Chapter 9b

5.6K 157 1
                                    

"DOES this man have any plans of... of making an honest woman out of you?"

Napalunok si Lizzie. Ramdam niya ang hirap ng kalooban ng daddy niya habang itinatanong nito iyon. "Dad..."

"Does he, Elizabeth?"

"W-we talk about it, dad," aniya. Totoo namang napag-uusapan din nila ni Ibarra ang tungkol sa kasal. Hindi pa nga lang siya direktang niyaya nito.

"Kung gano'n, bakit ayaw niyang humarap ngayon? Siguro dahil talagang niloloko ka lang ng lalaking 'yon!"

Hindi siya umimik. Yumuko na lang siya. Tutal, wala naman siyang masabing kakaiba. Kanina pa ubos ang mga inirarason niya sa mga magulang niya. Isang oras nang late si Ibarra. Galit ang daddy niya. She knew better than to answer back. Ni hindi ito nagpahalik sa kanya nang dumating siya sa lobby ng hotel kung saan naka-check-in ang mga ito.

Dahil sa nalaman ng mommy niya noong isang araw, bigla rin itong lumuwas. He demanded that they meet with them.

Nang sabihin niya kay Ibarra ang tungkol sa reaksyon ng mommy niya, sinabi nito sa kanya na dapat silang makipag-usap nang maayos sa mga magulang niya. Malinis daw ang intensyon nito sa kanya kaya haharapin daw nito ang mga magulang niya. Kaya kahit kinakabahan siya na iharap si Ibarra sa mga ito, pumayag siya.

Pero kung nasaan na ito ngayon, hindi niya alam. Pinindot niya ang cellphone number nito ngunit ni-reject nito. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone niya. Text message galing dito.

Can't talk right now, babe. Problem at work. Text me.

Nanlaki ang mga mata niya. Nasa trabaho pa ito? Buong akala niya ay nagda-drive ito kaya kanina pa niri-reject ang tawag niya. Gustung-gusto na niyang sumigaw. Nag-textback siya. Sinabi niyang nasa restaurant na siya at kaharap na ang mga magulang niya.

Makalipas marahil ang sampung segundo, nag-ring ang cellphone niya. "Ngayon ba 'yon? Akala ko bukas pa."

Nanlaki ang mga mata niya. "How could you think that?" Ipinaalala pa niya iyon kaninang madaling-araw bago ito umalis. Paanong maiisip nito na bukas pa iyon?

"I'm sorry, Lizzie," anito. "Nawala talaga sa isip ko. Aabot pa naman siguro ako kung aalis ako dito ngayon. I would have to tell my boss that-"

Hindi na niya napigilan ang inis niya. "Nasa Laguna ka, Ibarra," putol niya sa sasabihin nito. "Kahit dessert hindi mo na aabutan."

"I'm sorry, babe. Promise, babawi na lang ako."

Ano pa nga ba ang magagawa niya? Huminga siya ng malalim. "I'm not sure if there's going to be a next time, Ibarra." Pinatay na niya ang cellphone niya.

"O, ano? Nabahag na ang buntot? Gagawa-gawa ng kababalaghan pero hindi mapanindigan. Matatakot humarap sa amin?"

Tiningnan niya ang daddy niya. "Dad, he's at work..."

Pinandilatan siya ng daddy niya. "Hindi ba noong isang araw pa nai-set ang pagkikita nating ito?"

"Gustung-gusto niyang pumunta, dad. But there's been an emergency and-"

Iwinasiwas ng daddy niya ang kamay nito sa harap niya. "Ang sabihin mo, hindi seryoso sa 'yo ang lalaking 'yan."

"Dad..."

Tumayo na ang daddy niya. "Tara na mommy," anito. "Mag-isip-isip ka, Lizzie. Habang maaga pa. Hindi kita papipiliin dahil alam ko naman na pipiliin mo pa rin ang lalaking 'yan. Isipin mo ang sarili mo."

"He loves me, dad."

"Oh, really? Kaya ba ngayon halos hindi ka makatingin sa amin ng diretso dahil hindi ka magawang paninidigan ng lalaking 'yan?"

"Dad-"

Ngunit tila wala nang balak makinig ang daddy niya sa kanya. "Huwag na huwag kang iiyak sa akin 'pag iniwan ka na n'yan."

Hindi na siya nakasagot dahil iniwan na siya ng mga ito.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon