Chapter 37 : Paradise Island

731 25 5
                                    

Kahit paulit-ulit akong sumuko hindi ko pa rin maikakaila sa aking sarili ang katotohanang mahal ko pa rin siya. Gusto kong maniwala sa sinabi ni Raffy. Gusto kong maging masaya kasama si Dustin pero ang hirap. Ang hirap tanggapin na hindi na ganon kadali ang lahat. Pero sa tuwing nakikita ko siyang masaya ay hindi ko alintana ang sakit sa aking dibdib lalo na sa tuwing nakikita ko ang mga ngiting nakaukit sa kanyang mukha.

Sobrang gaan sa pakiramdam.

Buong maghapon akong nakangiti ng dahil sa kanya. Hinayaan ko lang ang tadhana na magkasama kami sa araw na ito. Sobrang gaan lang sa pakiramdam na parang bumalik kami sa dati. Walang ilangan, in fact nagagawa pa naming magbiro at magtuksuhan.

Kung single lang sana si Dustin ako na lang ang gagawa ng paraan para maging kami ulit kaya lang walang ganon diba?? Hindi naman pwedeng ako ang unang magtapat, nakakahiya yun.

Iniisip ko na lang yung sinabi ni Raffy na kailangan kong makasama si Dustin just to realize kung kaya ba naming mawalay sa isa't isa. Ewan kung anong pinupunto ni Raffy.

Sobrang bilis ng mga oras at araw na lumilipas. Bat ganon?? Sa tuwing kasama ko siya sobrang napakadali ng lahat. Ang bilis bilis ng oras na parang may hinahabol na bukas.

Hays.

Papalapit na ng papalapit ang araw ng kasal niya. Hinahanda ko na rin ang sarili ko dahil hindi ko alam kung anong mangyayare sa aming dalawa pagkatapos ng kasal. Baka nga hindi na kami magkita. Baka tuluyan na siyang maglaho sa buhay ko.

Hays.

Madaling araw na ay hindi pa rin ako inaantok. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pipikit ako pero maya maya ay didilat din agad ako. Magmumuni-muni na parang tanga sa mga naiisip ko. Parang hindi makapaniwala ang aking sistema na kasama ko si Dustin ngayong buong maghapon. Idagdag pa ang pagyaya niya sa akin bukas na pumunta sa isang isla.

Ano kaya ang mangyayare?? Ganito lang siguro ako kaexcited kaya hindi ko magawang matulog. Sobra lang natutuwa ang aking puso.

Tumagilid ako sa paghiga at napadako ang aking tingin sa aking cellphone na nakapatong sa table katabi ng higaan ko. Out of nowhere ay bigla kong kinuha ito at mabilis na binuksan ang gallery.

Ewan. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa mga kuhang larawan namin kahapon. Sobrang saya ng mga ngiti niya at mas lalo naman ako. Para akong dinuduyan sa tuwa.

Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha ni Dustin at masasabi kung kamukhang-kamukha niya talaga ang kambal. Naisip ko din kung anong magiging reaksyon niya sa oras na makita niya ang mga ito.

"Dustin, lagi kang hinahanap sa akin ng mga anak mo. " tugon ko sa aking sarili at inilapat ang phone ko sa aking dibdib.

Kahit larawan lang iyon ay pakiramdam ko nasa tabi ko lang si Dustin. Pakiramdam ko ramdam ko ang kanyang presensya sa tabi ko. Para akong tanga dahil parang naaamoy ko ang kanyang hininga.

My god!

Kinabukasan ay dahan dahan akong napadilat dahil sa mahihinang katok sa pinto. Kinusot ko pa ang aking mga mata sabay dako sa orasan na nakasabit sa taas ng pinto.

Pasado alas otso na pala. Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi. Ramdam ko din ang pagsakit ng aking ulo marahil kulang pa ako sa pagtulog. Gusto ko pa sanang matulog kaya lang muling napukaw ang aking atensyon sa katok mula sa labas.

"Lala?? Lala gising na. Maydala akong food. " narinig kong sambit ni Lorraine mula sa labas ng kubo.

Napakamot pa ako sa aking ulo bago tuluyang maglakad. Para nga akong zombie na binuksan ko yung pinto. Napapikit pa nga ako ng konti dahil sa sikat ng araw. Pero halos manlaki naman ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang kasama ni Lorraine. Mabilis kong isinara ang pinto sabay tingin ko sa maliit na salamin na nakasabit sa dingding.

His NOT Playing the MALDITA (BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon