Chapter 13b

6.3K 149 2
                                    

"ANO ba kasi ang ine-expect mo, Lizzie? Super broken-hearted kaya 'yong tao no'n! Mabuti nga pinansin ka pa, eh."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga sa sinabing iyon ni Gelai. It was their weekly lunch date. At siyempre pa, ikinuwento niya dito ang nangyari sa kasal ni Kleggy. "Ibig mong sabihin hindi pa siya nakapag-move-on? Galit pa rin sa 'kin Ang tagal na kaya!"

Ibinaba ni Gelai ang hawak nitong baso. "No, Lizzie. On the contraty, nakapag-move-on na siya kaya hindi na siya apektado sa presence mo."

Natigilan siya. Posible nga naman. Kaya kung tratuhin na lang siya nito ngayon ay tila wala silang malalim na pinagsamahan. Tuluyan na nitong kinalimutan ang lahat.

"So, guwapo pa rin?"

Tumingin siya kay Gelai. "Si Ibarra?"

Pinaikot nito ang mga mata nito. "Hindi, ang waiter!" anito bago muling kinuha ang malaking baso ng mango juice nito.

Biglang may tumayong waiter sa may tabi niya. "Mago-order na po kayo ng dessert ma'am?"

Natatawang inabot ni Gelai ang menu mula dito.

"Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan?"

Sumimangot ito. "Sagutin mo na lang kasi!"

"Mas."

"OMG!" pigil ang tili na wika ni Gelai. "So, ano'ng naramdaman mo?"

"'Yong totoo?"

"Bakit ba parang hiyang-hiya ka? Huhusgahan ba kita? Kahit nga sabihin mo sa akin na muntik nang mahulog ang panty mo hindi ako tatawa, eh," anito. "Bilis na. Kinilig ka?"

Nagbaba siya ng tingin sa menu dahil ramdam na ramdam niyang nag-iinit na ang pisngi niya. "Ipokrita naman ako 'pag sinabi kong hindi. And I don't think that's normal. It's been nine years at kinikilig pa rin ako?"

"Lizzie, Lizzie..." anito. Tinapik-tapik nito ang braso niya. "Understandable naman na kiligin ka. After all, alam na alam mo kung gaano siya kasarap yumakap."

Tiningnan niya ito ng masama. "Gelai!" aniya bago nae-eskandalong napatingin sa waiter pero tila wala naman itong narinig.

Lumabi si Gelai. "Buti nga yakap lang ang sinabi ko, eh," anito. Tiningnan nito ang waiter. "Puwedeng magtanong?"

"Ano po 'yon, ma'am?"

"Kunyari may ex-girlfriend ka, tapos after nine years makita mo ang ex-girlfriend mo-"

"Gelai!" saway niya.

"Relax, Lizzie," anito bago muling bumaling sa waiter. "Itong friend ko kasi, may ginagawang kuwento. Tungkol sa love is lovelier the second time around. Gusto naming malaman ang opinion ng madla. Halimbawa nagkita kayo uli ng ex-girlfriend mo, ano sa tingin mo ang mararamdaman mo?"

Ipinilig ng waiter ang ulo, tila nag-isip. "Siyempre ma'am, maaalala ko 'yong happy moments namin. Lalo na kung mahal na mahal ko."

"Kikiligin ka?"

"Sigurado 'yan, ma'am."

"Salamat," wika ni Gelai na inabot na ang menu. "See, Lizzie. You have nothing to worry. That's a normal reaction," wika sa kanya ni Gelai. Inabot nito ang baso ng mango juice nito.

"'You think?" tanong niya.

Tumango ito bago muling ibinaba ang baso. "You used to love him so much. Matagal mo nang hindi nakikita. It is but natural that happy memories would flood your thoughts."

"Eh, ba't siya parang hindi affected?"

Sumimangot si Gelai. Iwinasiwas pa nito ang kamay nito sa harap niya. "Para namang 'di mo alam na kakaiba talaga ang taong 'yon."

Kung sabagay, mas mahirap pang ispelingin si Ibarra kaysa sa kanya. Binuklat niya ang menu at nanlaki ang mata niya sa nakita. "You've got to be kidding me," bulalas niya.

"Bakit?" tanong ni Gelai.

Iniabot niya dito ang menu sabay turo sa nabasa niya.

Humalakhak si Gelai. "If this is not fate, then I don't know what it is."

Hindi niya inaasahan ang makikita niya sa dessert. Wala namang epekto sa kanya ang Brazo ni Dona Vicki, Sisa's Dementia at Maria Clara's Velvety White Cheesecake. Pero nang makita niya ang Ibarra's Kiss, naramdaman niya ang biglang pag-init ng mukha niya.

Ibarra's Kiss!

"Sa pangalan pa lang, parang ang tamis-tamis na. Parang nangangako ng sanlibo't-isang kaligayahan, 'no?" wika nito sa waiter na ngumiti lang.

"I would like to have Sisa's Dementia, please," aniya sa waiter na ikinahalakhak ni Gelai.

"Ako, Ibarra's kiss," wika pa nito sabay tingin sa kanya.

Tiningnan niya ito nang masama bago ibinagsak ang likod sa upuan. "I think I'm just being nostalgic," aniya. Nagkibit siya ng balikat. "Pagkatapos kong mailabas sa 'yo lahat ngayon ang kilig na nararamdaman ko, wala na 'to," aniya. Kung anuman ang nangyari kagabi, tapos na iyon.

Sa nakalipas na mga taon, ni minsan ay hindi nag-krus ang landas nila ni Ibarra. Ni hindi niya inaasahan na muli pa niya itong makikita. Ni hindi nga niya alam na nasa Pilipinas na ito. Matagal na siyang walang balita dito.

Pasimple naman siyang nagtatanung-tanong noon kina Kleggy ng tungkol dito, pero walang masabi ang mga ito. Kung sabagay, hindi ang tipo ni Ibarra ang magkukuwento ng buhay nito sa mga kaibigan. At sa muling pagkikita nila, naiinis siya dahil natataranta siya kahit hindi naman siya dapat mataranta. Ibarra was just a ghost from her past. Hindi na siya dapat maapektuhan sa presensya nito.

"What if you see him again?"

Umiling siya. "Imposible 'yan, Gelai. Important occasion lang 'yon kaya nandoon siya."

"O, hindi ba importanteng okasyon din ang birthday ni Kleggy?"

Umiling siya "Sigurado ako, hindi pupunta 'yon. Seven-eight times nang nag-celebrate si Kleggy ng birthday mula nang maghiwalay kami, ni minsan hindi siya sumipot."

Muli na lang uli sigurong magku-krus ang landas nila ni Ibarra after ten years. At sa panahon sigurong iyon, tig-dalawa na sila ng anak.

qR=

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon