"NOON ko pa sinasabi 'yan sa 'yo, Lizzie, pero sumige ka pa rin."
Pinigilan ni Lizzie ang mapabuntong-hininga sa sinabing iyon ni Neve. Siyempre pa, nalaman ng mga ito ang hindi pagsipot ni Ibarra sa dapat sana ay pakikipagkita nila sa mga magulang niya. Kahit hindi niya tingnan si Neve, alam niyang nakapamaywang ito habang sinesermunan siya. Hahaba lang ang usapan kapag pinatulan pa niya ito.
"Neve, Lizzie's happy, puwede naman siguro na suportahan na lang natin 'di ba?" sabad ni Gelai na nasa kaharap na upuan niya.
Sa pamamagitan ng tingin ay sinaway niya ito. Ayaw niyang mag-away na naman ang dalawa dahil sa kanya.
"Happy? Happy? Paano naging happy?"
Dahil high-pitch na si Neve, sinulyapan niya ito. Nanlalaki ang mga mata nito. "I really am, Neve."
"O, eh, paano ngayon 'yang tungkol sa mga magulang mo?" hirit uli ni Neve. "I'm sure ni hindi naging issue 'yon sa inyo ni Ibarra, right?"
Tumikhim siya. "Nagalit ako siyempre."
"Tapos?"
"Ano'ng 'tapos?'"
"Tapos, you're still together? Ganoon na lang 'yon? Nagawa mo pang patawarin?" Nag-uumapaw ang disgustong umiling si Neve. "Hindi ka ba talaga naaawa sa mga magulang mo?"
Humugot siya ng malalim na hininga. Alam naman ng mga ito kung gaano kabigat sa dibdib niya ang pagtikis sa kanya ng mga magulang niya dahil kay Ibarra. "Maghihiwalay kami dahil do'n? Bakit? His excuse was valid!" Kagaya ng iba, nagkakaroon din sila ni Ibarra ng mga problema. They argue like normal couples. Pero dahil bukas pareho ang isipan nila, madali nilang naaayos ang mga bagay-bagay.
"Nag-make-up sex ganoon?"
Nag-angat siya ng tingin kahit alam niyang namumula na ang mga pisngi niya. "Huwag namang ganyan, Neve."
"Oo nga naman, Neve," sabad ni Gelai. "Isa pa, you can't blame, Lizzie. After all, I'm sure Ibarra would know all the right buttons to push."
Pinandilatan ito ni Neve. "Shut up, Gelai," anito. "Ikaw ang may kasalanan nito, eh. Kinukunsinti mo ang babaeng ito. Look at her!"
"Why, what's wrong with me?"
"Hindi na ikaw ang dating Lizzie na kilala ko. You don't go out anymore. Hindi ka nagpaplano 'pag hindi kasama si Ibarra. Your world revolves around him. And that Australia thingy, you turned it down because of him! Siguro pinigilan ka 'no?"
"Ibarra's not like that!"
"O, eh, bakit nandito ka pa?"
Humugot siya nang malalim na hininga. "Hindi ko sinabi sa kanya."
Hinilot nito ang noo nito. "My God, Lizzie! You're out of your mind!"
"I love him, Neve. Maiintindihan mo ako kapag nakita mo na ang right guy for you."
Umiling it. "Alam mo, Lizzie, wala naman sanang problema kung ganoon din siya sa 'yo."
"He loves me, Neve. He's just busy."
"That's bullshit, Lizzie!"
Umiling siya. "Look, Neve, hindi n'yo alam kung ano ang araw-araw na nangyayari sa amin."
"That's precisely my point. We don't talk anymore. Dahil si Ibarra na lang ang mundo mo."
"That's not true."
"I wouldn't even be surprised kung malalaman ko na hanggang hindi dumadating si Ibarra eh hindi ka rin kumakain," patuyang wika nito.
Natigilan siya. Nanghihinang ibinagsak niya ang katawan niya sa sofa. She had to admit Neve had hit a raw nerve. Minsang dumating si Ibarra ng alas-diyes ng gabi, niyaya niya itong kumain pero na-disappoint lang siya nang malamang kumain na ito. Bakit daw kasi hindi pa siya kumain, hindi naman daw nito dala ang rice cooker. Pero kung tutuusin, totoo nga naman ang sinabi nito. Siya rin ang magkakasakit. Concern lang ito sa kanya.
But that seemingly trivial argument about the rice cooker must have left a deeper cut that what she had initially thought. Kaya ba ang rice cooker din ang hindi importanteng bagay ang naisip niyang sabihin dito? Gumaganti ba siya?
Pero hindi. Mahal niya si Ibarra. Kung anuman ang nangyayari ngayon, nalamapasan nila iyon. Kaya nila, basta magkasama sila.
Huminga siya nang malalim. "Nang sumama ako sa kanya, alam ko kung ano ang pinapasok ko. I love him so much and I'm willing to learn how to bend for him. To be with him."
Tinitigan siya ni Neve. Kilala niya ito. Alam niya kung ano ang nababasa niya sa mga ito. Resignation. Acceptance. "Ewan ko, Lizzie," anito. "You don't do the things you love anymore. That's not healthy."
"For all it's worth, Neve, Gelai, I know in my heart that Ibarra won't deliberately hurt me."
Tumango si Neve. "Lapitan mo na lang uli ang mga magulang mo, Lizzie."
Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. It had been a month since she last saw her parents. Ayaw ring sagutin ng mga ito ang mga tawag niya.
_b\"<+
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomansaAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...