Chapter 7b

6.1K 181 5
                                    

"WE should do this often," wika kay Ibarra ni Lizzie sabay yakap sa braso niya. Nasa isang bar sila dahil birthday ni Lizzie. Ang totoo, sa isang linggo pa ang birthday nito pero isine-celebrate na nila kasama sina Kleggy. Board Exams na kasi niya next week.

"Gustuhin ko man, hindi naman puwede," aniya sabay halik sa sentido ni Lizzie. "Naiintindihan mo naman 'di ba?"

Tiningala siya nito. Ipinatong nito ang kamay nito sa hita niya. "Oo naman," anito na ngumiti.

Napalunok si Ibarra nang maramdaman niyang tila wala sa loob na tini-trace ng daliri nito ang tahi ng jeans niya. Hinawakan niya ang kamay nito at pinagsalikop ang mga daliri nila bago dinala iyon sa mga labi niya.

"Ready ka na ba for next week?" tanong nito.

"Kinakabahan na nga ako, eh," amin niya. Kung mayroon mang makakaintindi ng lahat ng takot niya, si Lizzie iyon. Puwede niyang sabihin dito ang lahat ng iniisip niya. Nang magdesisyon siyang mahalin ito, nagdesisyon na rin siyang isama ito sa lahat ng bagay tungkol sa buhay niya. Kasama na ito sa lahat ng pangarap niya.

"Kaya mo 'yon," anito. "Ikaw pa!"

"'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh, may sampalataya ka sa 'kin," aniya.

"Guwapo ka kasi. Kung nagkataong pangit ka, nunca na maniniwala ako sa kakayahan mo."

Bahagya niyang inilayo ang mukha niya dito. "Ganoon?"

"Oo," anito. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya.

"Puwede naman sigurong makipag-usap din kayo sa friends n'yo minsan 'di ba?"

Si Kleggy ang nagsalitang iyon.

"Ano pa ang nirereklamo mo, Kleggy? Nanlibre na nga ako 'di ba?" ani Lizzie.

Lumabi si Kleggy. "Kaso nga kayong dalawa lang ang nag-uusap."

"Hayaan mo na sila, Kleggy, ganyan talaga ang mga umiibig." wika naman ni John. Mula nang matapos ang group project nila ay napadalas na rin ang pagsama-sama nito sa kanila hanggang tuluyan na nila itong maging kaibigan. "Dati pa naman nananalig na talaga ako na magiging sila, eh."

"Bakit mo naman nasabi?" wika naman ni Kleggy. "Eh, ni hindi nga nag-uusap masyado 'yang mga 'yan? Hindi nga ako makapaniwala na sila na. Kung paano naging sila! Kaso ayaw magkuwento."

Hindi naman talaga sila nagbigay ng detalye. Basta sinabi na lang nila na sila na, at hindi na sila tumanggap ng mga tanong.

"Eh kasi naman, hindi n'yo nakita ang nakita ko no'n sa rearview mirror! Noong galing tayo ng San Pablo?"

Nanlaki ang mga mata ni Lizzie. "Oy, oy, oy, John, kung ano-ano ang sinasabi mo d'yan ha! Walang ganoon"

Natawa siya sa reaksyon ni Lizzie.

Siniko siya nito. "Huwag kang tumawa. Tayo ang pinagtsi-tsismisan."

"Wala naman tayong ginawa 'di ba?"

"Kahit na!" wika nito.

"Bilis, John. 'Kuwento mo na! Nag-kiss?" tili ni Kleggy. "Torrid?"

Binato ni Lizzie ng mani si Kleggy.

Nagpakawala ng malalim na hininga si John. "I would have to admit, sweet 'yong nakita ko pero na-disappoint ako. Imagine, buhok lang ni Lizzie ang nakayang halikan! Mahina!"

"Tigilan n'yo na kami ha?" banta ni Lizzie.

Ngunit tila hindi ito narinig ni Kleggy. "Talaga?" wika uli nito bago bumaling sa kanya. "Ganoon ka kahina, Ibarra?"

Binato rin ito niya ito ng mani.

Ipinilig ni Kleggy ang ulo. "Pero feeling ko, John, hindi mo lang na-timing-an," anito. "Magaling sa math si Ibarra. Na-calculate 'yong dalas ng tingin mo sa rearview mirror."

Nanlaki ang mga mata ni John. "Ay, why not!" impit din ang tili na wika nito. Nag-apir ang dalawa.

Umiling siya. "Pinagpi-piyestahahn na tayo," aniya kay Lizzie bago tumingin sa relo niya. "May pasok ka pa bukas, mauna na tayo."

"Sige," anito na kinalabit si Kleggy at nagpaalam na.

Lumabi si Kleggy. "Sa lahat ng birthday celebrant ikaw itong nang-iiwan ng guests. Niyayaya ka na namang umuwi n'yan, Lizzie?" anito na inginuso pa siya. 'Di ba usapan na natin na lilipat pa tayo ng bar?"

"May pasok pa ako bukas," ani Lizzie na tumayo na. "Bye, friends."

Ilang sandali pa ay nasa harap na sila ng apartment ng mga ito.

"'Coffee ka muna," wika ni Lizzie nang sinususian na nito ang pintuan.

Umiling siya. "Hindi masarap ang kape n'yo."

Sumimangot ito. "Why am I getting this feeling na natatakot ka sa 'kin?"

"Bakit naman ako matatakot sa 'yo?"

Sumimangot ito. "Eh, bakit ayaw mong pumasok?"

Kinamot niya ang kilay niya. "'Di ba nga may tatapusin pa akong report? Tapos kailangan mo nang matulog. Lalaki eyebags mo, sige ka."

"Kaya nga may concealer, eh," katuwiran nito.

"Pumasok ka na," aniya. "Aalis na ako."

Pumadyak ito pero hinila na niya ang pinto.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon