KUMUNOT ang noo ni Ibarra. Kung hiningi lang ni Kleggy noon ang opinyon niya, hindi siya papayag na si Luke ang maging Lam-ang ng mga ito. Mestiso ang lalaki. At ang mestisong Lam-ang ay nakikipagtawanan kay Lizzie habang nakatingin ang mga ito sa script.
"Gusto ko siya."
Hindi pa man siya lumilingon ay alam na niyang ang mama niya ang nagsalita sa likuran niya. "Pati ba naman ikaw, 'Ma, nagkaka-crush kay Lam-ang? Makikipag-agawan ka pa kina Kleggy." Sa sasakyan pa lang noon, nahahalata na niyang nagpapaligsahan sa atensyon ni Lam-ang ang mga kasama niya. At sobrang ikinainis niya iyon.
"Nakakatawa ka, anak," anito. "Si Lizzie ang sinasabi ko." Umupo ito sa tabi niya.
"Ah, kaya ba ikinuwento mo na ang love story n'yo ni Papa sa kanya?"
"Paano mo naman nalaman?"
"Hula ko lang," aniya. Nakita niya noong kakadating nila na namumula-mula pa ang mga mata ng mama niya habang kausap nito si Lizzie.
"Ganoon ba 'yon? Ibig sabihin gusto niya rin ako?"
"Pa'no n'yo naman nasabi?"
"Eh, kasi, nagkuwento din siya ng tungkol sa lovelife niya sa 'kin."
Ganoon na lang ang bilis ng pintig ng puso niya. "May lovelife- I mean, may boyfriend si Lizzie?"
Ngumiti ang mama niya bago siya siniko. "Uy, interesadong malaman..."
"'Ma, ikaw itong kuwento nang kuwento tungkol kay Lizzie. I'm just being polite kaya nagtatanong ako."
Lumabi ang mama niya. "Wala!" anito. "Wala siyang kinuwento. Pero kung wala man siyang boyfriend, hindi magtatagal may makakapansin sa mga magagandang katangian niya." Bahagya nitong inginuso ang kinaroroonan ni Lizzie at ni Lam-ang.
Ganoon na lang ang pagpigil niya sa sariling sundan na inginuso nito.
Madalas ay pinipigilan niya ang sariling tingnan si Lizzie. Sa klase nila noong nakaran, muntik na niyang mahigit ang hininga niya nang bumaling siya rito at nakita niya kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't-isa. He suddenly remembered how silky soft her arms felt. Ni hindi niya magawang tanggalin ang kamay niya sa braso nito noon. Mabuti na lang at hindi nito pinalis iyon. Kung hindi siya nagkakamali nabuo ang isang minuto bago niya nagawang tanggalin ang kamay niya sa braso nito.
Napatingin siya sa mama niya nang humawak ito sa balikat niya bago tumayo. "Don't be too hard on yourself, son," anito. "Bata ka pa. Take time to smell the flowers. Magpakasaya ka, gaya nila." Muli nitong tinapunan ng tingin si Lizzie at ang nagpapa-cute na si Lam-ang.
Hindi na niya napigilan ang sariling sundan ang tingin nito. Napasimangot siya nang makitang pantayin ni Lizzie, gamit ang kamay nito, ang make-up na ginamit sa katawan ni Lam-ang para magmukha itong kayumanggi.
NANGALUMBABA si Lizzie sa pasamano ng balkonahe pagkatapos niyang ilapag sa tabi niya ang cellphone niya.
Kakatapos lang nilang mag-usap ng daddy niya. Sinermunan siya nito. Ni hindi daw kasi siya nakakaalalang tumawag. Sana daw kung regular ang pagbabakasyon niya.
Nasa kalagitnaan ito ng panenermon nang tawagin ito ng isang tauhan sa farm. Ayon sa nauulinigan niya, may baka daw na na-trap sa barbed wire na nagsisilbing perimeter fence ng farm. At dahil hindi lang iyon basta ordinaryong baka, kundi isa daw iyon sa sampu na mga bagong dating galing New Zealand, ganoon na lang ang pagkataranta nito. Nakalimutan siya nito.
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...