Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para hindi malungkot. Marami ang nagtaka sa pagkawala ni Dustin sa kumpanya. Marami ang namuong tsismis sa loob ng kumpanya at sino pa nga ba ang kuntrabida sa paningin nila. Walang iba kung hindi ako.
Hindi ko na lamang pinansin ang mga naririnig ko mula sa kanila. Wala silang alam at hindi ako mag-aaksaya ng kahit konting oras para pansinin sila. Hindi ko ikakaunlad ang pagpatol sa kanila. Buti na lang kahit paano may mga nakakadamay ako. Unang-una na si Cris, araw-araw niya akong sinasamahan, inaaliw, kinakausap at pinaparamdam sa akin kung gaano ako kaimportante sa kanya.
Nasabi ko na din sa aking sarili na mabuti pang mawala si Dustin sa buhay ko wag lang si Cris.
Nag-iisip na din ako kung paano ako sa kanya makakabawi. Sa lahat ba naman ng ginawa niya sa akin kailangan ko talagang bumawi sa kanya.
Aaminin ko na nalungkot din ako sa pagkawala ni Dustin sa kumpanya. Nahirapan akong mag-adjust lalo na sa mga commitments at meeting na iniwan ni Dustin. To the rescue naman si Beki sa akin kahit na nagtataray ako sa kanya. Hindi niya rin ako pinabayaan. Sobrang blessed ko nga siguro. Syempre, may konting guilt pa rin pero okay lang. Matatanggap ko din sa sarili ko ang ginawa ko kay Dustin.
Anyway, lets moveon.
Sa ngayon, abala ang lahat sa paghahanda sa event ng kumpanya. Tudo support naman si Ate at Mommy sa first ever launch ng mga design ko. May konting kaba pero go with the flow ang Lola mo. May tiwala naman ako sa kakayahan ko.
"Are you ready?? " napatingin ako kay Cris na kanina pa nakatingin sa akin. Marahil napansin niya ang kaba sa aking mukha.
"Kinakabahan ako. " sabi ko saka tumingin sa kanya. Ngumiti naman siya na parang sinasabi niya Kaya ko yan!
"No matter what happen. Nandito lang ako. " pagpapalakas-loob niya sa akin.
Napangiti naman ako out of nowhere. Ewan. Bigla na lang gumuhit ang matatamis na ngiti sa aking labi.
"Ganyan! Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti. "
Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking pisngi. Daig ko pa yata ang teenager sa ginagawa ko.
"You know what! Napakapilyo mo talaga. Thank you nga pala. " masayang sabi ko.
"Thank you for what!? "
"Thank you dahil lagi kang nandiyan sa tabi ko. Thank you sa lahat lahat. "
Habang pinagmamasdan ko si Cris, hindi ko maiwasan ang mapangiti na kinikilig. I dont know kung kinikilig ba ang tawag dito o masaya lang talaga ako. Napakasupportive niya. Napakaunderstanding at higit sa lahat napakabait.
"Let's go?? Baka mahuli ka pa. Galingan mo ha. " sabi pa niya.
Napangiti naman ako bilang tugon bago bumaba ng sasakyan.
Pagkababa ko bumungad agad sa aking paningin ang malaking building na pagdadaosan ng event. Excited na kinakabahan pero sabi nga ni Cris kailangan ko lang i-enjoy ang event. Sinalubong naman kami ng ilang press at photographer. Feeling ko tuloy sikat na designer na ako. Yun naman talaga ang goal ko. Ang makilala bilang sikat na designer.
Hinatid ako ni Cris sa backstage para maayosan ako. Akalain niyo yun, manager na nga ako model pa ng sarili kong kumpanya. Ito yung tinatawag na multi-tasking. Sinulubong naman agad ako ni Beki ng kanyang famous looks. Prepared na prepared ang outfit niya. Kinabog pa ang lola niyo.
"Hi Sir Cris. " bati ni Beki kay Cris. Syempre nginitian lang ni Cris si Beki na sobrang nagpacute pa.
Pansin ko din ang mga modelo sa loob na abalang inaayosan ng mga makeup artist.
BINABASA MO ANG
His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)
Teen FictionNapaglaruan ka na ba sa pag-ibig o mahilig kang maglaro ng damdamin ng iba ?? Ito ang huling bahagi ng kwento ng taong laro lang ang gusto. Hanggang saan sila dadalhin ng tinatawag nilang kapalaran.