawakan ang kamay niya at hinila na siya. "Tara na."


Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon