Chapter 10c

5.6K 154 1
                                    

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Ibarra nang pumasok siya sa pintuan ng ospital. Kay Gelai lang niya nalaman ang nangyari. Mayroong ten missed calls sa isang number na wala sa phonebook niya. Si Gelai pala iyon. Sumabog daw ang coffeeshop. At isa si Lizzie sa mga nasugatan.

Kung hindi siya na-late, hindi ito madadamay doon.

"Puwede bang malaman kung saan ang room ni Lizzie Yuzon?" agad na wika niya sa information desk.

Tinitigan siya ng babaeng nandoon. "'Yong reporter?"

"Oo."

"Ah, sir, kaanu-ano n'yo po siya?"

"Boyfriend niya ako."

Tiningnan siya ng babae. "I'm sorry, sir, pero may order po sa amin na huwag ipagsabi ang kahit anong information tungkol sa kanya."

Nanlaki ng mga mata niya. "Sino'ng nag-utos niyan?"

"Ibarra!"

Mula sa information ay napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig. Si Gelai iyon. Kasunod nito at tila napipilitang lumapit na si Neve.

Hinawakan niya ang braso ni Gelai. "Kumusta na siya?"

"Stable na siya."

Napalunok siya. "Ano ba ang nangyari? Narinig ko lang sa news na gas explosion daw."

Tumango ito. "May mga nabasag na glass sa lakas ng impact, tumama kay Lizzie ang mga bubog."

"It's my fault," aniya. "Kung hindi ako na-late, wala sana siya doon."

Gelai looked sympathetic. Si Neve, nakaingos. Tiningnan pa siya nito nang masama. "It really is, Ibarra," ani Neve. "Dahil kung hindi dahil sa 'yo, wala sana doon si Lizzie. Wala sana siya sa Manila. Wala sana siya sa Pilipinas. Wala sanang-"

"Neve!" sansala dito ni Gelai.

Kumunot ang noo niya. "A-anong wala sa Pilipinas? Ano 'yon?" nalilitong pinaglipat niya ang tingin sa dalawa.

"Neve, don't," wika ni Gelai. "Hindi tayo puwedeng makialam sa kanila."

Lalong nasundot ang kuryosidad niya. "Gelai, please," aniya.

Umiling si Gelai. "Wala, Ibarra," anito. "Ninenerbyos lang si Neve kaya kung anu-ano ang sinasabi." Hinawakan nito ang braso ni Neve pero pumiksi ang huli.

"Nasisira ang buhay ni Lizzie sa 'yo, Ibarra," ani Neve. "She turned down a possible promotion because of you."

"Promotion? Wala siyang nababanggit-"

"Exactly! Hindi niya talaga sinabi dahil ayaw ka niyang iwan."

"Iwan?"

Si Gelai ang sumagot. "Last month, she was offered to take a post in Australia. Temporary lang naman 'yon. Two months. Humindi siya sa boss niya."

Maang na napatingin siya sa Gelai. "Pero alam niyang hindi ko siya pipigilan."

"Kaya nga hindi niya sinabi sa 'yo, Ibarra, kasi alam niya 'yan," wika ni Gelai.

Napailing siya. Napakagandang opurtunidad sana niyon para kay Lizzie. But she turned it down because of him? Hinilot niya ang sentido niya. Kung nasa Australia ito, wala sana ito ngayon sa ospital. Inaamin niya, Neve's words cut like knife. "Puwede ko ba siyang makita?"

Tumikhim si Neve. "When I got here, iyak siya nang iyak. Nakailang tawag daw sa 'yo si Gelai pero hindi mo sinasagot ang phone."

Natutop niya ang noo niya. He could not even begin to imagine the pain Lizzie went through. At wala siya sa tabi nito para hawakan ang kamay nito.

"Ayaw niyang tawagan ko ang parents niya. Ikaw daw ang tawagan namin. Pero hindi ka naman sumasagot."

"Puwede n'yo na ba akong samahan sa kanya?"

Umiling si Neve. "I'm sorry, Ibarra," anito. "Pero ayaw ka niyang kausapin."

Natigagal siya sa narinig. "You're kidding, right?"

Hinawakan ni Gelai ang braso niya. "Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa inyo. Ayokong mag-isip ng kung ano pero sa ngayon, mas makakabuti na magpahinga muna siya."

Kumurap-kurap siya. "Help me, Gelai, please?"

Tinitigan siya nito. Tila inaarok ang nasa loob niya. "I'll see what I can do, okay?"

"Salamat," aniya.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon