GAMIT ang van ni John nang weekend na iyon, madaling-araw pa lang ay tumulak na sila pa-Laguna para kunan ang makasaysayang eksena ni Lam-ang sa ilog at ilang fight scenes. Makaraan ang tatlong oras, pumarada na sila sa tapat ng walang pinturang gate. Tumingala siya. It was a two-storey house with mint green paint. Sixties marahil nang itayo iyon. Sa kinatatayuan nila sa baba ay kitang-kita niya ang mga puting kurtina mula sa malalaking mga bintana.
Hagdang-bato ang aakyatin para makapasok sa bahay.
"Tuloy kayo mga anak," wika ng mama ni Ibarra na agad sumalubong sa kanila. Tawagin lang daw nila itong Tita Doris. Nang ngitian siya ni Tita Doris, pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya. Kung marahil ay ngingiti ng madalas si Ibarra, mas makikita ang pagkakahawig ng mga ito.
"Kumusta po?" aniya. Marahil ay mas matanda lang ito nang kaunti sa mommy niya.
"Mabuti naman, anak," anito na hindi agad binitawan ang braso niya. "Tara, pasok kayo."
Malaki ang sala at puro mga antique ang gamit. Pati ang TV sa isang tabi ay iyon pang may malaking bahay. May turntable pa na nakapatong sa isang narra console.
"Tamang-tama ang dating ninyo," anito. "Kakatapos ko lang magluto. Sigurado ako, nagutom kayo sa biyahe. Upo muna kayo sandali at maghahain lang ako."
"Tulungan ko na po kayo, Tita," aniya. Hindi na niya hinintay na sumagot ito. Sumama na siya dito sa kusina.
Nginitian siya nito. "Naku, anak, salamat," anito. "Wala kasi ngayon si Florie na kasa-kasama ko dito. Umuwi kasi may sakit ang tatay."
Nasa bukana pa lang sila ng kusina amoy na ang niluto nito. "Ang bango, tita, nakakagutom."
"Sinampalukang manok 'yan," anito. "'Yan ang paborito noon ng asawa ko, ng papa ni Ibarra." Ngumiti ito pero hindi maitatago ang lungkot sa mga mata nito. "Alam mo bang hanggang ngayon, kapag niluluto ko 'yan, naluluha pa din ako?"
Hindi nito kailangang sabihin iyon. She could see she was teary-eyed. "Miss na miss n'yo na po siguro ang husband n'yo ano po?"
"Sinabi mo pa, anak," anito na iniabot sa kanya ang mga plato. "We met in the late sixties. May sayawan kasi kasal ng pinsan ko. Kaibigan siya ng groom. The moment he stood infront of me, I just knew he was the one." Bahagya itong tumawa na tila ba ramdam pa rin nito ang kilig na naramdaman nito noon.
Ngumiti siya. Iniayos ang mga plato sa lamesa. "Love at first sight po?"
"Siguro," anito. "A few months later, ikinasal na rin kami. Hindi na namin pinatagal. It's just so sad na nagkasama lang kami ng fifteen years."
Nakaramdam siya ng awa dito. Isipin pa lang niya na mawawala ang isang taong labis na minamahal ay hindi na niya ma-imagine kung gaano kasakit.
"Oh, sorry, nagda-drama na ako sa 'yo."
"Okay lang po."
Ngumiti ito.
"Akala ko nga hindi kami magkakaanak, eh. Thirteen years na kaming kasal nang ipagbuntis ko si Ibarra. Nakuha yata sa kakasayaw sa Obando."
"Ginawa n'yo po talaga 'yon?"
Tumango ito. "Nag-alay pa ako ng itlog sa Monasterio," natatawang wika nito. "Matagal na ba kayong magkakilala ng anak ko?"
"Hindi pa po masyado. Kaklase ko lang po siya sa isang subject."
Sabay silang napalingon nang may tumikhim. Nakatayo doon si Ibarra. Nagtama ang mga mata nila. For a brief moment she thought he was about to tell her something. Bahagya itong ngumiti ngunit agad din nitong ibinaling ang tingin sa mama nito. "Matagal pa, 'ma?"

BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...