Chapter 21 : Remaining Days

763 20 1
                                    

Ilang oras akong nakipag-debate sa aking sarili regarding sa arranged marriage. Base kasi sa pagkakaalam ko, wala ng ganon sa panahon natin ngayon. But heck! Meron pa palang ganon.

Hays.

Nangyayare talaga ang arranged marriage sa mga negosyanteng mayayaman. Syempre ang purpose para mas lalo pang umangat at yumaman ang involved sa ganitong sitwasyon. Para mas lalo pang makilala ang angkan nila. Simple as that!

Ewan. Inaatake na naman ako sa pag-iisip ng facts at kung ano-ano. Ganito talaga ako. Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko naipapaliwanag ng maayos sa aking sarili ang isang sitwasyon.

Gaya na nga nung sitwasyon ni Dustin. Para maging matibay ang pundasyon ng kanilang pamilya ay sumasailalim sila sa lumang tradisyon. Ang ipagkasundo ang kanilang mga anak sa iba.

Hays.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata. Napapikit naman ako bigla ng tamaan ako ng sikat ng araw. Umaga na pala.

Agad kong tiningnan ang phone ko. Maraming messages and missed calls mula kay Cris.

Si Cris talaga kahit kailan. He make sure na kung okay ba ako.

Teka. Si Dustin nga pala.

Sheet!

Para naman akong naistatwa sa aking pagkakahiga ng maalala kong kasama ko nga pala si Dustin.

Dahan dahan akong bumangod at nagtali ng aking buhok. Kinakabahan man ay humakbang pa rin ako palabas ng guest room. Hindi rin mawala sa aking sarili ang kumuha ng pagkakataon na makatakas sa lugar na ito. Pero mukhang hindi ko yata kaya. Marahan akong sumilip sa sala nagbabasakali na makita ko siya roon pero wala siya roon.

Kinabahan naman ako dahil baka iniwan na niya ako rito. Pero hindi!

"Dustin! " sa huli nagawa ko ring tawagin siya kahit na wala akong lakas ng loob para tawagin siya. Ngunit wala akong sagot na narinig mula rito. Kinakabahan tuloy ako.

Direderetso akong naglakad palabas ng rest house and to my surprise nakita ko siyang abala sa paghahanda ng breakfast.

Ngayon ko lang napagmasdan ang buong paligid. Walang dagat akong nakikita kung hindi maraming mga puno at mga bulaklak ang nakapaligid sa buong rest house. Napakagandang tingnan. Napakagandang pagmasdan. Parang dinuduyan ang aking puso sa luntiang nakikita ng aking mga mata. This place is perfectly amazing. Nakakahanga ang ganda ng paligid.

"Hi?? " bati sa akin ni Dustin dahilan para ibalik ko ang tingin sa kanya. Sobrang ang lapad ng mga ngiti niya na para bang nanalo sa lotto. "Nakatulog ka ba?? " segunda niyang tanong.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin ako sa malayo.

"Dustin gusto ko ng umuwi. Please?? " sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya na parang naoffend sa sinabi ko. Mas makakabuting umuwi na lang ako ngayon.

"Pero diba pumayag ka sa gusto kong mangyare?? Wag mo namang sanang ipagdamot sa akin yun. "

"Are you insane Dustin!? Sinong tangang babae ang gugustuhing makasama ang EX niya. Sige nga! Sabihin mo sa akin! " inis kong sabi.

"Please?? Just this once. " seryuso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Walang tigil naman ang humpay ng pagtibok ng aking puso. Hindi ko kayang tumingin sa kanya ng deretso.

"Okay. " sabi ko at tumingin sa kanya.

Ngumiti naman siya mula sa pagiging seryuso. Naging kalmado naman ako kahit paano.

Ewan ko ba. Kung bakit ako pumayag sa kanyang nais o marahil hindi ko kayang tanggihan ang isang Dustin.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon