Kasabay ng paglayo ni Cris ay ang pagkalungkot ko naman. Maninibago ako for sure dahil wala ng magpapalakas pa ng aking loob. Wala ng aalalay sa akin. Wala ng makikinig kapag may problema ako.
Iniwan na nga niya ako ng tuluyan.
Matapos ang gabing iyon ay nagpaalam na nga siya sa akin. Naging emosyonal iyon para sa aming dalawa. Wala din naman akong magawa lalo na at ako ang dahilan ng kanyang paglayo. Masyado na akong naging makasarili sa nararamdaman niya. Hindi ko iyon pinansin.
Pinaasa ko lang siya hanggang sa huli.
Hindi ko maiwasan ang malungkot. Kahit nagbabantay ako sa ospital ay malalim pa din ang iniisip ko. Iniisip ko pa rin si Cris.
“Mukhang malalim ang iniisip mo?? ” puna sa akin ni Mommy. Kaming dalawa ang nagbabantay ngayon dahil umuwi na muna si Ate sa mansyon para siya naman ang makapagpahinga.
“Wala po Mommy. ” sambit ko.
“Sigurado ka?? ” tanong niya sa akin. Nagkatitigan kami na para bang binabasa namin ang bawat isa. Hindi ako nakasagot instead iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya.
“Kasi Mommy, si Cris. Umalis na siya. ”
“Kaya ka ba nalulungkot?? ”
Tumango ako bilang sagot.
“Nasanay lang po ako na laging nandiyan si Cris sa oras ng kailangan ko ng matatakbuhan. ” malungkot kong sabi.
“Anak, normal lang iyan sa umpisa. Lagi mong tatandaan na sa bawat taong umaalis sa buhay natin ay may isang taong darating. Taong magpapasaya sayo. Taong iintindihin ka at taong ituturing kang mundo niya. ”
“Mommy naman. ” sabi ko.
“Totoo yun. Maniwala ka at magtiwala. ”
“Salamat Mommy. ” naglakad ako palapit sa kanya at niyakap ko siya.
Siguro nga kailangan kong tibayan ang aking loob. Kailangan kong ipakita kong gaano ako katatag ngayon.
Ngayon pa ba ako susuko??
Inayos ko ang aking sarili at pumasok sa loob ng kwarto ni Demi. Sabi ng doctor sa susunod na araw ay sisimulan na nila ang operasyon. Umaasa ako na maging successful ito. Kailangan kong magdasal at magtiwala na magiging maganda ang kalalabasan nito.
Tinitigan ko ng maigi ang mukha ng aking anak. Sobrang himbing ng kanyang tulog. Madali siyang mapagod kaya mostly nakahiga lang siya. Lahat gagawin ko para sa mga anak ko. Hindi ko sila pinapabayaan.
Matapos ang kinse minuto ay muli akong lumabas ng kwarto. Mag aalas dose na din kasi at kailangan ko ng maghanda ng pagkain. Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bag ko. Sasagutin ko na sana ang tawag ng bigla kong napansin ang isang bagay na nasa sahig. Nahulog ko ata ng kinuha ko ang phone ko.
Nakatitig ako dito hanggang sa unti unting nag sinc in sa utak ko kung anong bagay iyon. Ang invitation ni Dustin sa kasal niya. Para akong nastatwa at nanginig ng basahin ko ang invitation.
Bukas na nga pala ang kasal nila. Tinibayan ko ang aking loob na wag umiyak. Naging matigas ako kahit pa deep inside ay sobrang sakit. Tumingin ako sa malayo saka inihulog sa basurahan ang card na iyon.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?? Bakit kailangan pang ipaalala sa akin na ikakasal na siya.
***
“Look who's here?! ” agad akong napalingon sa nagsalita at nagulat ako ng makita ko siya.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Genç KurguNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.