"AYOKO nga! Mamaya ilagay mo ako sa Youtube," wika ni Lizzie. Tumalikod siya sabay tago pa sa kamay niya. Pangatlong kanta na kasi iyon na ipinagduduldulan ni Ernie sa kanya ang mic.
"Sige na, Lizzie, please," ani Ernie. "Nami-miss ko na ang boses mo."
Ipinilig niya ang ulo niya bago ito tiningnan. Kumunot ang noo niya. "Bakit parang hindi ko naman natatandaan na nagbi-videoke tayo dati," aniya. Totoo 'yon. Hindi kasama ang videoke sa madalas nilang gawin noon.
"Kumakanta ka kaya kapag nagpi-prito ka no'n ng itlog, o kaya kapag nagwawalis," anito.
Muntik nang manlaki ang mga mata niya sa implikasyon ng sinabi nito. Pero pinigilan niya ang sarili niya na mag-react nang todo. Posible naman kasi na harmless remark lang iyon.
"Siyempre hindi ko na alam kung kumakanta ka rin ba 'pag naliligo ka kasi baka mabatukan na ako kapag lumapit ako sa pintuan ng banyo." Binuntutan nito iyon ng tawa.
Tuluyan nang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nitong iyon. Nag-init pa ang pisngi niya. Tiningnan niya ng masama si Ernie. Sigurado siya, hindi na harmless remark iyon.
"Ano na nga 'yong lagi niyang kinakanta?" si Kleggy.
"Ewan ko. Basta kanta ni Julio Iglesias."
"Baliw ka, Ernie! Matanda na 'yon! Enrique Iglesias 'yon," ani Kleggy. "Ano na nga ang title n'on, Lizzie? Basta alam ko lang themesong n'yo ni Ibarra 'yon, eh."
Tiningnan niya nang masama si Kleggy. "Malakas lang ang loob niyong mang-asar kasi wala dito si Ibarra," aniya. Tumayo kasi ito para kumuha daw ng beer.
Ikinatawa iyon ni Kleggy nang malakas.
Kinalabit ito ng asawa nitong si Gray. "Why are you guys, laughing? And why is Lizzie blushing?"
Hinarap ito ni Kleggy. I-t-in-ranslate nito ang mga sinabi ni Ernie. Naipagpasalamat na lang niyang hindi na sinabi ni Kleggy ang dahilan kung bakit siya namumula.
"Oy, Lizzie, joke lang 'yon ha? Baka isumbong mo nga ako kay Ibarra."
Iningusan niya ito. Noon dumating si Ibarra, ibinaba nito sa ibabaw ng lamesa ang hawak na limang bote ng beer. Inabot nito sa kanya ang isa bago umupo sa tabi niya.
"Bakit si Lizzie lang ang binigyan mo?"
"Oo nga, Ibarra," hirit din ni Kleggy. "Ang layo pa naman sa 'min."
Pinandilatan ni Ibarra and dalawa. "Ano ako, waiter n'yo?"
Binelatan niya ang dalawa na ikinatawa lang ng mga ito. Tila balewala nang humarap si Ernie sa videoke at kumanta na ito.
But she had to give their friends some credit. Napalipas ng mga ito ang mahigit beinte-kuwatro oras bago nang-asar.
"Lizzie..."
Napapitlag siya. Pangalan niya iyon, sanay siyang naririnig iyon. Pero kung bakit ganoon na lang ang epekto ng pagsambit ni Ibarra doon ay hindi niya alam. Tila ba ipinanganak ito para sambitin lang ang pangalan niya.
Bahagya niyang ipinilig ang ulo. No, there was nothing special about the way he pronounced her name. Dahil sa pang-aasar nina Kleggy at Ernie bigla niyang naro-romanticize ang mga nangyayari. At kailangan na niyang tigilan iyon. It was not healthy.
Lumingon siya. "B-bakit?"
"'Yong maze, huwag mong ie-explore mag-isa, ha?"
Ang unang dating ng sinabi nitong iyon sa kanya ay sasamahan siya nito kapag nagdesisyon siyang pumasok sa maze. But she could be wrong. She was really wrong. Marahil ang ibig lang nitong sabihin, ay magpasama siya. Puwedeng sa isa sa mga staff, o kahit sino. Hindi nito ibino-volunteer ang sarili nito.
"I'll keep that in mind."
"Good," anito.
Sasagot sana siya nang tumayo si Ernie. Dito natuon ang atensyon nila.
"Friends, I'd like to make a toast!" anito. "Our friend, Ibarra, just received a good news last night."
Mula kay Ernie ay bumaling siya kay Ibarra. Lumingon din ito sa kanya kaya nagtama ang mga mata nila.
"Lasing," anito na ang tinutukoy ay si Ernie.
"Ibarra, bro, sabihin ko na sa kanilang lahat ha?"
"Mapipigilan ba kita?"
Ngumisi si Ernie. "No." anito. "You see guys, Ibarra just got promoted and he will be leaving in three weeks. Sa Netherlands na siya titira. Mag-aasawa na 'yan do'n ng blue-eyes."
Nagtatanong ang mga mata na muli siyang sumulyap kay Ibarra.
"New job at the headquarters," ani Ibarra. "R and D Head"
Nanlaki ang mga mata niya. "Congratulations!"
"Thanks," anito, ngumiti, bago muling hinila ang kamay niya.
Napapitlag siya.
"Palapit si Charles."
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
