HINILA ni Lizzie ang bag niya mula sa luggage conveyor bago mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang exit ng NAIA Terminal Three. Tuluyan na sana siyang lalabas ng pintuan nang mamataan niya ang isang grupo na may hawak-hawak na tarpaulin. And what was written stopped her on her tracks.
WILL YOU MARRY ME, ELIZABETH?
Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya. Ni hindi na niya namalayang nabitawan na niya ang hawakan ng luggage niya. Nalaman na lang niya na ganoon ang nangyari nang bumagsak iyon sa tabi niya.
Natutop niya ang bibig niya. Naramdaman na rin niyang nag-uunahang mamalisbis ng mga luha niya.
Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Ganoon kalaki ang pagmamahal ni Ibarra sa kanya na pinatulan nito ang kabaduyan kagaya ng pagpo-propose sa airport?
But where was Ibarra? May isang lalaking nakasuot ng puting long sleeves at bowtie ang may hawak ng malaking bouquet ng pagkapupulang mga rosas. Marahil ay empleyado ng flower shop.
Naglakad siya palapit sa mga may hawak na tarpaulin. Nakangiti ang mga ito sa kanya. But there was something funny about the way they were looking at her. Parang lumalampas sa kanya ang tingin ng mga ito. O baka dahil lang hilam sa luha ang mga mata niya? Nang mga sampung metro na lang ang marahil ang layo niya sa mga ito, may narinig siyang tumili.
Tumigil siya sa paglakad at lumingon siya para tingnan kung sino iyon. Nakita niya ang isang babaeng tumatakbo. Nilampasan siya nito at habang nagpapalakpakan ang mga tao ay yumakap ito sa empleyado ng flower shop. Hinalikan pa nito iyon.
That was when she realized that the man was not a flowershop employee and that the proposal was not for her.
"Ang sweet 'no?"
Nilingon niya ang nagsalita. Isa iyon sa mga PA. Pinunas niya ang luha niya. "Oo nga, eh. Naiyak pa ako."
"Ako rin. Kainggit!"
Habang pinapanood ng maraming tao ang nagyayari, tahimik na niyang binaybay ang daan papunta sa nakaparadang sundo nila.
Kabaliwan ang umasa pa siya na magpu-propose sa kanya si Ibarra. Hindi magpo-propose si Ibarra sa kanya sa airport. Hindi ito magpo-propose kahit kailan. Aalis na ito.
Nang makasakay na ang lahat ay sinabi niya sa driver na ihatid na lang siya sa condo niya.
Nasa EDSA Guadalupe na sila nang mapatingin siya sa headquarters ng MMDA. Napangiti siya nang muling maalala ang engkuwentro niya noon sa isang MMDA officer, ngiting agad ding napalis dahil kasunod niyon ay tila narinig niya ang nangungutyang tawa ni Adele.
Napailing siya. Kung sabagay, hindi naman siguro niya habambuhay na maia-associate kay Adele ang MMDA. Sariwa pa lang siguro sa utak niya ang napag-usapan nila noon ni Ibarra tungkol sa pakialamerang iyon.
And it was no longer important. Tapos na sa kanila ni Ibarra ang lahat. Hindi sila para sa isa't-isa.
Sa mga susunod na mga linggo, kapag siya na ang nasa Balitang Alas-sais, mas marami na ang makakakilala sa kanya. Katuparan na iyon ng mga pangarap niya. Iyon nga lang, hindi siya sigurado kung magiging masaya siya. Masyado na kasing mataas ang na-set niyang bar ng kasiyahan ngayon. At nangyari iyon habang nasa sa piling ni Ibarra.
Sa isiping iyon ay natigilan siya. Kanina pa naman kasi ay alam na niya na sa piling lang nito siya magiging masaya. Hindi naman magiging ganoon ang reaksyon niya sa airport kung hindi niya talaga mahal si Ibarra. At kapag hindi pa siya kumilos, baka hindi na niya mabawi ito. Masosolo na ito ni Adele araw-araw. Kay Adele na ang huling halakhak.
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...