Sasagot sana si Lizzie nang may lumapit sa kanila. "Good evening!" bati nito sa kanila. May edad na ang babaeng bumati sa kanila.
"Good evening," sabay na wika nila ni Ibarra.
"I'm Roberta. I manage the place," anito. "Kanina pa kita tinitingnan. Ikaw 'yong reporter 'di ba?"
Ngumiti siya. "I'm Lizzie and this here is Ibarra."
Lumapad ang ngisi nito. "Sabi ko na, eh," anito na tila palagay pang humawak sa braso niya. "So totoo pala ang balita na break na kayo ni Leon Principe."
Pinigilan niya ang mapangiwi. Leon was her ex-boyfriend. Kasama niya ito sa network at sportscaster ito. Bahagya siyang tumingin kay Ibarra ngunit hindi ito nakatingin sa kanya.
Inaamin niya, hindi siya kumportableng pag-usapan ang mga past relationship niya sa harapan nito. "Matagal na po 'yon," aniya. Nang muli niyang sulyapan si Ibarra, . nakahalukipkip itong nakatingin sa kanya. Tila interesado ring marinig ang sasabihin niya
"Oh, oo nga pala, I'm sorry," wika ni Roberta na hawak pa ang dibdib. "How rude of me. Hindi nga naman maganda na pag-usapan natin ang past mo sa harap ng boyfriend mo. Na-excite kasi ako. Hindi araw-araw na may kilalang personalidad ang nagagawi dito."
Bago pa niya masabi na wala silang relasyon ni Ibarra ay naunahan na siya nito. "No worries, Roberta," ani Ibarra. "Past is past."
"Tama," ani Roberta. "'Di na dapat inuungkat ang nakaraan. The key is to forgive and forget. Anyway, I better leave you two lovebirds here. I''ll be at the bar if you guys need anything."
Nang tumalikod ito, nagkatinginan sila ni Ibarra at sabay na natawa.
Magkokomento sana siya sa kadaldalan ng ale nang maagaw ng pagtili ang atensyon niya. Sinundan niya ng tingin ang pinanggalingan niyon. Nakita niyang hinihila ng babaeng tumili ang kasama nitong lalaki. Nagpahila ang lalaki at pumapagitna na sa dancefloor ang mga ito.
Napangiti siya. Dahil lang pala sa kanta. Kunsabagay, maraming couples ang themesong ang Grow Old With You.
Humilig sa dibdib ng lalaki ang babae.Hinalikan naman ng lalaki ang buhok ng babae.
She could not help but smile at the sweet gesture. Sa tingin niya ay nasa mid-to-late thirties ang mga ito. Probably married. Pareho kasing may suot na wedding band. And that fact made the scene a lot sweeter. Mag-asawa na ang mga ito pero kinikilig pa rin sa isa't-isa.
Narinig niyang tumikhim si Ibarra. Alam niyang kinukuha nito ang atensyon niya. But she fought the urge to glance at him. Baka mabasa nito sa mga mata niya ang inggit.
Inggit?
Ipinilig niya ang ulo niya bago bahagyang napasimangot. Eh, ano kung naiinggit siya? Bato lang ang puso ng babaeng hindi maiinggit sa nakikita ngayon.
Hindi ganoon katagal ang siyam na taon para makalimutan niya kung gaano kasarap ang pakiramdam ng nasa bisig ng lalaking minamahal. And just knowing that the same man could not be more than five inches away from her made the memories seem clearer. Hindi niya maiwasang isipin kung ano ang gagawin niya kung kagaya ng ginawa ni Ibarra noon ay bigla itong tumayo sa harapan niya at yayain siya nitong sumayaw.
Nang marinig niyang muling tumikhim si Ibarra, ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya. She would just have to follow her instinct if he asked her to dance with him. Aabutin na lang niya ang kamay nito kapag inilahad nito iyon.
"Lizzie..."
Humugot siya ng malalim na hininga, dahan-dahang nag-exhale bago nilingon si Ibarra. "Y-yes?"
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...
