Chapter 10d

6.2K 171 22
                                    

"LIZZIE, you should talk to him. Hindi siya umalis. Nag-stay lang siya d'yan sa labas."

Tinitigan ni Lizzie si Gelai. Kahapon, habang nasa ambulansya siya, hindi niya mapigilan ang tuluy-tuloy na pag-iyak. She was never fond of hospitals. Pero kung nasa tabi lang sana niya si Ibarra, hindi siya matatakot. Pero wala ito.

Nang makita niya si Gelai, umiyak lalo siya nang umiyak. Agad niyang pinatawagan dito si Ibarra. She knew his number by heart. Pero hindi nito sinasagot ang cellphone nito.

Si Neve ang sumagot kay Gelai. "Para ano pa? Kung hindi dahil sa kanya, kung hindi siya nakilala, wala sana si Lizzie dito. "

"Neve, inaamin ko naman na tama ka no'ng sinasabihan mo si Lizzie na dapat magtira siya ng para sa sarili niya, pero naaawa talaga ako kay Ibarra, eh," anito. "He obviously loves you, Lizzie. At nakalimutan mo na yatang aalis na siya bukas?"

Umiling siya. Alam na alam niya. Kaya nga sila magdi-dinner dapat kagabi dahil aalis na ito. Humugot siya ng malalim na hininga.

"Wala na silang dapat pag-usapan," wika uli ni Neve.

"Kakausapin ko siya," aniya.

Parang iisang taong tumingon ang dalawang nagtatalo sa kanya.

"Let him in, Gelai," aniya.

Parang may pakpak ang mga paang lumabas si Gelai. Ilang sandaling nawala ito at pagbalik nito ay kasama na nito si Ibarra.

Halatang puyat ito. Mukha itong pagod na pagod. Marahil nga ay totoo ang sinasabi ni Gelai na magdamag itong nasa labas lang. Napalunok siya.

"Lizzie..." anito na tinangkang gagapin ang kamay niya ngunit inilayo niya iyon. Ipinako niya ang tingin niya sa kamay niyang kinatutusukan ng dextrose.

"This will only take a minute, Ibarra."

"Lizzie, I'm-"

"Alam mo 'yong leather case do'n sa drawer?" agaw niya sa sasabihin nito. "Nandoon lahat ng documents mo. Passport, transcript, diploma. Lahat. Pati birth certificate mo isinama ko na just in case kailanganin mo."

"Lizzie-"

"Sorry, plan ko kasi iayos ang mga clothes mo tonight, pero nangyari naman 'to, you would have to do it, yourself."

"Lizzie..." muli nitong tinangkang hawakan ang kamay niya pero pumiksi siya. Dumugo tuloy ang kamay niyang kinatutusukan ng dextrose.

"Dumudugo ang kamay mo, tatawag lang ako ng nurse."

"Don't bother," aniya. "Kung hindi mo pa alam, mas madami pang umagos na dugo sa ulo ko kagabi."

"Lizzie-"

"You can go now," aniya. She reluctantly looked at him.

He looked hurt. "You can't mean that, Lizzie."

"But I do," aniya.

"Mag-usap tayo, Lizzie."

"Para ano pa, Ibarra?" tanong niya. "We've have this conversation for so many times already. Paikut-ikot lang tayo. We kiss and make up and then you're at it again."

Hindi ito umimik.

"Ikaw ang una kong hinanap, Ibarra. I never wanted to call my parents but I never had any choice. I was just hoping you would get here before they did. May pogi points ka sana," aniya. Tumawa siya. Pagak. "Mas maipaglalaban sana kita. Pero hindi. Nauna sila. My dad even borrowed the mayor's chopper, and the mayor was not even his friend. Nagawa nila ang imposible. Kahit alam kong nagtatampo sila sa akin, hindi nila ako natiis. Halos hindi pa ako natutusukan ng dextrose, nandito na sila sa tabi ko. I realized how much my parents love me, Ibarra. Kahit hindi ako nakikinig sa kanila. Even if I broke their hearts when I chose you."

