"D'YAN na lang sa tabi, manong," wika ni Lizzie sa taxi driver nang makita ang ipininturang twenty-three A sa gate ng isang apartment, iyon ang bahay ng groupmate niyang si Kleggy.
Agad siyang bumaba. Dito ang napagkaisahan nila ng mga groupmate niya na venue ng brainstorming nila. Hindi rin naman kasi iyon kalayuan mula sa tinitirhan niyang Santa Isabel Dormitory na pinamamahalaan ng mga madre kaya agad siyang pumayag.
Blocmate niya noon ni Kleggy kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang makita niya ito sa kinuha niyang Panitikang Pilipino 12. Naubusan daw kasi ito ng slot sa in-demand na Panitikang Pilipino 19, na ang course description ay Seksuwalidad, Kasarian at Panitikan, kaya nagtagpo sila sa Pan Pil12.
At dahil pa-bibo si Kleggy, short film na Biag ni Lam-ang ang i-v-in-olunteer nito na gagawin nila. Siguradong maganda ang kalalabasan ng project nila dahil gusto nito ay laging pulido ang gawa. Pero sa kabilang banda, malamang malaki ang kakaining oras ng pakikipag-group meeting niya sa mga ito dahil doon.
Bukas ang kalawanging gate na mukhang green noon ang original na color, kaya pumasok na lang siya at kumatok sa pintuan. "Kleggy?"
Sumilip siya sa bintana ngunit wala siyang maaninag. Muli siyang kumatok. Nilakasan na rin niya nang bahagya ang boses niya sa pagtawag kay Kleggy.
Nakahinga siya nang maluwag nang marinig niya ang tila kaluskos ng tsinelas palapit sa pintuan.
"Kanina pa sabi may kumakatok hindi mo tinitingnan," narinig niyang wika ng isang boses lalaki mula sa loob. Isa marahil sa mga housemate ni Kleggy iyon.
Bumukas ang pinto at kasabay niyon ay napanganga siya. Hubad na dibdib ng lalaking nagbukas ng pintuan ang tumambad sa mga mata niya. Bagong paligo marahil ito dahil kinukuskos nito ng tuwalya ang ulo.
Inaamin niya, naiilang siya.
Kung ito ang sinasabi ni Kleggy na housemate nito na puwedeng gumanap na Lam-ang, malamang babagsak sila. Payat ang lalaki pero may beer belly. "H-hi!" atubiling bati niya sa lalaking hubad-baro.
Natigilan ang lalaki. Ibinaba ang tuwalya. "H-hi!" pakli rin nito. Isinampay nito ang tuwalya sa balikat nito kaya nakahinga siya nang matakpan ang mamasa-masa pang dibdib nito.
Tumikhim siya. "I-I'm looking for Kleggy. Classmates kami.
"Ah, nagmi-make-up pa siguro ang bakla. Pasok ka," wika ng lalaki. Hinila nito ang isang monobloc chair. "Upo ka muna."
"Thanks."
Lumapit ito sa pintuan ng kuwarto at kinatok iyon. "Bilisan mo, Rogelio!"
Napangiti siya sa pagtawag nito kay Kleggy sa totoo nitong pangalan. Rogelio Abaratique, Jr. ang totoong pangalan nito.
"Pasensya ka na sa kabagalan ni Kleggy, miss..." tiningnan siya nito.
"Lizzie," aniya na iniabot ang kamay niya dito.
Ngumiti ito bago inabot ang nakalahad na kamay niya. "Nice meeting you, Lizzie. I'm Ernie."
Nang mabanggit nito ang pangalan nito ay bumukas ang pinto ng isa sa dalawang magkatapat na kuwarto. "Ang aga mo, girl!" patiling wika ni Kleggy nang makita siya.
Napangiti siya. Kahit noon pa man, matinis na talaga itong tumili.
NAPAKUNOT ng noo si Ibarra nang makitang bukas pa ang ilaw sa sala gayong wala siyang nauulinigang ingay. Imposible namang tulog na sina Kleggy at Ernie dahil wala pang alas-diyes. Isinuksok niya ang susi sa doorknob bago iyon pinihit.
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomantikAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
