"YOU'RE crazy!"
Sabay pa napangiwi si Lizzie at Gelai sa sinabing iyon ni Neve. Sa galit nitong iyon malamang ay hindi na nito ibibigay sa kanila ang pasalubong nito sa kanila. Iyon ay kung binilhan pa sila nito ng pasalubong. Minsan kasing nag-chat ang dalawa ay nadulas si Gelai at nasabi ang tungkol kay Ibarra.
"Calm down, Neve," alo niya dito. "Alam ko ang ginagawa ko."
Pinandilatan siya nito. "Oo, kagagahan!"
"Kailangan din naman ni Lizzie ng stress-reliever. Look at her! She's glowing." sabad ni Gelai.
"Binuyo mo pa kasi," sisi dito ni Neve.
"Kesa naman makipag-one night stand 'yan kung kani-kanino."
"Yon na nga, eh! Gagawa na lang ng milagro sa ex pa!"
Tumayo siya. Kumaway malapit sa mukha ng dalawa. "Hello, people, nandito ako. Baka puwedeng mamaya n'yo na ako pag-tsismisan pag-alis ko?"
Muli siyang hinarap ni Neve. "At saan ka na naman pupunta after? Sa bahay ng lalaki mo?"
"Sa studio," aniya. Totoo naman iyon.
Lumabi ito. "Maniwala ako."
Ipinilig niya ang ulo niya. Hinila niya ito at pinaupo. "Neve, let me explain, okay?" aniya. Hindi ito sumagot pero tiningnan siya. "Alam ko na nag-aalala ka, pero I'm perfectly fine. This thing that's going on between me and Ibarra, it's nothing serious. No strings attached kaya walang expectations. Walang masasaktan kung ano man ang ending."
Nagbuga ito ng hangin. Umiling. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Lizzie? Alam nating lahat kung gaano mo kamahal si Ibarra no'n. At ngayon sasabihin mo sa 'min na hindi kayo-"
Hindi naituloy ni Neve ang sasabihin nito. Hinilot nito ang noo nito. Lumunok.
"Okay ka lang?" tanong niya. Hinawakan niya ang kamay nito. Nanlalamig iyon.
Umiling ito. "Jet lag lang siguro," anito. Dahan-dahan itong tumayo. Napatayo siya dahil akala niya at matutumba ito nang bahagya itong bumuway. "Magpapahinga muna ako. Hindi pa tayo tapos."
Nang makapasok ito sa kuwarto nito, umupo sa tabin iya si Gelai. "Are you sure you're up to it?"
Tinaasan niya ng kilay si Gelai. "Pati ba naman ikaw?"
Humugot ito ng malalim na hininga. "Nag-aalala din kasi ako sa 'yo, Lizzie. After all, this is Ibarra we're talking about."
Nginitian niya ito. "Okay lang ako. Kaya ko. We don't even talk about our feelings."
"Hindi dahil hindi n'yo pinag-uusapan ibig nang sabihin, eh, wala."
"Hindi na kami love junkies, Gelai."
Tinapik-tapik nito ang braso niya. "Basta 'pag may problema ka, tawagan mo lang ako ha?"
Nginitian niya ito para mabawasan ang pag-aalala nito.
***More pa?
*Please support my newly printed book first hahaaha:
SOMETHING OLD, SOMETHING NEW ✨
by Celine
Contemporary Feel Good Romance
260 pages
5.25 x 8
Cream paper
Matte laminate cover
PhP550 per copy plus shipping feeTo order, send me a message with the following info:
Book title
number of copies
Your locationFor example:
Something Old, Something New
1 copy
Pasig CityWe ship via JRS (door to door) every Wednesday.
Mode of payment is via Gcash.Thank you and we hope to hear from you soon! 💖
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomansaAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...