"Please on't do this, Lizzie."

"Did you know that you once talked in your sleep? You were blabbing about metal strands that are a few atoms thick. Sabi ko sa sarili ko no'n, ang suwerte ko, trabaho ang kaagaw ko sa boyfriend ko. But thinking about it now, mas okay pa sana kung pangalan ng babae ang binanggit mo. I could probably get you back after I spend one whole day at the salon. But work..." Suminghot siya. "Nandito ka pa nga lang nakakalimutan mo na ako. Paano na lang kung hindi mo na ako nakikita? Maiiwan ako dito na umaasang maaalala mo ako. Paano kung hindi? Mamumuti ang mga mata ko sa kakahintay? What if I would be waiting for something that's not going to happen?"

"Then I'm not leaving. Dito ako magma-masters. Magpapakasal tayo."

Umiling siya. "Pangarap mo 'yan, Ibarra. Hindi kita kayang pigilan," aniya. "Pero umalis ka man o hindi, lalayo muna ako sa 'yo. Kapag hindi ako lumayo sa 'yo, I will be this person who keeps on opening the refrigerator hoping there's something new in there. Nakakatawa iyon. Wala naman akong bagong ginawa, paanong magkakaroon ng bagong laman ang refrigerator? That's why I'm doing something now. I'm letting you go. Para sa akin. Para sa 'yo.

"You're the only reason why I smile, Lizzie."

Umiling siya. Alam na niya iyon, noon pa. "We are two separate people Ibarra," aniya. "Hindi tama na iasa ko sa 'yo ang kaligayahan ko o iasa mo sa akin ang kaligayahan mo."

Maang na nakatitig lang ito sa kanya.

"Naiintindihan mo ako 'di ba? I'm sure you would agree with me if I tell you that I want to fly. Alone."

Lumunok ito. "But I love you, Lizzie."

"Hindi ko naman kinu-question 'yon. I know you do. And I love you, too."

"Then why are you doing this?"

"Kasi nahihirapan na akong intindihin ka. I have to let you go before I started hating you. Akala ko kaya ko. Mahirap pala. Kung ako lang, Ibarra, kaya ko. Pero muntik nang madamay si Gelai dahil sa kagagahan ko sa 'yo. Kung dumating siya sa coffeeshop in less than five minutes, kasama ko sana siya ngayon dito na puro benda ang katawan, or worse... what if...." Umiling siya. Ayaw niyang isipin iyon. Nakakatakot.

"You're being unfair, Lizzie."

"Kanino, Ibarra? Kung nagiging unfair man ako, hindi sa 'yo o sa sarili ko. Nagiging unfair tayo sa mga magulang natin. They've got big dreams for us, Ibarra."

"Good morning!"

Sabay silang napatingin sa pintuan.

"Doc, puwede po bang five minutes?"

Parang nakakaintinding tumango ang doctor. Tumikhim ito. Tumalikod.

"There's nothing I can do that can make you change your mind, right?"

Malungkot siyang ngumiti. "Wala, Ibarra.

"Can I kiss you for the last time, Lizzie?"

Umiling siya. Kapag hinalikan siya nito, mawawala na ang lahat ng inipon niyang lakas ng loob. "No," aniya at tinalikuran na ito. "Goodbye, Ibarra."

"I love you, Lizzie and I'm not leaving."

"Suit yourself, but I've got nothing else to say to you anymore."

"Please, Lizzie..."

Lumapit ang doctor. "Mas makakabuti na iwan mo muna ang pasyente. Hindi maganda sa kalagayan niya ang ma-stress."

Bago tumalikod si Ibarra, nakita pa niya ang pamumuo ng mga luha sa mga mata nito. At habang tinitingnan niya ang papalayong likod nito, gustung-gusto na niyang tawagin ito uli.

Nang maipinid ang pinto, pakiramdam niya ay takip iyon ng ataul niya. Bagay na bagay iyon sa kanya. Her heart was dead, anyway.

f-54aD<�{[��

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon