Chapter 48 : The Wedding

837 25 5
                                    

•Dustin's POV•

Sabi nila ang pinakasayang parte daw ng buhay ay ang ikasal ka sa taong nakalaan para sayo. Pero maswerte bang matatawag ang ikasal ako sa taong kailanman ay hindi ko nagawang mahalin?? Sa pagkakaalam ko kasi isang sagradong paraan ang pagpapakasal upang magbuklod sa dalawang taong nagmamahalan. Sagrado pa rin bang maituturing kong pinagbuklod lang ng mga pamilya??

Minsan natanong ko kung bakit ginagawa nilang laro ang pagpapakasal gayong hindi naman talaga mahal ang isa't isa. Pero dahil sa lumang tradisyon na fixed marraige ay nangyayare pa rin ito sa ngayon. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Kahit konting saya ay wala akong maramdaman bagkos ay takot at pag-aalala. Pag-aalala dahil ngayong araw ng kasal ko ay saka naman inooperahan ang aking anak.

Papano ako maging masaya?? Hanggang dito na lang ba ako??

Tahimik kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng salamin habang inaayosan ako ng mga designer ng suot ko. Bigla ko na lang naalala si Lala.

Yung unang araw na nagkrus ang aming mga landas. Sobrang suplado ko pa noon dahilan para mas lalo siyang mainis dahil hindi ko siya pinapansin. Gumagawa siya ng way para lang sirain ako. Sirain ang araw ko. Sa patalasan ng isipan at pagiging matalino ay talaga namang tinatapatan niya ako. Napakacompetitive niyang tao kahit na sobrang ang sama ng ugali niya.

Pumasok din sa aking isipan yung gabing pinuntahan niya ako sa bahay para mapagsabihan niya ng sama ng loob tungkol sa kanyang kapatid. I remember those night. Yung gabi na tahimik ko siyang pinagmamasdan habang umiiyak. Akala ko sobrang tapang niya deep inside ang lambot ng kanyang puso to the point na nahulog na nga ako ng tuluyan. Nahulog na nga ako at hindi ko na maikakaila iyon.

Napabago ko ang isang maldita dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Naging perfect boyfriend naman niya ako to the point na araw araw kong pinapadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at ganon din siya sa akin. Binago ko lahat ng pagkatao na meron siya hanggang dumating nga ang araw na nalaman niya ang totoo. Ang totoong dahilan na gawing laro ang pag-ibig ko sa kanya.

*** Flashback ***

"Is it true!!!! Tell me!!! Tama ba ang narinig ko!!? " sigaw niya sa akin.

Ramdam ko ang galit sa mga mata niya habang unti unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Natatakot ng sobra.

"Lala kasi --- " Paano ko ba sasabihin sa kanya!? Paano ko ipapaliwanag ang lahat. Ang lahat ng ito ay isang malaking laro.

"Tell me the truth Dustin!!! Is it true that you play me?? Your playing the Maldita!? " galit niyang tanong sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para sagutin si Lala. Nagpalipat-lipat ang aking tingin kina Gary at Raffy. Habang siya ay nanginginig sa galit na nakatingin sa akin.

“Tell me. ”

"Yes Lala---- "

Pakkkk!!!

Isang malakas na sampal ang sumagot sa akin kasunod nun ang paghampas niya sa aking dibdib at paulit ulit na dumadaing kung bakit!

"Your lying! Pinaniwala mo 'ko Dustin! Niluko at pinaglaruan. Akala ko pa naman totoo ang lahat ng pinapakita mo. Anong kasalanan ko para ganituhin mo 'ko! Huh! I changed myself dahil sayo. Iniwan ko lahat kahit ang pagiging maldita kasi iyon ang gusto mo! Pinaglaruan niyo ko para baguhin ako!? Anong karapatan niyong gawin iyan sa akin!? Niluko mo ko. Niluko mo ko. " ang humihikbi niyang sabi sa akin.

Wala akong magawa.

“Lala Pleased. ” sabi ko at hinawakan siya pero---

"Bitawan mo 'ko! Binago ko lahat! Everything from me! Binaba ko ang lahat pati ang pride ko dahil sayo Dustin! Ganyan kita ka mahal pero anong ginawa mo!? Ninyo!? Akala ko mga kaibigan ko kayo. Mga sinungaling!!! Pare pareho lang kayong mga manluluko!! "

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon