"Iha, I want you to meet your new business partner. Mr. Dustin Gohil. "
Parang tumigil ang sandaling yun ng makita ko ang isang pamilyar na mukha niya.
Para akong nastatwa at walang lumalabas na kahit anong salita mula sa aking bibig.
Ang aking puso. Hindi ko maipaliwanag pero sobrang bilis ng tibok nito.
Tibok na sa kanya ko lang naramdaman ulit.
"Lala ?? "
"Whats going on?! Magkakilala kayo ?? " nakangiting sabi ni Mommy.
"Yes! "
"No Ma, hindi ko siya kilala. " pagbawi ko saka ibinalik ko ang tingin sa kanya at tiningnan siya ng famous looks ko.
Mas lalo siyang gwumapo ngayon pero wala akong pake dahil ang laki ng kasalanan niya sa akin.
Tinaas ko pa ang aking kilay na kulang na lang umabot ito sa aking noo.
"You are Dustin Gohil right ?? " pagtataray ko pero andun pa rin sa boses ko ang pagiging professional.
"Wala ka pa ring pinagbago. Maldita ka pa rin. " Sabay ngiti niya na siyang dahilan upang mag-init ang mukha ko.
Damn!
Nakakainis ang mga ngiti niya.
"Hindi ko alam kong anong sinasabi mo! Pwede ba wag mo kung ngitian at tingnan ng ganyan. " halos pataray kong sabi.
Tumango-tango naman siya bilang sagot.
Si Mommy naman puno ng pagtataka ang mukha niya.
"Anyway maiwan ko muna kayo. " paalam ni Mommy saka lumabas ng office ko.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya na kung pwede lang kanina ko pa siya nakain dahil sa hindi maipaliwanag na nangyayare.
Akma siyang lalapit sa akin kaya naman agad kong pinigilan siya with hand gesture pa.
"Don't you dare to come near me! "
"Lala, I know malaki ang kasalanan ko sayo. Sana mapatawad mo ko. Gusto ko lang ipaalam sayo na hanggang ngayon ikaw pa rin ang tinitibok ng aking puso. " seryusong sabi niya dahilan upang mapatawa ako ng malakas pero agad ko din namang ibinalik ang tingin ko sa kanya.
"Nakakatawa ka naman! I can't imagine na hanggang ngayon ay alipin ka pa rin ng aking nakaraan. Mag move on ka na. " pang-iinis ko sa kanya sabay irap ko.
Natahimik naman siya dahil sa sinabi ko.
"Maiwan na muna kita. Papapuntahin ko na lang ang aking secretary para sa dapat mong malaman sa kumpanya. " dagdag ko pa saka kinuha yung mamahaling bag ko na nakapatong sa ibabaw ng table ko sabay hakbang palayo sa kanya.
Pero bago ako tuluyang makalabas ng office ko ay bigla na lang niya akong hinawakan sa aking balikat at kasunod nun ang mas lalo pang paglakas ng tibok ng aking puso.
"Gagawin ko ang lahat Lala. Maging akin ka lang ulit. " seryusong sabi niya.
Sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib!
Hindi ko alam kong anong gagawin ko.
Humarap ako sa kanya na parang hindi ako affected sa mga sinabi niya.
"Minsan mo na akong pinaglaruan kaya wag kang umasa na sa larong gagawin mo mananalo ka ulit. Wake up Dustin! Hindi na ako ang Lalang nakilala mo dati! " taas-noong sabi ko.
'Hindi ako papayag na muli mo akong saktan!' Sabi ko sa isip ko habang mataray na nakatingin sa kanya.
Inirapan ko na lang siya bago ako lumabas ng tuluyan sa opisina.
Bakit kailangan niya pang bumalik at magpakita sa akin ??
Masaya na ako at hindi ako papayag na sa muli naming pagtatagpo hindi ako makaganti sa sakit na ginawa niya sa akin.
Napasandal na lang ako sa wall ng office ko.
Sunod-sunod na buntong-hininga ang ginawa ko habang wala pa ring tigil ang tibok sa aking puso.
Bakit pinagtagpo ulit kami ng tadhana ??
Akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya pero bakit ganon ??
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko kanina ng titigan ko siya.
Hindi! Hindi! Ayuko!
A/N :
Ang inaabangan niyo guys, finally na published ko na din ang Teaser nito. :D
Namiss niyo ba si Lala sa His Playing the Maldita ??
Pwes ito na ang continuation ng story nilang dalawa.
Ano kayang mangyayare sa muli nilang pagtatagpo ??
Excited na ba kayo ??
5 votes for the first chapter of the story :)
Pa-follow po ako sa watty at pasave na din po sa library ng book2.
Mamats.
Kuya Ali
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.