Chapter 11c

5.7K 142 0
                                    

"YOU'VE got nothing to worry about, Ibarra. I'm sure Mr. Boeyens will do everything in his power to give that job to you."

Sinulyapan ni Ibarra si Adele na kaharap niya sa Stadskasteel Oudaen, isang lumang kastilyong ipinatayo noong thirteenth century na ngayon ay isa nang bar and restaurant.

"You think so?"

"Yes!" walang kagatul-gatol na wika nito. Namilog pa ang mga mata nitong matingkad na asul ang kulay.

Kung sabagay, naniniwala siya na naging maayos ang meeting niya kahapon sa Board. But there was still the possibility that Dom could get it. Nagbuga siya ng hangin. Sumasakit ang ulo niya sa isiping iyon. Kailangan niya munang tanggalin iyon sa utak niya.

Itinungga niya ang hawak na Oudaen white beer. Galing ang beer na iyon sa sariling brewery ng Stadskasteel. "This one's really great," aniya bago nagpasalamat kay Adele sa matiyagang pagsama nito sa kanya sa paglilibot niya sa siyudad.

"You would also do the same for me when I visit Manila, right? I've read somewhere that there's this nice beach called Boracay. You'll take me there, right?"

"Sure," aniya. "I've never been there, though."

Kumunot ang noo nito. "Why?"

"That's a plane ride from Manila," aniya. "I don't have the time to take vacations."

"As if I didn't know that," anito. "You were always this guy who was always busy at school and work."

Tumawa siya. Hindi naman niya itatanggi na totoo ang sinasabi nito. And all the hardwork was finally paying-off. Muli niyang itinungga ang beer.

"I missed you, Ibarra," ani Adele. Yumakap pa ito sa braso niya. "Why don't you just stay in my flat tonight?"

Patay-malisyang tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa braso niya bago niya ito sinulyapan.

Hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata nito.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon