"CONTROL freak!" wika ni Lizzie sabay tampal sa balikat ni Ibarra na nakasubsob pa rin sa balikat niya.
He groaned. Nag-angat ito ng mukha. "But it's worth it, right?"
Lumabi siya. She was not about to admit that he had just brought her to unimaginable heights. "Yabang," aniya.
Natatawang humiga ito sa tabi niya bago siya hinila. "Baka kasi sabihin mong tumatanda na ako at mahina na ang tuhod," anito. Hinalikan nito ang buhok niya habang yakap-yakap siya nito.
She could not help but smile at that. Umisod siya para makaunan siya sa balikat nito. Everything felt surreal. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya na posibleng mangyari pa ang ganito sa pagitan nila.
"Ano'ng iniisip mo?"
Tiningnan niya ito. "'Yong nangyari, Ibarra... I mean..." Tumikhim siya. Wala kasi siyang maisip na idugtong doon.
"Nagsisisi ka ba?"
Umiling siya. Tiningala niya ito. "No."
Hinawakan nito ang baba niya. Inangat iyon kaya muling nagtama ang mga mata nila. "It happened because we're still attracted to each other."
"Given naman 'yon," aniya. "Pero hindi kaya... I mean... We both know there's such as a thing as lust."
Tiningnan siya nito. "And I don't think it's that bad to start from there, anyway."
"I'm not sure. Kasama 'yon sa seven deadly sins, eh."
"I meant the attraction."
"Oh," aniya. "So you're suggesting we just go with the flow? Habang nandito ka?" She must not forget that he would be leaving soon. Kung sakali man na hindi one-night stand ang nangyari sa kanila ngayon, hindi rin iyon pangmatagalan.
Tinitigan siya nito. "Ikaw, ano ba ang gusto mo?" masuyong tanong nito.
Ang totoo, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot. Hindi madaling mag-isip habang nakayapos ito sa kanya. Not that it would be easy for her to enumerate everything she had ever wanted. Baka matapos na ang three weeks ay hindi pa niya nasasabi lahat ng mga iyon. "Shower," aniya
"Shower," tila hindi makapaniwalang ulit nito sa sinabi niya. Hindi niya ito masisisi. Medyo seryoso ang usapan nila pero hindi importanteng bagay ang isinagot niya.
Tumango siya. "Yes, I really wanna take a shower."
"Then shower it is," anito. Bumangon.
"Saan ka pupunta?"
"We go take a shower."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Mauna ako."
"Sabay na tayo," anito na hinila siya. "And then later you can show me what you've got." Kumindat pa ito.
Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Pinalo niya ito ng unan pero nagpahila siya.
***More pa?
*Please support my newly printed book first hahaaha:
SOMETHING OLD, SOMETHING NEW ✨
by Celine
Contemporary Feel Good Romance
260 pages
5.25 x 8
Cream paper
Matte laminate cover
PhP550 per copy plus shipping feeTo order, send me a message with the following info:
Book title
number of copies
Your locationFor example:
Something Old, Something New
1 copy
Pasig CityWe ship via JRS (door to door) every Wednesday.
Mode of payment is via Gcash.Thank you and we hope to hear from you soon! 💖
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...