"TELL me you're kidding, Ibarra, or I swear to God I'm really gonna kill you the next time I see you," gigil na gigil na wika ni Lizzie sa cellphone.
Paanong hindi siya maiinis, ayon dito, nasa planta pa daw ito dahil nagwawala daw ang boss nito. Ang usapan nila ay alas-siyete sila magkikita sa coffeeshop na iyon, pero ang lubos na hindi niya maintindihan, pasado alas otso na nang maalala siya nitong tawagan.
Medyo nangangapal na ang mukha niya sa dami ng kapeng nainom niya.
"I'm so sorry, babe," anito sa kabilang linya. "Babawi na lang ako bukas."
Bago ito umalis kaninang umaga, nagkasundo sila na lalabas sila ngayon. Maaga siyang umalis ng newsroom dahil pinaghandaan talaga niya. She pulled strings just to get here on time. Pero heto pala siya at paghihintayin lang sa wala.
Galit na galit siya. "Alas-otso na! Ano'ng klaseng trabaho 'yan?"
Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na sumagot. Pinatayan na niya ito ng cellphone bago pinindot ang numero ni Gelai.
Gelai answered on the first ring. "You said 'yes' of course," walang hello-hello na wika nito.
Pinigilan niya ang mapabuntong-hinginga. Kanina, nagkausap sila ni Gelai. Sinabi niya dito ang kutob niya – na magpu-propose na si Ibarra.
Kakaiba kasi ang ikinikilos nito kaninang umaga. Naka-tatlong halik ito sa kanya kanina bago umalis kaya naisip niya na posibleng may niluluto itong surprise. Mali pala siya.
"Wala," aniya.
"Hindi nag-propose? Kainis naman!" bulalas ni Gelai.
Nagbuga siya ng hangin. "Mas malala. Hindi niya ako sinipot."
"What?" sigaw ni Gelai. "'San ka ngayon?"
Narinig niyang tumunog ang call waiting niya. Sinilip niya iyon. It was Ibarra. Hindi niya iyon pinansin. "Pauwi na nga ako, eh," aniya kay Gelai. "Nasa bahay ka ba? Do'n na lang ako matutulog ngayon." Bahala si Ibarra kapag hinanap siya. Wala siyang balak sabihin kung nasaan siya.
"I'm on the road. 'San ka eksakto?"
Sinabi niya.
"Tamang-tama, malapit lang ako d'yan. Give me five minutes."
Nabawasan ang bigat ng kalooban niya sa sinabi nitong iyon. "Thanks, Gelai," aniya. "Ano'ng gusto mo? Order na lang ako."
Sinabi nito. Nang matapos silang mag-usap ni Gelai, inilagay na niya ang cellphone niya sa bag niya. Kahit mag-ring iyon, wala na siyang pakialam. Tumayo na siya at tinungo ang washroom.
Itutulak na sana niya ang pintuan ng washroom nang umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog. Napasigaw siya dahil napaupo siya sa isang sulok. Wala siyang makita dahil puro usok at alikabok ang nakikita niya.
Huminga siya nang malalim pero napaubo siya. Hinawakan niya ang noo niya nang may maramdaman siyang umaagos mula doon.
Dugo.
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomansaAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...