Chapter 9c

5.7K 149 3
                                        

"I'M so sorry, Lizzie, please say something."

Nagbuga ng hangin si Lizzie. Ipokrita siya kung sasabihin niyang okay lang. Pero tapos na iyon, wala na rin naman siyang magagawa pa. "Tapos na 'yon, Ibarra, huwag na nating pag-usapan."

"Let it out, Lizzie, sigawan mo ako, sampalin mo ako. Alam kong katangahan ko 'yon."

Umiling siya. "Would that make my father change his mind about you?"

Maang na napatingin ito sa kanya. "Alam ko, galit ka."

Hindi siya umimik. Hindi lang siya galit. Galit na galit siya. Pero ayaw niyang magkasagutan sila kaya pinipili na lang niyang manahimik. Pointless din naman.

"Lizzie, hindi naman ako naglalaro, ah! Nagtatrabaho ako."

Tiningnan niya ito. Pinigilan ang pagpapakita ng anumang ekspresyon ng mukha. "Kaya nga wala na akong sinasabi 'di ba?"

"Pero lalo akong nagi-guilty sa ginagawa mo."

Umiling siya. "Huwag na lang muna tayong mag-usap ngayon," aniya. Kipkip ang laptop niya, lumabas siya ng kuwarto. Hindi niya ginagawa iyon para sundan siya nito. Para magpa-cute. Galit talaga siya.

But she had to admit that the little girl inside her was hoping that her prince would come and comfort her.

Tumingin siya sa relo niya. It had been fifteen minutes since she left him in the bedroom. At hindi pa siya nito sinusundan. Tumayo siya. Kunwari, may kukunin siyang notebook sa kuwarto.

To her dismay, she saw Ibarra sleeping.

Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Ganoon ba ito hindi kaapektado sa nangyaring argumento nila at agad itong nakatulog? Ganoon ito ka-insensitive sa nararamdaman niya? Naupo siya sa gilid ng kama. Hindi niya maiwasang isipin na tila wala itong pakialam sa kanya.

Humiga siya sa tabi nito. Hindi naman kasi totoong may gagawin pa siya. Kailangan na rin niyang matulog dahil maaga ang pasok niya bukas. The sofa was out of the question. Ayaw niyang malaman nina Kleggy na nagkakaproblema sila.

Sinulyapan niya si Ibarra. Ni hindi yata nito naramdaman ang paghiga niya sa tabi nito. Napakalalim na ng tulog nito.

She resisted the urge to touch his cheeks. Marahil ay pagod na pagod ito. Kung sabagay, mas maaga itong umalis kanina dahil kailangang alas-sais pa lang daw ay mai-set-up na nito ang ii-stress test nitong mga bagong produkto na balak ilabas sa merkado.Tinalikuran niya ito.

Pipikit na sana siya nang maramdaman niya ang pagdantay ng braso nito sa baywang niya.

"I'm sory, babe," bulong nito sa likod ng tainga niya. "I'm so sorry."

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. He sounded really sincere.

Suminghot siya. "Hindi naman ako humihingi ng kahit ano sa 'yo 'di ba?"

"I know, babe," anito. "I'm so sorry..."

Naramdaman niyang umagos ang mga luha sa pisngi niya. "Konting time lang naman 'yon. Isisingit mo lang pero kinalimutan mo pa."

"'Di ko maintindihan ang sinasabi mo, babe..."

Inulit niya. Hindi niya alam kung malinaw na dahil may kasabay iyon na singhot.

"Bakit ba kasi ayaw mong humarap sa 'kin?" anito.

Alam niyang sa sandaling makita niya ang mukha nito, hindi na niya magagawa pang mainis dito. "Naiinis kasi ako sa 'yo, eh," aniya. "Matulog ka na."

"Hindi na ako inaantok eh. Nagugutom kasi ako. Hindi pa ako kumakain."

"Eh, 'di kumain ka."

"Samahan mo ako sa kusina."

"Bakit, kailangan ba ng fingerprints ko para mabuksan ang rice cooker?"

Tinanggal nito ang pagkakadantay sa bawang niya. "Mukhang galit ka nga..."

Hindi na siya sumagot. Gusto niyang magsisi nang maramdaman niyang tumalikod na rin ito sa kanya.

Sometime during the night, though, nagising siya na nakaunan na siya sa dibdib nito at mahigpit na siya nitong yapus-yapos.

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon