Naramdaman ni Lizzie na pinisil ni Ibarra ang kamay niya. Sinulyapan niya ito. "Ano'ng napagkuwentuhan n'yo ni Ms. Susie?"
Pinilit niyang ngumiti. "Kung gaano ka ka-pogi."
Ganoon na lang ang tawa nito.
"So, it's really happening, huh?" aniya.
Kumunot ang noo nito. Halatang hindi naintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Aalis ka na talaga."
Hindi ito sumagot. Mataman siya nitong tinitigan. Pinisil-pisil lang nito ang palad niya.
"Doon ka na titira 'di ba?"
Tumango ito. "Demanding ang trabahong 'yon. Magbabakasyon naman siguro ako. Once a year siguro, pero five days to one week lang."
Tumango siya. Hindi malayo na magkatotoo ang sinabi ni Ernie, na mag-asawa na si Ibarra ng Dutch na blue ang mga mata. Tumikhim siya para mawala ang bikig sa lalamunan niya.
"This is goodbye, then?" Iyon na lang naman ang puwede niyang sabihin.
"We have one more week, right?" anito.
She was so tempted to give in. Inaamin niya na ang nakaraang dalawang linggo ang pinakamasaya sa buhay niya mula nang magkahiwalay sila. "Nakalimutan mo na yata na bukas ang flight ko pa-Palawan." Tatlong araw siya doon para sa ishu-shoot nila para sa Kuwentuhang Pinoy.
Tumango ito bago tinitigan ang basong nasa ibabaw ng lamesa. Pero sa tingin niya ay lampasan ang tingin nito doon. "Paano ka?"
Parang may bumundol sa dibdib niya sa sinabi nitong iyon. Those two words summed up everything that was about to happen. Aalis ito, iiwan siya, magkakahiwalay na sila. Pilit niyang pinatatag ang sarili niya kahit ramdam niyang nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya. Inaamin niya, nagulat siya sa narinig. But knowing him, that could only be a hypothetical question. Kahit ano pa ang sagot doon ay hindi niyon mababago ang mga pangyayari. Isang bagay lang iyon na tulad ng madalas mangyari ay puwede nilang pagdiskusyunan nang walang humpay dahil nasa kanila ang lahat ng oras sa mundo. They only had minutes. "Anong 'paano ako?'"
Sinulyapan siya nito. "After everything that's been happening between us-"
Malungkot siyang ngumiti. Posible nga naman seryoso ang tanong na iyon. "Matatanda na tayo, Ibarra," aniya. "Alam na natin sa simula pa lang na mangyayari ito pero sumige pa rin tayo. Kumplikado talaga ang buhay. The sooner we accept that, the better."
Ipinilig nito ang ulo. "Paano kung... What if you get pregnant?"
Sa sinabi nitong iyon, tila binundol ng kaba ang dibdib niya. Hindi iyon sumagi sa isip niya. Marahil dahil hindi naman nangyari iyon noon. Her first impulse was to say that she would just cross the bridge when she got there. Pero iyon ang sinasabi ng mga tao na may inaasahang problema. And a baby, especially Ibarra's baby, would be most welcome. "Papadalhan mo naman ng sustento ang baby 'di ba?"
Tinitigan siya nito. "Ayaw mo ba akong pigilan?"
Despite what she was feeling, she could not help but smile at that. "No," aniya na muling naalala ang napag-usapan nila ni Ms. Susie. Malapit na malapit na si Ibarra sa katuparan ng mga pangarap nito. "That has always been your dream."
"Hindi mo ako mami-miss?"
Hindi niya naman mapapasubalian iyon. "You know I will. Kaya lang-"
"Kaya lang hindi mo maiwan ang trabaho mo. It's alright, Lizzie, I understand."
Ipinilig niya ang ulo niya. Bakit kung magsalita ito ay tila ito pa ang agrabyado at siya itong mang-iiwan? "May kanya-kanya tayong buhay, Ibarra."
Matagal na tinitigan nito ang papercup. Itinungga ang laman bago tumayo. "Ihahatid na kita. Baka hindi ka pa nakakapag-impake."
3
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...